Four
Check-up
Pregnancy is my least priority at this moment. Ni hindi sumagi sa isipan ko ang mabuntis habang nag-aaral ako since first year. I went to Manila to study and fulfill my parents' dreams for me. Pero paano na ang mga pangarap na iyon kung ganito ang kondisyon ko. I'm pregnant but I don't want to abort this child. Hindi ako ganong klaseng babae.
"Meg."
Umangat ang tingin ko sa kaibigan. I know she sensed that I have problems but I didn't told her about it. She sighed and look at me worriedly.
"I noticed you'd changed after you went to that place. Mayroon ba akong dapat malaman?"
Hindi ako nagsalita.
"Meg, sabihin mo naman sakin." Pagsusumamo niya. "Noon ko pa napapansin na may tinatago ka. Meg, kaibigan mo ako."
Hindi madaling sabihin sa kanya ang kondisyon ko at ang mga nangyari nang gabing iyon dahil wala naman akong maalala!
Ginagap niya ang kamay ko. "I'll do my best to help you please tell me what happened."
"Hy..." I bit my lower lip to stop it from trembling. "I'm... I-I'm pregnant." Nahulog ang luha sa aking mga mata.
"What?" Gulat ang rumehisro sa kanyang mukha. Tumagal ang tingin niya sa akin kaya't napayuko ako.
That's why I don't want anyone know my condition. I don't want to judge by anyone especially who is close to me. However, Hyriel didn't judge me.
"Paano nangyari ito?" Halos bulong lang iyon. "D-Did someone rape you that night? Gosh, Meg! I'm sorry. I'm sorry this is all my fault." Humagulhol siya ng iyak sa harap ko.
"Kung hindi lang sana kita hinayaang mag-isa roon hindi sana mangyayari ito. I'm sorry." Ilang ulit na humingi siya ng sorry sa akin. Niyakap ko siya.
"Wala kang kasalanan, Hy." Sabi ko.
Umiling siya. "Pinabayaan kita. Alam ko kung anong lugar iyon. Alam kong wala kang ideya sa lugar na iyon."
"Ssssshhh." Hearing that she was blaming herself lalo lang akong nanliliit sa sarili. I never blame her or anyone even Selena or our classmates because it was my fault in the first place. I went in that kind of place.
"Naalala mo ba ang mukha ng lalaking gumawa niyan sayo?" Tanong niya. Medyo kumalma na pero hindi matanggal sa mukha ang labis na pag-aalala.
Umiling ako. "I even don't remember how did I went in the guy's place. Ang naalala ko lang ay bigla akong nahilo at may lumapit sa akin." I tried to remember what happened but all I can get was headache.
"Hahanap ako nang paraan para malaman ang nangyari sa iyo. I will find that jerk who did that to you." Determinado niyang sabi.
"Thank you." Sambit ko. Kahit papaano'y gumaan ang pakiramdam ko.
Hyriel advice me not to be worried about my situation. Determinado siya habang sinasabi sa akin na gagawa ng paraan para malaman kung ano ang nangyari ng gabing iyon. Sasamahan din niya akong magpacheck-up para siguraduhing healthy kami ng aking baby. Nagpapasalamat akong nagkaroon ako ng kaibigang dadamay sa panahong may dumadating na problema.
"Hi Meg!" Bati sa akin ni Kyle nang dumaan ako sa grupo nila. Nagkumpulan sila ng kanyang grupo sa corridor at mukhang kagagaling lang ng practice.
Hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy lang sa paglalakad. Narinig kong mapang-asar na nagtawanan ang kanyang mga kasama sa inasta ko.
"Wala talagang panama ang kagwapuhan mo kay Megan, Kyle."
Kumibit balikat lang ako sa narinig.
"O baka naman nahihiya lang dahil sa nangyari sa inyo."
Kumunot ang noo ko.
"O baka hindi nagustuhan ang performance mo." Dagdag na pang-aasar ng kanyang mga kaibigan sa kanya. Kabuntot noon ay ang malakas na tawanan ng grupo nila.
"Ewan ko sa inyo." Rinig kong sabi ni Kyle na mukhang nairita at napikon sa pang-aasar ng grupo.
Hanggang sa hindi ko na narinig ang ibang pinag-uusapan nila dahil nasa malayo na ako. I was thinking about the performance his friends was saying. Kung tungkol iyon sa paghaharana niya sa harap ng maraming tao ay talagang hindi ko iyon nagustuhan. Kung may gusto lang siguro ako sa kanya baka kinilig na ako pero wala talaga. Wala akong maramdaman sa kanya kundi inis. I hate his guts and confidence.
Kinabukasan maagang pumunta sa tinutuluyan ko si Hyriel. Nakamaong siyang suot at t shirt lang na kulay crema. I doubt that she lacks of sleep. I know her working schedule. I felt guilty.
"Ready kana?" Tanong niyang nakangiti.
Marahan akong tumango. We were going to the on gynecologist. Hindi ko maiwasan ang kabahan sa pagtungo ko roon.
"Teka, kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya. Medyo nag-aalala sa kalagayan niya.
"I already ate my breakfast, don't worry." Nakangiti niyang sagot. Tumango ako. Nagi-guilty pa din dahil alam kung kulang siya sa tulog o baka nga hindi pa ito nakakaidlip galing sa trabaho. "I know what you are thinking. I'm fine. Nakatulog ako sa sleeping lounge kahit papano at mamaya babawi din ako ng tulog pagkatapos ng check-up."
Hinawakan ko ang kamay niya. "Thank you, Hye"
"Ano ka ba! You are my friend so I should help you. Atsaka kasalanan ko rin kung bakit ganyan ang sitwasyon mo ngayon."
"Wala kang kasalanan. Naging pabaya lang kasi ako." Marahan kong sagot.
Hindi nawala ang kaba ko nang makarating kami sa clinic. Hawak ko ang kamay ni Hyriel habang kinakausap ako ng Doctor pagkatapos ng ultrasound na ginawa niya sa akin. Para daw malaman kung ilang weeks na akong nagdadalang-tao.
"The baby is healthy and so are you. I'll just give some vitamins for you and for your baby. Remember, don't stress yourself, hija. Lalo na ang magpuyat."
Tumango ako sa sinabi ng doctor. She give me the sonogram of my baby. I'm three weeks pregnant according to her. Masaya ako kahit papano. Kahit na nandon pa rin ang agam-agam sa aking puso. Hindi naman mawala iyon dahil wala pang nakakaalam ito. Mahirap sabihin sa mga magulang ko. Madidismaya lang sila sa akin.
Pagkatapos nang check up ay umuwi na kami.
BINABASA MO ANG
Finding The Father Of My Child(revisited)
Short StoryWill she find the father of her child? R18