#5 - The End

591 19 1
                                    



"KYAAH! MGA UHUGING BABAE GUMISING NA KAYO!"


Napabalikwas ako ng bangon at muntikan ng mahulog sa kama ng marinig ko yung sigaw na yun. Feeling ko sa mga oras na yun hindi lang eardrums ko yung nabasag. Nung dinilat ko naman yung isang mata ko nakita kong nakatayo sa gitna si Krys at nanlalaki pa yung mata niya. Ano bang problema niya? Ang aga-aga pa naman ha?


"For pete's sake Krys! saan nanggaling yang microphone mong boses?!" iritadong tanong ni Ashley na gustong-gusto ko talagang dugtungan.


"Hay nako! tigilan niyo ko at magsitayo na kayo diyan. Sinet ko pa naman kaninang umaga yung mga alarm clock niyo bago ako umalis dahil maaga kayo dapat babangon ngayon pero anong oras na? It's already 9 A.M in the morning pero naglalaway pa'rin kayo." sermon niya kaya kami naman ang nagsilakihan ng mga mata.


Dahil sa kaba agad ko namang chineck yung phone ko kung anong oras na ba talaga pero hindi lang ang nakakapanlumong 9:03 A.M ang bumungad sa'kin kundi pati yung anim na text at 23 missed calls ni Alex. Patay ka talagang Nickie ka!


"Bakit ngayon mo lang kami ginising?!" gahol na gahol na tanong ko habang naguunahan kami sa CR.

 

"Eh kung tadyakan at pagkasyahin ko kaya kayong anim diyan sa CR. Hindi lang ako nag-alarm, ginising ko din kayo kaninang umaga at ang sagot niyo lang sa'kin ay 'sige' at 'maaga pa naman'. Akala ko nasa wisyo kayo kaya hinayaan ko na lang kayo, hindi nanaman pala kaya wag na wag niyo talaga akong sisisihin." iritado niyang sagot kaya napakamot na lang ako ng ulo dahil sa sobrang pagkairita.


"Fvck! late na late na ko." bulong ko.


"Late na late na talaga! kaya bilisan niyo diyan. Lalo ka na Nickie, kanina pa umuusok sa galit yung amo mo!" pananakot niya sa'kin kaya napairap na lang ako.


Bwisit naman kasi yang si Czarina. Siya kasi talaga may dahilan kung bakit ako nalate ngayon eh! Nako pag di talaga ako nakahabol tutuluyan ko yung palay niya.



"Hoy Nickie! ano ba kasing ginagawa mo diyan? papasukin mo na kami!" kalampag ni Nikka mula sa labas ng CR. Nilock ko kasi eh!


"Wait lang kasi sabi! nakikipaglaro pa ko eh. Oh ano Czarina? ayaw mo pa'rin bang pumayag?" tanong ko kay Czarina habang chinecheck yung mga kuko. Ang cute talaga ng kulay pink na nail polish!


Ano nga bang ginagawa ko? Ah! eh eto kasing si Czarina sabi niya ipapahiya niya ko bukas tapos sa kanya na agad yung korona. Ang akin lang naman hindi pa nga tapos yung laban tapos alam niya na agad na sa kanya yung korona, diba nag unfair naman nun? Kaya ayan at pinagpupunas ko ng sahig.


Akalain mo yun napagpupunas ko siya ng sahig? pero kasalanan niya naman yan eh! Hindi siya nagiingat sa mga pinagsasabi at pinaggagawa niya sa buhay kaya nagkakataon tuloy na naglalandas ako sa buhay niya sa tuwing may kalokohan siyang ginagawa.


Kanina kasi may binato ako sa kanyang MP4 nung makalabas yung kasama niya. Pinalabas ko na kasi wala naman siyang atraso sa'kin pero pagnagsalita siya baka doble pa sa atraso ang makuha niya. Sa totoo lang ang tagal na ng MP4 na yun sa'kin at palagi ko lang siyang bitbit kasi naaaliw talaga ako sa nagiisang video doon.

TILOFIL HIGH [COMPLETED]Where stories live. Discover now