ALEX ZANE BARO DAVIN
Nakakabadtrip naman oh di ako pinapansin ni Princess nainis lang kasi ako kahapon kasi ayoko sa tanong ng tanong at magsosorry sana ako kahapon kaso dumating naman yung kapatid ko at si Cherry.
Pumasok na siya pero di parin namin siya pinapakilala kasi magkakaroon daw ng party mamayang gabi para ipakilala na siya sa buong Light Vampire.
Nandito kami ngayon sa canteen nagmemeryenda kasi nga break, ayy tanga ka ba Alex Zane Baro Davin magmemeryenda ba kayo kung di niyo pa break.
"Guyz C.R muna ako ha"pagpapaalam ni Princess at umalis na siya.
After mga 20 seconds siguro
"Guyz may kukunin lang ako sa room"pagpapaalam ko naman pero susundan ko lang si Princess kasi magsosorry na ako.
Ginamit ko yung bilis ko para masundan siya at nakita kong palabas na siya kaya mabilis ko siyang pinasok ulit sa c.r, uuy wag green minded magsosorry lang ako.
"Ano bah?"inis niyang sabi
"Sorry"sabi ko sabay yuko ko ng ulo
"Bat ba kasi nagsungit ka bigla kahapon?"inis na tanong niya
"Sorry ayoko lang kasi sa taong tanong ng tanong"oo naman talaga ayoko sa mga taong tanong ng tanong.
"Sorry naman eh sa maraming tanong sa isipan ko eh"malumanay ng sabi niya
"Sorry ulit"nag sorry na naman ako
"Bat ba sorry ka ng sorry?"tanong niya
"Bati na tayo?"tanong ko
"Hmm oo"nakangiting sagot niya
"Balik na tayo?"aya ko
"Sige"
At bumalik na nga kami sa canteen
"Oh san kayo nanggaling?"tanong agad ni Fabio pagkarating namin dun
"Sa c.r"sagot agad ni Princess
"Ow em gee anong ginawa niyo dun?"mabilis na tanong ng kapatid ko
"Ayos dude ah"mapang asar naman na sabi ni Jared
"Kailan ang kasal"wow advance masyado si Cherry. Tumingin ako kay Princess parang di magets yung sinasabi nila.
"Alam niyo ang beberde ng utak niyo gusto niyo sunugin ko para magiba ng kulay"asar kong sabi
"ano ba yung sinasabi nila?"tanong ni Princess, slow naman nito
"Wala"sagot ko
"Gusto mo magtanong ako ng marami"asar niyang sabi
"Oo na panalo ka na yung sinasabi nila yung galing daw tayo sa c.r"
"Oh anong meron sa c.r"tanong niya. Andameng tanong pero pigilan mo muna pagsusungit mo Alex.
"ano ba kasing ginawa niyo sa c.r, naghalikan, nagharutan, nag *toot* o ano"napaubo naman si Princess sa sinabi ni Fabio
"Mandiri nga kayo"sabi niya
"Nag sorry lang ako"sabi ko
"Di mo pa kasi sinabi agad eh"si Fabio
"Eh kasalanan ko bang berde ang utak niyo"ako
Oras na para sa party halos lahat ay nandito na para makita ang Prinsesa.
Excited na akong makita si Princess kaya pupuntahan ko nalang sa kwarto niya na sa harap lang nga kwarto ko pero pagbukas ko ng pintuan ko sakto namang paglabas niya. Ang ganda niya napako ata mata ko sa kanya kasi ngumiti pa siya.
"Matunaw naman ako niyan"bumalik ako sa realidad ng magsalita siya.
"Hehe tara na"aya ko
Kumapit naman siya sa braso ko.
"Okay everyone alam naman na ninyo siguro kung bakit kayo nandito"sabi ni Tito sa mic
"Oras na para makilala niyo ang matagal ng nawawalang anak ko"tumingin naman siya samin
"Prince Alex Zane maari mo bang dalhin na dito ang Prinsesa"ngumiti lang ako at naglakad na kami papuntang stage.
Kinuha naman ni Princess ang mic.
"Hello everyone Im Crissy Marione Vergara the Missing Vampire Princess"pagpapakilala niya sa sarili niya
Nagpalakpakan naman yung mga Vampire sa baba.
"Question lang po Princess"sabi ng isang babae
"Ano yun?"tanong naman ni Princess
"Ano pong relasyon niyo ni Prince Alex Zane"tanong niya, girlfriend ko siya hehe joke lang
"Ah----"sasagot na sana siya kaso
"Magkasintahan po sila"inagaw ng Kapatid ko yung mic kaya, naghiyawan naman yung mga Bampira sa baba.
Lumapit si Tito at Tita samin
"Hindi ko alam na kayo na pala Princess"si Tito
"Its not what you think Dad"angal ni Princess
"Wag mo ng ikaila Princess okay lang samin"si Tita
"Wag mong sasaktan ang anak namin ah"sabi ni Tito sakin atsaka bumalik na sa upuan nila.
"Okay party party nah"sigaw ng kapatid ko sa mic.
Si Princess naman shock parin.
"Princess okay ka lang ba?"tanong ko
"Ahh okay lang bakit di ka nagsalita kanina?"tanong niya, oo nga noh parang gusto ko pa nga eh
Di ako makasagot
"Crush mo ko noh kaya di ka umangal kanina"pang aasar niya, akala ko magagalit siya eh.
"Di ah"kasi gusto na ata kita
"Weehhhh"pang aasar parin niya
"Guyz tara sa baba maki party tayo"aya ni Cherry samin kaya bumaba na kami
"Marunong kang sumayaw?"tanong ko
"Hindi eh turuan mo ako"sabi niya
Oo ba basta ikaw Princess.
"This song is for Princess Crissy and Prince Alex"sabi ni Fabio, anong trip nitoh?
Nagpagilid naman lahat yung iba at kami nalang ni Princess ang nandito sa gitna.
"Zane pano yan baka mapahiya ako netoh di ako marunong eh"sabi niya
"Dont worry di kita hahayaang mapahiya"sabay kindat ko haha.
Nagsimula na ang kanta.
Now Playing: God Gave Me You
By: Brian White
Natapos ang kanta ng di siya napapahiya kaso ako naman ang kawawa, ilang beses kaya niyang naapakan yung paa ko.
Maglalakad na sana siya papunta sa mga kaibigan namin kaso napatid na naman siya buti nalang nahawakan ko kamay niya ,para talagang hindi bampira toh napaka clumsy tss.
Magkalapit na magkalapit ang mga mukha namin ni Princess at akmang hahalikan ko na siya kaso
"Bawal PDA dito"sabi ni Jared na nasa tabi na namin kinuhanan pa talaga kami ng litrato nung muntikan ko nang halikan si Princess.
Napahiwalay naman agad ako kay Princess.
"Uyyyy namumula si Princess"pang aasar niya.
Naghihiyawan naman yung mga Vampire dito
"BITIN ITULOY NIYO"alam niyo kubg sino yung sumigaw eh di yung magaling kong kapatid.
"KISSS! KISS!"sigawan nila
TO BE CONTINUED.
Salamat sa mga nagbabasa at nagvo-vote.
