one

153 4 0
                                    

One

Professor



Matalim na titig ang ibinigay ko sa kanya nang magtagpo ang aming mga mata. I never forget what he did almost a month ago.  Ang tingin ng halos lahat ng estudyante sa akin ay isang masamang babae dahil lang sa pangbabasted ko sa kanya sa harap ng maraming tao.

He smiled mischievously. Umupo siya sa katabi kong upuan at talagang humarap sa akin. Halatang inaasar niya ako sa pagpa-puppy eyes niya. Hindi man lang apektado sa ginawa kong pangbabasted sa kanya sa maraming tao. Kunsababay, walang hiya talaga siya. Kaya nga nagawa niya abg kabobohang iyon.

"Tigilan mo ako, Kyle." Matigas kong sabi at ibinalik ang pagbabasa sa libro.

Narinig ko siyang humalakhak. "My Megan, bakit ba ang init ng ulo mo sakin? I always been sweet to you."

"Iyon ang nakakairita!" Hindi ko mapigilan ang mainis. Huminga ako ng malalim at pilit na pinapakalma ang aking emosyon.

Tumawa ulit siya. "You're so cute when you are mad."

Ipinikit ko ang mga mata. Stay calm, Meg. At nang magmulat ako ng mga mata ay pinigilan ko ang sarili na huwag na siyang patulan pa.

Ewan ko ba kung bakit inis na inis ako sa kanya. Bawat galaw niya umuusbong ang kayabangan sa kanyang katawan. He is a typical playboy.  Well, iyon na siguro ang sagot kung bakit labis na lang ang inis ko sa kanya.

Mabuti na lang at tumigil na siya sa pang-aasar sa kin. Lalo na ng dumating ang professor namin. Nagsimulang tumahimik ang kanina'y maingay na classroom nang pumasok si Mister Montana. Matikas ang tindig nito na nakasuot ng kulay bughaw na polo at itim na slacks. He looks like a young businessman more than a teacher. He substituted his father our former teacher. Mister Montana,his father is better than him. Not that he is not efficient and effective teacher but he is very strict. Plus, he always has an intimidating aura.

He open his Mac book and call our surname alphabetically. He is very serious while speaking. Walang nangangahas na magsalita sa amin pwera lang siguro sa katabi kong ito na madilim na nakatingin sa harap.

"Montana." I heard him called for Kye but he didn't respond. "Montana." Ulit ni Sir.

"Kyle." Untag ko sa kanya.

Tumingin siya sa kin bago sumagot. "Present!" Patamad niyang sabi.

"I will call your name once next time. If you will not say present I will mark you absent. Understand, Class?" Malalim na boses na sabi ni Sir Montana habang nakatingin ng mariin kay Kyle.

"Yes, Sir!" Sumabay ako sa pagsagot sa guro namin.

It is weird for me to know that Kyle's teacher was his older brother.

Bumalik ang mga mata ni Sir Montana sa kanyang Mac book at ipinagpatuloy ang pagtawag sa iba pa.

Sa gilid ng aking mga mata'y tiningnan ko ang katabi. He is still looking intently in our front where Sir Montana is sitting. Tumaas ang gilid ng mga labi nito na halatang nasusuya sa harapan bago lumingon sa kin. Agad kong inayos ang pagkakaupo at nagkukunwaring sumusulat sa aking notebook.

"You're looking at me. You starting to like me?" Mayabang na tanong niya.

Hindi ko siya pinansin at nagkunwaring hindi siya narinig. Mr. Montana continue his previous lesson. He started writing on the board.

Kaya siguro buo ang loob nitong  hindi makinig habang nagkaklase ang kapitid nito. He can take his strictness.

"Date me, Meg. You will be happy if you become my girlfriend." Bulong niya.

"Managinip ka." mariin kong bulong.

He chuckled softly. "You will eventually fall for me, Meg. I'll make sure of that."

"Hinding-hindi mangyayari iyan. I will never fall to a jerk like you." I hissed. Biglang kumulo ang dugo ko dahil sa kahanginan ng lalaking ito.

"You will eat your word when the time comes you will fall for me."

Ibubuka ko na sana ang bibig para magsalita ng marinig ko ang boses ni Sir Montana.

"Mr. Montana, stand up and answer my question." Mababa ang boses na wika nito.

"I don't know the answer, Sir." He smirked then. Tila proud na hindi alam ang sagot at halatang hindi nakikinig.

Umigting ang panga ni Sir Montana sa inasal nito. Wala talagang modo ang lalaking ito.

"I don't tolerate your attitude in my class. You get out." Nagtitimping sabi nito.

"Thank you, Sir. Your class is very boring." Tumayo ito at isinukbit ang bag sa kanang balikat nito. Taas noo itong naglakad palabas.

"I will fail you in this subject so better not attend my class from now on." Pinal na sabi nito.

Nanlaki ang mga mata ko. Is he serious?

"Fine." Iyon lang ang sagot nito bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Hindi ako makapaniwala. Hindi man lang ito umalma sa naging desisyon ng kapatid nito. Napalunok ako ng sa gawi ko naman tumingin si Sir Montana. I lower my head. Nakagat ko ang ibabang labi sa pagkapahiya. Nakikinig naman ako sa mga discussion niya pero kasi hindi ko mapigilang sagutin ang pang-aasar ni Kyle sakin.

"Miss Amarante."

Napakislot ako ng bahagya sa pagtawag niya sakin. Pati ba ako papalabasin niya sa klase? He will fail me too?

"S-Sir?" Dahan dahan akong tumayo. Hindi pa rin makatingin sa kanya pati na rin sa mga kaklase ko. Nakakahiya ito. First time kong matawag ng guru dahil sa hindi pakikinig.

"Get your things." What? Naipikit ko ang mga mata.

Mabagal kong pinulot ang mga gamit ko. Hindi ko na hinintay na sabihin niyang lumabas din ako dahil kusa kong gagawin iyon kahit labag sa kalooban ko.

"Where are you going? You want to get fail too?" Narinig kong tanong niya.

Tumigil ako sa paghakbang. "N-No, Sir!" Agad kong sagot. I have a good grades kaya ayokong madungisan iyon.

"So why do you want to go out?"

"N-No, Sir. I thought... you want me to..."

"Sit in the front." Utos niya. Tinuro niya ang upuang bakante sa unahan halos katabi ng mesa niya.

"Sir... may nakaupo na po diyan. Si Santos?"

"He is absent. You will exchanging seats and that is your permanent seat for the whole semester."

Tumango ako. Naupo na sa itinuro niya. Bahagya ko pang naamoy ang kanyang pabango dahil sa lapit namin sa isa't isa. Ngumuso ako. Ano kaya ang pabango niya? Ang bango- bango kasi.

Napabuntong hininga ako nang matapos ang klase namin sa kanya. Pakiramdam ko'y kanina ko pa pinipigilan ang paghinga dahil sa paminsan minsan niyang pasulyap sa akin na kasamang panunukso. Lahat naman ng tanong niya'y nasasagot ko pero hindi matanggal-tanggal ang kaba ko lalo na't ilang dangkal lang ang layo niya sa kinaroon ko.

"Ang tindi talaga ng iba diyan. Nakikipagharutan sa gitna ng klase. Hindi ba binasted na? Pakipot ba?"

Umigting ang panga ko sa paparinig na iyon ni Krisha. Inayos ko ang mga gamit ko at inilagay sa bag.

"O gusto lang ng walang lebel para makaharot ng iba pa?"

Naikuyom ko ang kamao. Pinipigilan na patulan siya sa paratang niya. Marahas ko na lang na isinukbit ang aking bag at lumabas na ng classroom. Baka kung pinatulan ko siya hindi ko mapigilan ang sariling masabunutan siya. Baka mapatawag ako sa guidance office kinabukasan.

Nagpasya na lang akong dumeritso ng uwi sa apartment.

Finding The Father Of My Child(revisited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon