"Kyaaaaaaah talaaaaagaaaa!!!"ano ba namang mga classmates na to ang iingay nila ano bang meron?
"Talaga may mga new classmates tayong GUWAPO as in G-U-W-A-P-O"ano bayan kailangan naka spell out tss.
By the way Im Crissy Marione Vergara 17 years old 1st year college dito sa University of Oliv, kung tinatanong niyo kung bakit Oliv hindi ko rin alam..
And yung nagsisigawan ng may mga GUWAPO DAW kaming new classmates ay ang mga HALIPAROT dito sa University..hehe
"Frien maganda na ba ako okay lang yung make up ko?"tanong ng Classmate ko sa isa ko pang classmate. Kung ako ang tinanong ito ang sagot ko 'alam mo okay naman yung make up mo, mag aapply ka ba sa peryahan bilang isang clown kasi kung oo pasok na pasok ka na' diba bongga ng sagot ko pang Q and A sa bar hahaha...
"Okay lang naman frien"sagot ni classmate sa tanong ni classmate. Kung bakit classmate ang tawag ko sa kanila ay dahil sa di ko alam ang mga pangalan nila eh isang buwan palang ako dito sa University na ito eh tapos di ako friendly kasi pakiramdam ko iba ako sa kanila.
Nagsimula na ang aming klase at maya maya ay nagsalita si Prof. Namen
"Okay class you have a new classmates, boys please come in!"sabi ng Prof namin at isa-isa nagsipasukan ang mga boys at ano pa bang magiging reaction ng mga HALIPAROT kong classmates eh di
"KYAAAAH ANNGGG GUGUUWAAAAPOOO NILA "maka sigaw naman sila parang wala ng bukas ah.
Nakapasok na silang lahat at yung isang lalaki ay nakatingin sa direction ko tumingin ako sa likod ko muntik na akong mauntog bwisit na pader na yan, tumingin ulit ako sa lalaki at nakatingin pa rin siya kaya yumuko nalang ako..
Nung magumpisa na silang magpakilala ay tumingin ulit ako sa harapan at buti nalang di na siya nakatingin ano kaya problema nun?
"Hi! Im Jared Ventura"guy 1
"Fabio Garcia's here"guy 2
"Im"tingin sakin
"Alex Zane Baro"so Alex Zane pala name niya ang cute ha..
Nakatingin parin siya sakin kaya yumuko na naman ako.
"Okay boys maraming vacant na upuan mamili nalang kayo"rinig kong sabi ng Prof namin at nagsimula na silang maglakad
"Hey Fabio dito ka sa tabi ko"sabi ng HALIPAROT kong classmate
"Hmm Jared dito ka na umupo oh"bat ba andameng HALIPAROT dito nung nagpaulan ba ng kahaliparutan si God lahat sila nandun.
Hindi sila pinansin ng mga boys at diretso lang silang naglakad hanggang sa may mga paa akong nakita sa harapan ko.
"Hmm Miss can we sit here?"tanong ni Alex Zane sakin
May tatlo kasing vacant sa tabi ko eh
"Oh sure"sagot ko alangan namang tumanggi ako eh di naman akin tong mga upuan eh. Wait may feeling ako na parang magkapareho kami weird...
Ganito ang arrangement ng upuan naming apat
Ako|Alex Zane|Fabio|Jared
Pader na dito
Andami akong naririnig na bulong bulongan pero parang hindi sila bumubulong kasi rinig ko eh sumisigaw naman kasi ata sila tssss.
Umalis muna saglit ang Prof namin at naramdaman kong nakatingin lahat ang mga classmates kong Haliparot pati narin si Alex Zane kaya napatingin ako ng wala sa oras at boooooom nakatingin nga siya..
"Ba-bakit ma-may pro-proble-lema ba?"pautal utal kong tanong
Hindi siya sumagot pero ngumiti siya sakin ow em gee ang puti ng teeth niya naka colgate ba toh or what?
Napatingin ako sa biglang sumigaw
"KYAAAH ANG GANNDDAAA NGG NGIITI NI ALEXX OHHH"sigaw ng isa kong classmate na Haliparot kaya tumingin naman silang lahat kay Alex Zane at nawala naman ang ngiti sa labi niya ha ha ha malas kayo di niyo nakita buti yung sumigaw nakita niya at syempre ako...
Wala parin yung Prof namin...
Biglang nagsalita si Alex Zane
"Hmm pwede ba tayong maging magkaibigan?"tanong niya sakin. Kaya tumingin na naman ang mga classmates kong Haliparot samin.
"Owkey"sagot ko. Everyone I Just want to announce that Alex Zane is my first friend here at the University of Oliv..
Oh diba may friend na ako at tatlo pa, naging friend ko na yung dalawa nung pinakilala na ni Alex Zane sakin at mababait nama sila pero hindi mawala wala sa isip ko na parang may pagkakapareho kami...
Kung ano man yun malalaman ko rin sa Tamang Panahon...
Author's Note:
Sana nagustuhan niyo yung Prologue ko and thank you ng marami sa mga nagbabasa at magbabasa pa lamang....
Don't forget to vote my story po...
And please follow me narin poh...
