Chapter |①|

78.3K 830 145
                                    

3 Days To Make Him Fall - Day |①|

Gabing gabi na at wala pa rin ang asawa ko. Narito ako sa sala at hinihintay siyang umuwi. Tumingin ako sa orasan magaala Una na ng madaling araw, nag aalala na ako sa kanya.

Maya maya pa ay may narinig akong kotseng dumating kaya naman dali dali akong tumakbo sa pintuan ng bahay para salubongin siya. Hindi ko pa man nabubukasan ang pinto ay naaamoy ko ng amoy alak na naman ang asawa ko. 

Tumakbo ako para alalayan siya pero tinabig niya ang kamay ko. Masakit dahil asawa niya ako pero kung ituring niya ay parang isang estranghera. Binaliwala ko muna ang sakit na naramdaman ko dahil hindi naman iyon makakatulong ngayon.

"Bakit ngayon ka lang umuwi? Kanina pa kasi kita hinihintay." malumanay kong sabi.

"Hoy ! ekaww hik* huwag *hik* mo hik* nga akong hik* pinapake hik* elaman. Uuwi ako hik* khit anong hik* oras ko gustuhin." paasik niyang sabi sa akin. 

Napayuko na lamang ako. Ito na naman ang sakit. Napansin kong pasuray suray siyang naglakad patungong kwarto kaya naman sinundan ko siya. Bago pa man siya maka akyat ng hagdan ay natumba na ito kaya naman inalalayan ko siya. Nang maitayo ko siya, tinabig niy ulit ang kamay ko. Saka siya dumiretso na paakyat. Hindi ko na siya nagawang sundan pa dahil nagsimula ng tumulo ang kanina ko pang pinipigilang mga luha.

11 buwan palang kaming kasal pero sobrang gulo na ng pagsasama namin. Maayos naman ang buhay mag asawa namin noon, sobrang sweet namin sa isa't isa. Nagkakilala kami noong nasa 4rd year college na ako at siya naman ay 5th year. Tourism ang kursong kinuha ko at samantalang siya'y nasa kursong Engineering. 

Alam kong gasgas na ang typical na lovestory na nagkabanggaan sa hallway ng school tapos na inlove sa isa't isa pero anung magagawa ko ganun kasi talaga ang istorya naming dalawa. Simula ng mangyari ang insidenteng iyon naging tampulan na kami ng tukso sa loob ng campus. Ako kasi si Feberly Rodriguez, Campus Beauty titlest at siya naman si Erold Asuncion presidente ng student council.

Buhay celebrity ang dating namin sa campus dahil na din siguro sa kilala ang mga pangalan namin sa magkaibang larangan. 

Sabay kaming grumaduate sa edad na 20 at siya naman ay 21. Makalipas lang ang ilang buwan ay nagpasya kaming magpakasal sa isa't isa. Nagcecelebrate kami noon ng anniversary sa US nang yayain niya akong magpakasal. SInagot ko naman siya ng oo kaya ora mismo nagpakasal kami. Sobrang inlove kami noon, walang iniintindi sa buhay kundi ang isa't isa. Hindi din kami mapaghiwalay na dalawa.

  

Pero ang lahat ng sobra ay hindi tama. Ika pitong buwan namin noon ng yayain ako ng kaibigan ni Erold na si Trebo Dimaangas sa isang party daw na hinanda nila para sa successful na pagkakuha ng asawa ko sa isang proyekto. 

3 Days To Make Him FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon