CRISSY MARIONE VERGARA
Kami ang mag partner ni Zane sa Fencing kasi wala ng ibang pwedeng partner pero di ako makaconcentrate kasi yung KISS kanina.
****************FLASHBACK***************
Nagpabilisan kami agad nung makapagbilang na ako pero syempre di ako papatalo noh at alam niyo kung bakit kasi gusto ko ulit makakuha ng kiss kay Zane kasi gusto ko siya.Pagkarating ko wala na yung iba at nakita ko si Zane na naka ngisi at naka cross arm pa, so ako ang talo.
"Princess wheres my KISS"wow kailangan diinan yung KISS
"Sa pisngi lang ah"sabi ko
"Bakit may sinabi ba akong sa LIPS pero kung gusto mo okay lang"nang aasar ata toh eh
"Wag na nga lang nakakaasar ka"asar kong sabi
"Princess a deal is a deal ikaw pa may ideya nito"sabi niya
"Oo na panalo ka na"sabi ko
1 2 3 *tsup* ay mali iba yung nakiss ko yung yung basta hindi yung pisngi niya ang nakiss ko, nakakahiya bat kasi grrrr."Akala ko ba-----"pinutol ko yung sasabihin niya
"Tumahimik ka nga"sabi ko, napatawa naman siya ng wala sa oras.
"Why are you loughing?"tanong ko kasi di ko alam yung tinatawanan niya eh
"Kasi ayaw mong mabanggit yung KISS na hindi sa pisngi at Princess your BLUSHING"kaya naman pala eh"Alam mo imbis na na tumawa ka jan mag ensayo nalang tayo"sabi ko at tumayo..
************ END OF FLASHBACK**********Grabeh talaga di ko makalimutan eh wala na yung first kiss ko pero okay lang kasi yung taong gusto ko naman yung first kiss ko eh hehe. Quiet lang kayo.
"Princess kalimutan mo muna yung nangyari kanina and concentrate"seryosong sabi ni Zane pero tama sya kaya tumango lang ako as a respond.
Nagsimula na naman kaming magtagisan ng mga espada namin, ang galing niya.
Sa wakas natapos narin at syempre hinatid ako ni Zane, nasa tapat na kami ng mga kwarto namin
"Sige una kana"sabay naming sinabi kaya napatawa ng konti
"Ikaw na lady's first"sabi niya
Isasara ko na sana yung pinto pero
"Sandali lang Princess"pigil niya sakin kaya lumingon naman ako
"Pwede mo nang ulit isipin yung KISS na hindi sa pisngi"at mabilis siyang pumasok sa room niya
"Bwisit ka buksan mo tong pinto"sabi ko at syempre kahit magsisisigaw ako dito di niya bubuksan.
Kaya napagpasyahan kong pumasok nalang sa kwarto ko, isasara ko na sana ulit kaso sumilip ulit si Zane
"Goodnight"buti walang sweet dreams kasi tanga siya kung ganun.
Atsaka niya sinara ulit yung pinto.
Syempre todo ngiti ako, ano kayang pwedeng gawin
"Ayy ayung may laptop sana naman may wifi dito"sabi ko at binuksan na ang Laptop, bago pa toh
"Yess may wifi"
Triny kong buksan yung account ko sa fb pero ayaw, siguro hindi pwede.ganun mag cre-create nalang ako ulit.
At sa wakas naka create rin ako at may nag friend request agad at si Zane yun kaya inaccept ko agad.
Prince Alex Z: anong ginagawa mo
Ako: internet
Prince Alex Z: okay
Tapos nag log out na siya, edi wow.
0___0 grabeh naman yung bilang ng friend request ko 500 agad.
Inisa isa kong inaccept ang mga yun grabeh isang oras siguro akong nag aaccept.
0__0 another 100 ulit tinatamad ako tapos may mga nagmemessage na 'thank you Princess kasi inaccept mo' mga ganyan tapos yung iba
'ate paaccept naman po' di lang makapag intay noh.
Dahil tinatamad ako nag log out muna ako bukas nalang yung iba..
Dahil boring dito sa kwarto ko at di kami natutulog lalabas muna ako para maglakad lakad.
"San kaya magandang pumunta?"tanong ko sa sarili ko
Ayy alam ko na sa favorite place ni Zane.
Agad akong nagtungo sa garden ng palasyo at may nakita akong nakatalikod
"Zane?"tawag ko
Lumingon naman siya at tama nga ako si Zane nga
"Oh Princess bat ka nandito?"tanong niya
"Kasi wala ako doon"sagot ko
"Joke lang wala kasi akong magawa eh kaya ako pumunta dito"dugtong ko
"Bakit naman dito ka sa garden pumunta?"tanong niya ulit
"Kasi favorite mo tong place na toh at favorite ko na din toh"sagot ko
"Okay"yun nalang nasabi niya.
Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan hanggang sa wala na kaming mapag usapan.
Its already 5:00 am.
"Pasok na tayo"aya niya sakin
"Sige"sabi ko at pumasok na kami at nakasalubong naman namin sina Mom and Dad ang Reyna at Hari dito sa Palasyo.
"Good morning mom, dad"bati ko
"Good morning din Princess and sayo din Alex"bati naman ni Dad
"saan kayo nanggaling?"tanong ni Mommy
"Sa garden po Tita"sagot ni Zane
"Ah owkey may isa lang akong tanong, kailan naging kayo ng anak namin?"tanong ni Daddy
"Actually Tito hindi naman po talaga kami pero pwede po magpaalam sa inyo?"tanong ni Zane kay Dad
"At sainyo narin po Tita"dugtong niya
"Ano yun iho?"tanong naman ni Mommy
"Pwede po bang ligawan ang anak niyo?"ANOO DAAAW? Liligawan niya ako...
Nag usap sina Mommy at Daddy gamit ang kanilang mata
"Hmm iho tungkol dun ay"ano ba naman Dad pabitin ka naman eh sabi ko sa isip ko
"Payag kami"sabi ni Dad
"Thank you po Tito and Tita kasi pumayag kayo"masayang pasasalamat ni Zane
"Oh siya maligo na kayo para makapasok kayo"parang itinataboy naman ako ni Mommy pero bago kami maglakad papuntang kwarto namin binigyan ko muna ng isang hug ang mga magulang ko.
Nandito na kami sa tapat ng mga kwarto namin
"Umamin ka nga Zane may gusto ka sakin noh"pang aasar ko
"Pano kung sabihin kong oo"sabi niya kaya pumasok nalang ako sa kwarto ko kasi speechless na ako ehhh.
TO BE CONTINUED.
SANA NAGUSTUHAN NIYO ANG CHAPTER NA ITO...
THANK YOU FOR READING.
PLEASE DONT FORGET TO VOTE MY STORY..