Continuation:
"AAAAAAHHHHAAAHHHHHH"sigaw lang ako ng sigaw grabeh naman kasi ang sakit ng ulo ko parang nabibiyak pero may nararamdan akong malakas na kapangyarihan saking katawan.
Unti-unti ng nawawala ang sakit ng ulo.
May narinig akong ingay sa labas
"May mga Agua" kong sabi ni Alex kaya lumabas siya, nung medyo okay na ako mabilis akong lumabas at nakita kong susugudin na ng isang Agua mula sa likod si Alex kaya mabilis akong lumapit sa Agua at sinugnog, ginaya ko lang yung ginagawa ni Alex kaya nakagawa ako ng fire.
"Dun ka na muna di ka pa sanay makipaglaban"sabi ni Alex sakin kaya pumunta ako sa gilid.
Ang lalakas pala ng mga Agua kaya nahihirapan yung tatlo hanggang sa mapagod sila kaya lumapit ako at sinunog yung mga ilang Agua
"I think kayo muna ang pumunta sa gilid"sabi ko sabay smirk haha, wala naman silang nagawa kundi pumunta sa gilid.
Dumami yung mga Agua at nasa gitna na ako, sabay sabay silang sumugod
"PRINCEEESS"narinig kong sigaw ng tatlo
"AAAAAHHHH"sumigaw ako at naramdaman kong may lumabas na kapangyarihan sakin at *boooom* may sumabog.
Pagmulat ko ng mata ko wala na ang mga Agua.
Maglalakad na sana ako kaso
*Booogshhh* nahilo lang naman ako para kasing naubos lahat ng lakas ko.
ALEX ZANE BARO DAVIN
Grabeh ang lakas niya naubos lahat ang mga Agua sa isang sigaw lang pero nawalan naman ng malay kaya mas mabuting dalhin ko na siya sa Vampire World.
Nandito na kami sa Vampire World at dinala ko siya sa palasyo pinagtitinginan naman ako dahil may buhat akong babae.
Dinala ko siya sa kwarto ko at inihiga sa kama ko. Kung nagtataka kayo kung bakit may kama sa kwarto ko ginagamit ko lang naman kapag nagpapahinga ako.
Lumabas muna ako at yung dalawa pala dumiretso sa mga kwarto nila.
Pumunta ako sa silid ng Reyna at Hari para ipaalam na nandito na ang kanilang anak.
*Tok*tok*tok*
"Pasok"narinig kong sabi nila
"Oh ikaw pala Alex, bakit?"tanong nila
"Mahal na Hari, Mahal na Reyna gusto ko lang po ipaalam na nahanap ko na po si Princess"sabi ko at mabilis naman silang lumapit sakin
"Asan siya"masayang tanong ng Hari
"Nasa kwarto ko po mahal na Hari"at mabilis silang nawala
Haay sana maging masaya si Princess kapag nakita na niya ang tunay niyang mga magulang.
Pumunta muna ako kina Mommy at Daddy, nung nakita nila ako ay mabilis silang lumapit sakin at niyakap
"Salamat naman at nakabalik ka na, teka nahanap niyo na ang Prinsesa?"tanong sakin ni Dad
"Yes Dad at nasaksihan ko na ang lakas ng kapangyarihan niya"
"Oh talaga"
Sina Mom,Dad,Reyna,Hari ay magkakaibigan at may mga kaibigan pa sila yung mga parents nina Jared, Fabio at Daria kapatid ni Fabio. May kapatid pala ako si Kelly.
"Asan siya?"tanong ni Mommy
"Nasa kwarto ko po"sagot ko
"Sige puntahan muna namin siya ah"pagpapaalam nila at tumango lang ako.
Haaay makapag gala nga muna.
To be continued.
Sorry po kung maikli...
