Chapter |③.①|

60.1K 1.2K 397
                                    

3 Days To Make Him Fall - Day || Part 2

Nagising ako kinaumagahan na parang nasa cloud 9. Hindi dahil sa droga ha, dahil sa asawa ko na ngayon ay sobrang himbing ng tulog. Nakaunan ako sa braso niya. Pinagmasdan ko siya, Hindi parin kasi ako makapaniwalang may nangyari ulit sa amin after so many months na magkahiwalay ng kwarto.Parang kagabi lang umiiyak ako then ngayon naman sobrang saya ko. Hinihiling ko na sana hindi na matapos to.

Kusang gumalaw ang daliri ko para sundan ang matangos na ilong ng asawa ko. Wala pa rin siyang pinagbago, ang gwapo pa rin niya. Nagulat ako ng biglang may nanghuli sa kamay ko.

"Pinaglalaruan mo na naman ang ilong ko." husky na sabi niya. Palagi ko kasing ginagawa yun noon pa. Naiinggit kasi ako ang perfect ng hugis ng ilong niya, yung akin kasi matangos naman pero mas maganda sa kanya.

"Good Morning Love" sabi ko. Medyo nagulat siya sa sinabi ko pero agad din namang nakabawi ng batiin niya din ako.

"Good Morning din Love." sabi niya & he kiss me on my lips. O diba ang saya ng umaga.

"Bangon na tayo, tara mamamasyal pa tayo diba?" sabi ko, saka bumangon.

"Yeah" yun nalang ang nasabi niya. Dumiretso na ako ng banyo para maligo. Isinasabit ko palang ang tuwalya ng may kumatok. Binuksan ko naman. Isang nakakalokong Erold ang bumungad sakin, nakatapi lang siya ng tuwalya.

"Pwede ba akong sumabay love?" nakangiti niyang tanung. Alam ko ng patutunguhan ng tanung niya. 

"Hindi pwede." pagtutol ko sa gusto niyang mangyari. Aba! nakaisa na siya kagabi na syempre ginusto ko naman. Landi ko!

"E loves, mas mabilis pag sabay tayong naligo diba?" mapang akit niyang sabi.

"Hindi pwede." saka ko sinarado ang pinto ng banyo. Mahirap na magaling pa naman siyang mang akit baka matukso ako mas lalo kaming matatagalan.

Inilock kung mabuti ang pinto, baka magulat ako at makapasok siya, may pag ka ninja pa naman yun. Pero aaminin kong namiss ko ang pagiging malandi ng asawa ko.

Masaya akong naligo, medyo binilisan ko dahil sa pagkakakita ko kanina sa orasan ay alas 9 na, sayang ang oras gusto ko siyang makasamang mamasyal.

After 30 mins. ay natapos na ako, lumabas akong nakatapi lang. Nakita ko naman ang asawa kong nakaupo sa kama, tiyak na hinihintay niyang matapos ako. Lumapit siya sakin saka bumulong. 

3 Days To Make Him FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon