ALEX ZANE
Hi there Im Alex Zane Baro Davin 18 years old, ang Prinsipe ng mga Light Vampire actually tatlo kami.
Naatasan kameng maghanap sa nawawalang at sana mahanap namin siya dahil kailangan namin siya kasi siya lang ang makakatalo sa mga Dark Vampires..
Pansamantala muna kaming mag aaral dito sa University of Oliv habang hinahanap namin si Princess...
Nandito na kami sa University na papasukan namin at grabeh ang mga girls dito, makatili wagas ha, ganun na ba kami kagwapo ha?
(A: ang hangin naman dito masyadoh)
Hoy Author wag ka ngang makisabat.
Ipapakilala na kami ng Prof namin sa mga magiging classmates namin at isang babae ang nakakuha ng atensyon ko para kasing basta di ko maipaliwanag ang naramdaman ko sa kanya at di ko rin mabasa ang kanyang nasa isipan parang may shield siya pero paano siya nagkaroon ng shield eh isa siyang tao may possibility kaya na siya ang nawawalang Prinsesa.
Nagpakilala na kami at nakatingin parin ako sakanya at sinabi ng Prof namin na mamili nalang kami ng aming uupuan kasi marami namang bakante at may tatlo namang bakante sa tabi ni di ko alam ang pangalan eh.
Dahil may pakiramdam akong siya ang nawawalang Prinsesa siguro mas mabuting kaibiganin ko muna siya at sana pumayag siya.
Tinanong ko siya kung pwede at pumayag naman siya kaya ipinakilala ko na yung dalawa kong kasama at naging friend narin sila.
~break~
"Hmm sabay sabay na tayong apat?"tanong ko
"Hm sige"sang ayon niya
Lumabas na kameng apat at pumuntang Canteen.
Pagpasok namin lahat ng girls sa canteen ay napatingin kay Crissy at masama ang tingin nila sa kanya, bakit naiinggit ba sila? Tss.
"Don't mind them nalang"bulong ko at dumiretso na sa isang bakanteng table at yung dalawa nalang daw ang bibili ng foods namin.
"Hmm--"di ko alam ang sasabihin ko atsaka di ko pa pala alam ang pangalan niya..sorry naman di ko pa natatanong eh.
"Ano pala pangalan mo? Hehe"tanong ko.
Tumawa siya ng mahina.
"Oo nga pala di ko pa pala nasasabi, ako nga pala si Crissy Marione Vergara"pagpapakilala niya.
May kapangalan siya at kung tinatanong niyo kung sino ay walang iba kundi si Princess.
"Alam mo may kapangalan ka"sabi ko
"Oh talaga, sino?"tanong niya
"Hmmm"hala sasabihin ko ba
"Guyz anong pinag uusapan niyo?"biglang dumating sina Jared at Fabio ' haaay thank you sainyong dalawa'sabi ko sa isip ko.
"Hmm wala meryenda na tayo"sabi ko sabay kuha ng spaghetti na binili nila.
"Mukhan gutom ka na talaga"natatawang sabi ni Crissy sakin, ganun na ba ako kabilis kumain.
Tawa lang kami ng tawa hanggang sa may mahagip ang mata ko na talagang ikinagulat ko, yung necklace na suot niya ay ang necklace ng mga Vergara na suot ng Prinsesa nung nawala siya.
"Oh bat parang nakakita ka ng multo"napansin pala nila na nag iba ang ekspresyon ng mukha ko.
"Hmm wala balik na tayo sa classroom?"sabi ko at naglakad na pabalik ng classroom.
Ang bilis ng oras uwian na agad.
"Crissy hatid na kita?"sabi ko sakanya
"Oh talaga sige para maipakilala kita kay Nanay"masayang sabi niya
Naglakad na kaming dalawa wala pa kasi akong car na nabibili eh atsaka walking distance lang naman daw yung bahay nila eh.
Pero bago kami makalabas ng classroom lumingon ako sa dalawa
"Mauna na kayong umuwi"
Atsaka nagpatuloy ng maglakad.
Habang naglalakad kami naalala ko bigla yung suot niyang kwintas.
"Hmmm Crissy pwede magtanong?"tanong ko
"Sure ano yun?"sagot niya
"Yang suot mo bang kwintas sayo ba yan?"tanong ko agad ng pumayag siya
"Ah itong kwintas oo sakin nga toh sabi ng umampon saakin suot ko daw ito ng napulot niya ako nung baby palang ako, teka nga pala bat mo nga pala natanong?"tanong niya sakin
"Ahh wala hmm sa January 7 bah ang birthday mo?"tanong ko ulit kapag oo ang sagot niya confirm na talaga na siya ang nawawalang Prinsesa.
"Paano mo nalaman may lahi ka bang manghuhula?"pwede na ba akong matawa ha? Manghuhula daw tss. Lumaki lang dito sa mundo ng mga tao naniniwala na sa manghuhula.
"Paano ko nalaman hmm siguro may lahi nga akong manghuhula"natatawang sabi ko, wala namang masama kapag nakisakay ako sa trip niya diba.
"sabi na nga ba eh kaya alam mo ang birthday ko sige nga hulaan mo kung sino ang mga totoo kong mga magulang"kilala ko sila pero hindi pa ngayon ang tamang panahon.
"Alam ko kung sino ang mga totoo mong magulang pero hindi mo pa sila pwedeng makita ngayon"seryosong sabi ko
"umamin ka nga kilala mo ba ako?"seryosong tanong niya
"Oo kilala kita, kaya tara na gagabi na oh"sabi ko at maglalakad na sana kaso may mga naglitawang mga Agua, mga halimaw sila na kumakain ng mga Light Vampires at nakatingin sila kay Crissy mukhang alam na nila kung nasaan siya.
"AAAAAAHHHHHHHHHH"biglang napasigaw si Crissy dahil sa gulat
Wala akong nagawa kundi gamitin ang aking fire.
Natalo ko naman sila at binuhat ko agad si Crissy atsaka tumakbo ng mabilis, mas mabuting sa bahay muna siya kasi mas ligtas siya dun.
"Are you okay?"tanong ko ng nasa bahay na kami
"Anong klaseng nilalang ba kayo at yung mga halimaw kanina nakakatakot sila"sabi niya sakin at wala na akong magagawa kundi ang ipagtapat ang totoo.
Ipinaliwanag ko sa kanya ang lahat at hindi siya makapaniwala na isa pala siyang Vampire at hindi lang basta basta Vampire dahil isa siyang Royalty.
To be continued.
Salamat po sa mga nagbasa ng Prologue ko at sa nag vote thank you po talaga.
Sana po nagustuhan niyo itong chapter na ito.
And don't forget to follow me and to vote my story!!