Chapter 1

98 7 2
                                    

*kring! kring! kring!* ito na naman ang alarm clock ko, nanggigising! Ba't ba nanggigising ang alarm clock? Di ba siya marunong magpatulog? *sigh* I have no choice, I woke up, I lifted my arms, I moved my knees and I turned my neck. Everything made the same noise, *ccccrrrrrraaaaacccckkkk!!!!!* then I concluded " I'm not yet old, I am just crispy and yummy!" ^__^ Naks! Makapag morning rituals na nga. After few minutes, natapos na din ang mga morning rituals ko.

Sabado ngayon, walang magawa, by the way I'm Veironnijayne Sweet Corpuz a.k.a. Sweet... Ouch!!!! my tummy, sumasakit siya! nagugutom na ata 'to! Kaya bumaba na ako para kumain.

Sakto! nakahain na ang mga pagkain. Kakain na sana ako nang bigang nagsalita si Mama.

"Naprepare mo na ba ang lahat?"--Mama

"Opo Ma." sagot ko.

Nagtataka kayo siguro kung ano yun.. Ganito kasi yun, naglipat ako ng school kasi yung dating school ko may nasuntok ako na bruhang babae! Tama po kayo sa nabasa niyo, may sinuntok ako.. Ikaw ba naman sabihan na hindi na virgin! Ayun, yung mukha niya, hindi na virgin.... kaya napa kick out ako. Mabuti na lang mababait yung mga kaibigan ko, kaya sinamahan nila ako na maglipat ng school.

"Kaya napatransfer kasi ang tapang tapang." singit ni kuya. May kuya nga pala ako, siya si Leighnard Ichiro Corpuz..

"Eh anong gusto mong gawin ko, umiyak sa isang sulok?" nakakainis talaga si kuya!

"Tama na yan. Kumain nalang kayo, lalamig ang mga pagkain." awat samin ni Mama. Kumain nalang ako, hindi ko na pinatulan a si kuya, lalala lang kasi. Ilang minuto lang ay natapos din kaming kumain.

"Pumunta ka na lang sa Mall, alam kong naiinis ka sa kuya mo. Palibhasa mga aso't pusa kayo."--Mama.

Tama nga si Mama, makapunta na lang nga sa Mall pero hindi naman ako aso o pusa. Sa gandang 'to! ^__^

"Pinaglihi mo ba kami sa aso't pusa Ma?"--kuya.

"hhmmmp! Anong kami? Ikaw lang!" singit ko.

"Sa gwapong 'to?! Managinip ka!"--kuya. At ayun, nag-umpisa na naman kaming mag-away.

"Tanong ka kasi ng tanong! Obvious ba sa mukha mo na pinaglihi ka sa aso o pusa? Eh ang gwapo mo kaya!" pagsisinungaling ko

"Talaga?"--kuya.

"In your dreams! Hahahaha!"sagot ko.

"Hoy! Tama na yan! Sige na Sweet, pumunta ka na sa Mall, ang tanda-tanda niyo na, isip bata parin kayo!" pagsusuway sa amin ni Mama.

Umalis na ako, hindi ko na pinatulan yung kuya ko, lakas kasi ng hangin niya. Lalakad lang ako hindi naman kalayuan ang Mall dito. Matext ko nga mga kaibigan ko...

"San kayo ngayon guys?" at sinend ko na. Ilang minuto palang ang nakakalipas ay biglang nagtext si Leen.

"Sa puso mo! ^__^" inlove ba siya o baliw lang talaga?

Si Snow naman ang nagtext.

"Sa kalye KACHUAW! hahahaha!!!!" saan naman yang kaye kachuaw na yan? Meron bang kalye na ganyan ang pangalan? Yung totoo, nagbabaliwan-baliwan lang sila o sadyang baliw talaga sila?? Bahala sila sa buhay nila!

Nakarating na ako sa Mall, una kong pinuntahan ay ang mga DVD pero wala namang magaganda kaya pumunta na lang ako sa Ice Cream Shop. Habang papunta ako sa Ice Cream Shop, biglang *BLAG*

"Ouch!" sigaw ko. Pagtngin ko sa nakabangga sa akin, O__O GOSH!!!!! Gwapong nilalang teh!!

"Sorry." sabi niya at umalis na siya.

Ayyy! ganyanan lang? parang hangin? (ano gusto mo? makipagdaldalan sayo? Sus! Sweet!)

Tingin kasi ng tingin sa cellhphone parang siya lang yung tao dito. Aalis na sana ako nang may naapakan ako, yung wallet niya. Pinulot ko at tiningnan ko siya, malayo-layo na rin siya kaya hinabol ko.

"Hoy lalake! yung nakabangga sa akin kanina! wallet mo!" sigaw ko. Hindi siya lumingon, hindi ba obvious na siya yung tinatawag ko? at tsaka ang bilis-bilis niyang lumakad, tao ba 'to? Takbo ako ng takbo para maabutan siya.

Naka abot na kami sa parking lot, tawag parin ako ng tawag sakanya peo hindi siya lumilingon. Parang tanga lang ako na tawag ng tawag sa hangin! Sumabat yung isip ko na, "ayaw mo talagang lumingon? Di ko na lang isasauli 'tong wallet mo para remembrance!" pero baka mapag kamalan pa tayo na magnanakaw, huwag na lang. Nakakainis na talaga 'tong lalaking 'to!

"Hoy! Gwapo!" sigaw ko.

Lumingon siya! As in? Capital G W A P O ? Feel naman ng mokong na 'to! Nilapitan ko siya at inabot yung wallet niya sabay sabing, "Wallet mo! Nang dahil sa wallet mo, hindi ako nakakain ng ice cream!" sermon ko.

"Ganun ba?" tanong niya at bigla niya akong hinila pabalik sa loob ng Mall.

"Hoy! San mo ba ko dadalhin?!" hindi siya sumasagot sa tanong ko. Dinala niya pala ako sa Ice Cream Shop.

"Ms. bigyan mo nga ako ng strawberry flavored tapos lagyan niyo ng sprinkles" sabi niya.

Tulala lang ako sa mga pinanggagawa niya.

"Ito na po sir."sabi nung waitress.

Binayaran na niya at binigay niya sa akin at umalis na siya. Tulala parin ako. Tapos kong kumain ng binigay niyang ice cream, umuwi na ako. Hanggang sa pag-uwi tulala parin ako pero nakakainis lang siya kasi kinaladkad niya ako. Marunong naman ako sumunod sakanya. Hindi naman ako aso para ganyanin niya.

Nang dumating ako sa bahay bigla akong sinalubong ni kuya. Sigurado aasarin na naman niya ako.

"Haggard ba?" tanong niya na tumatawa pa

"h--ha?" parang nagising ako sa pagkatulala ko.

"Halata eh.." tawang-tawa parin siya.

Hinayaan ko na lang siya, wala naman akong may mapapala kung papatulan ko pa siya.

You Are My Destiny [ on going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon