3 Days To Make Him Fall - Day |③|
Isang linggo kung pinagplanuhan ang magiging 3 days vacation namin. Grabe - sobrang saya ko. Nagdesisyon akong sa isang resort kami pumunta. Total 1st anniversary din naman namin. Kahit papano maipagcecelebrate namin ang anniv namin kahit kinaumagahan nun ay hiwalay na kami.Hindi naman siya tumutol sa plano kung sa isang resort kami mag stay for 3 days. Pinabayaan niya lang akong magdecide.
Bukas na ang alis namin at sobrang excited ako. Inihanda ko na ang lahat ng mga dadalhin. Nagpresenta na nga din akong ako na ang mag aayos ng gamit ng asawa ko gaya ng lagi kong ginagawa pero tumanggi ito.Maaga akong nagising kinaumagahan para maghanda. Nagluto agad ako ng breakfast para makapag almusal kami ng asawa ko. Pinatugtug ko sa IPOD ko ang kanta ni Colbie Caillat na Brighter than the Sun. Sinasabayan ko pa ng kanta para mas maganda.
Simpleng breakfast lang ang inihanda ko , sinangag , itlog at hotdog. Maya maya pa ay nakita ko nalang ang asawa ko na pababa ng hagdan.
"Good Morning" bati ko sa kanya na may kasamang malapad na ngiti. Mukhang nagulat siya kaya naman napatingin lang siya sakin.
Nang mapansin kong wala siyang balak na magresponse at gumalaw sa kinatatayuan niya ay ako na mismo ang lumapit at umabresiyete sa kanya.
"Tara na, breakfast na tayo." sabi ko habang nakakapit sa braso niya saka siya hinila papunta sa lamesa.
Pagkaupo niya ay agad ko naman siyang pinaglagyan ng sinangag sa kanyang plato.
"Coffee? sandali at ikukuha kita." nagsalin ako ng mainit na kape mula sa cofee maker. Inilapag ko to sa harapan niya. Nakatitig lang siya sa akin na parang nagtataka kung ano bang nakain ko at ganito ako sa kanya ngayon.
Umupo ako sa tapat niya. Nakangiti pa din ako sa kanya na hindi pa rin ginagalaw ang pagkain. Ganun pa rin ang itsura niya, nakatingin lang sakin at nakakunot noo.
"O kain ka na. Para maaga tayong makaalis." masayang sabi ko saka ako naman ang nagsandok ng sinangag sa plato ko at kumuha ng hotdog.
Mula sa peripheral vision ko ay nakita kung ginalaw na niya ang kutsara niya para kumain. Wala kaming imikan, pero pag nagkakatitigan kami ay nginingitian ko siya. Wala pa rin siyang reaksiyon sa ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
3 Days To Make Him Fall
Teen FictionI only have 3 days to save this relationship. 3 days to make him fall for me again and if I fail then I think it's time for me to finally let him go. - Feberly Asuncion