[SNOW'S POV]
Pagdating ko sa bahay, nagready na ako para mamaya sa banda namin. I can't wait! Gusto ko na ulit tumugtog! Habang nagreready ako, biglang tumunog yung phone ko.
"Guys mamaya magkita tayo sa bahay ko at 7pm o ako nalang ang susundo sa inyo?" text sa akin ni Leen.
"Kung ano ang desisyon ni Sweet, ganun din ako." At sinend ko na.
Tinignan ko ang orasan, malapit nap ala mag 7, kakain na kaya ako para hindi nila ako sesermonan mamaya.
Sabay kami kumain ng kuya ko. Siya si Blue Ace Murphy Welsh.
"So pupunta kayo mamaya sa bar ni tita?" tanong niya.
"Opo!" short ko na sagot.
"Excited ka no?" tanong niya ulit.
"Paano mo nalaman?" mind reader ba siya?
"Kapatid kita eh!" sabi niya sabay ngiti.
Sabagay, hindi ko yun enexpect ah! ^___^ Habang kumakain kami, may bumusina sa labas ng bahay. Sila na yun! Aalis na sana ako nang pinigilan ako ni kuya.
"Hep hep hep! Saan ka pupunta?" tanong niya.
"Hindi ba obvious?" tanong ko sakanya.
"Ubusin mo yung pagkain mo sa plato mo." sermon niya.
"Kuya naman eh!" gusto niya ba akong tumaba? Ayoko ngang tumaba! >___<
"Sabi ni mama ako ang magbabantay sa'yo habang nasa States siya. Kaya ubusin mo na yang pagkain mo." Sermon niya ulit.
Habang nag-aaway kami ni kuya, nakita kong papalapit sa amin sina Sweet at Leen.
"Good evening kuya!" bati nila.
"Likewise." sagot ni kuya.
"Oh ano Snow? Tara na?" tanong ni Leen.
"Hindi siya aalis hangga't hindi niya nauubos yung pagkain niya." Singit ni kuya. Sinamaan ko na lang ng tingin si kuya.
"Huwag kang mag-aalala, hindi ka namin sesermonan ngayon kasi tama si kuya mo." Pagsasang ayon ni Sweet.
"Go Snow! Kaya mo yan!" cheer ni Leen sa akin.
Naghintay sila sa may sala habang ako inuubos yung pagkain ko!
"May araw ka din kuya!" galit kong sabi.
"Ubusin mo yan, lagi naman akong may araw." sagot niya sabay ngiti.
After few minutes, naubos ko rin yung pagkain ko sa plate ko. "Alis na kami kuya!" paalam ni Leen.
"Ok. Mag-iingat kayo ha?" sabi niya.
"Acheche!" singit ko.
Umalis na kami. "Pasensiya na kayo, kilala niyo naman yung kuya ko." sabi ko sakanila.
"Wala yun! Ano na ba ang oras?" tanong ni Leen.
BINABASA MO ANG
You Are My Destiny [ on going ]
RomanceI believe that two people are connected at the heart and it doesn't matter what do you do, or who do you are or where you live; there are no boundaries or barriers if two people are destined to be together. / \ / \ I also believe that everything hap...