five

75 3 0
                                    

Five

Truth



Katatapos lang namin na mag-usap ni Mama nang tumawag siya kaninang umaga. We mostly talked about my life in school. Kinamusta ko rin ang kanilang buhay sa probinsya. Kung ano na ang mga balita roon. I miss our home. I miss my parents. Siguro makakauwi lang ako roon pagkatapos ng graduation o pagkapanganak ko. I don't know. But I really want to go home.

Hindi ako nakapagkumento nang ikwento sa akin ni Mama ang tungkol sa anak ng kapitbahay namin. Rosario was pregnant at the age of sixteen. Bigong- bigo daw si Aling Bebeng sa anak nito. Ito lang kasi ang inaasahan na maiahon ang pamilya sa kahirapan pero maagang nag-asawa. Nabuntis daw ito ng boyfriend at ngayon ay tuluyan ng huminto sa pag-aaral. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Maski ako'y nakokonsensya. I am guilty. It's really hard for me to tell them the truth. I don't want to disappoint them. Ayokong tumigil sa pag-aaral. Malapit na akong makatapos. Ayokong biguin sila dahil lang sa kalagayan ko. Ang kanilang pangarap at pangarap ko rin.

Pumasok ako sa klase na maraming iniisip. Lalong hindu ako maka-focus dahil sa paminsan-minsan kong nalalanghap ang pabango ni Sir Montana. Gusto konang magreklamo pero nahihiya ako.

"Ang bango ni Sir noh?" Halatang kinikilig na bulong ni Rona sa katabi.

Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang sagot ni Flora. "Ano kayang brand niya. Ang bango."

Gusto kong umalma sa dalawa na ang baho nga eh kaso baka magtaka sila. Buntis ako kaya't sensitibi ang aking pang-amoy.

I always read articles about pregnancy. Marami akong nalalaman tungkol sa pagbubuntis. Naiintindihan ko rin kung bakit lagi nalang akong inaantok. Isa pala iyon sa symptoms ng pabubuntis. Mabuti na nga't hindi ako nagsusuka kada umaga at hindi ako sensitibo sa mga pagkain.

"I'll give a quiz next meeting so  better study your notes. That's all for tonight. Class dismiss."

Agad kong sininop ang aking mga gamit at nagmamadaling lumabas ng classroom. Nang makalabas ay nakahinga ako ng maluwag.

"Meg, sandali."

Natigil ako sa paglalakad nang may humawak sa aking braso. Nang lingunin ko ay si Kyle iyon na maangas na nakangiti sa akin. Hinarap ko siya. Ngayon ko lang napansin ang pagpasok niya sa klase. Ano kaya ang pumasok sa utak niya at pumasok ito sa klase. I thought he really dropped this subject. Siguro nagkaayos na niyo ang propesor na kapatid.

"I noticed that you always in a hurry after the class. Bakit ka nagmamadali? May iniiwasan ka ba?" Hindi mawala wala ang angas sa mukha niya. He always look an egoistic jerk for me.

"Siguro ako iyong iniiwasan mo. Am I right?" Dagdag pa niya.

Agad na nangunot ang aking noo. "Bakit naman kita iniiwasan?" So he really attended the classes. Hindi ko lang napapansin. I almost forgot.  Nasa unahan pala ako nakaupo at nasa likuran siya.

Tumawa siya. "I don't know. Bakit nga ba?"

Kumukuli talaga ang dugo ko sa kanya. Madali akong mainis sa bawat buka ng kanyang bibig. Lalo na't buntis ako. Nadadagdagan ang inis ko kay Kyle.

"Iwan ko sayo." Sabi ko sabay irap sa kanya, tinalikuran ko na siya at muling naglakad.

"Meg," tumawa siya sa naging asal ko na nasa tingin ko naman ay walang nakakatawa. "Bakit ba ang init ng dugo mo sakin?" Natatawa pa rin niyang tanong. Sumunod ang mukong.

Hindi ko na pinansin. Sa hallway ay nakasalubong ko si Hyriel. Tumingin ito kay Kyle. Her face was emotionless while looking at him. Katulad ko'y naiinis din ito sa lalaki. Nang tumingin siya sa akin ay nakangiti na.

Finding The Father Of My Child(revisited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon