two

118 4 0
                                    

This is a revision chapter. I already deleted the original chapter. Sorry for doing this but I am not satisfied with my original work. Just understand.


Symptoms

"You know that girl? Ang pangit ng ugali porke't maganda. You remember what she did to Kyle? She ditched him in front of many people. Napahiya si Kyle sa maraming tao."

Naikuyom ko ang aking palad sa narinig. How could they judge me? Hindi nila alam kung ano ang dahilan ko.

Kyle is a playboy from head to foot. Wala akong intensyong mapabilang sa mga babaeng niloloko niya. And also, boyfriend is not my priority.

Imbes na pumatol sa akusasyon ng babae minabuti ko na lang na magpatuloy sa paglalakad. Bawat mapanghusgang tingin, inggit, inis o galit man ng mga kapwa estudyante lalo na ang mga babae ay hindi ko pinansin. Masakit man sa kaloob-luuban ko hindi ko pinahalata.

Dinala ako ng aking mga paa sa tahimik na field sumilong sa anino ng puno ng acacia. Pasalampak na umupo sa damuhan at pinakawalan ang isang malalim na buntong hininga.

Maybe, I am really bad. May action towards Kyle was heartless. I am just honest that day but still I let him looked ridiculous in front of many. Dagdagan pa ang mga sinabi ko sa kanya ang mga katagang iyon.

Mariin kong ipinikit ang mga mata at muling bumuntong hininga. Imiwaksi ko sa aking isipan ang mga pangyayaring iyon at minabuting mag-aral.

Everytime I have free time I always go here. Tahimik at malayo sa mga tao lalo na kung tanghaling tapat hanggang mag alas tres ng hapon.

Hinayaan kong tangayin ng hangin ang ilang hibla ng aking buhok. Inaral ko ang mga itinuro ni Sir Montana noong last meeting namin. Magbibigay siya ng quiz at gusto kung masagutan ng tama lahat.

Sa kalagitnaan ng pag-aaral, biglang sumagi sa isip ko ang pag-alis ni Kyle sa klase ng kanyang nakakatandang kapatid. They have something going on between them. Tila galit sila sa isa't isa. Lalo na si Kyle. The way he looked at his brother it's like he really hate him.

Ipinilig ko ang aking ulo at iniwaksi ang mga kuryusong tanong sa isipan. Hindi ko na dapat iniisip ang problema ng iba. I should focus on my studies. Lalo na't malapit na ang prelim exams.



Hindi ko namalayan ang oras dahil sa konsentrasyon sa pag-aaral. Namalayan ko na lang na bumababa na ang araw sa kanluran at mamula-mula na ang kalangitan. Mabilis kong iniligpit ang mga gamit saka tumayo. Sasaglit muna ako sa canteen para kumain bago pumasok sa huling subject ko.



Bawat hakbang ko'y hindi makakaligtaang may tumitingin sa akin. Bumuntong hininga ako at pinagpatuloy ang paglakad. Bakit ba ako magpapaapekto sa mga taong mabilis akong hinusgahan?



"Isang tuna sandwich po." Sabi ko sa tindera.



Pagkatapos kung bumili ay tumungo na ako sa classroom namin. Akala ko walang tao dahil maaga ako ng labindalawang minuto pero naroon na si Sir Montana sa loob. He was wearing a blue embroidered polo and a black slack. His hair was neatly comb. He looks so fresh and neat. He was busy typing on his laptop. Tatalikod na sana ako ng biglang lumingon siya sa akin. Napalunok ako.

"H-hello po Sir." Mahinang bati ko.

"Hi." Maikling sagot niya at ibinalik ang tingin sa harap ng laptop.

Ayoko sanang pumasok pero nakita na niya ako. Tahimik na tinungo ko ang upuan sa pinakahulihan kung saan ako nakaupo. Pero bago ko pa mailagay ang gamit ko sa desk ay nagsalita siya.

Finding The Father Of My Child(revisited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon