Part 3: With The Help of Friends

639 20 8
                                    

"Aga.."

Biglang tayo kaagad ni Aga, "Ano yun Lea? May kailangan ka ba?"

Lea chuckled, "Bakit ka nakatayong bigla? I was just going to ask kung ano na ang pinag-aabalahan mo ngayon"

Aga sat down, "Ahh, wala naman masyado. I was taking a break for myself and hoped that you'd accept this movie and I'm glad you did" he smiled sheepishly.

"Why did you want me to?" Lea asked.

"Kasi marami akong dahilan" Aga replied.

"Anong mga dahilan?"

Aga moved himself closer to Lea, "Ikaw ang marami kong dahilan"

Lea gave him a confused look, "I'm not understanding Aga"

"Lea, mahal na mah--" Pinigilan ni Lea si Aga at tinakpan ang kanyang bibig, "Don't say it cause I know you don't mean it" Lea said.

"Paano mo malalaman kung ano ang nararamdaman ko?" Aga questioned.

"Cause you decided to end our relationship" Sabi ni Lea na nagpatikom ng kung ano mang masasabi ni Aga.

//

Toni was in her tent, alone. She wanted to be alone.

"Hey.." She didn't turn to who could possibly bothering her at the moment. The voice sounded familiar, she's hoping it's not him.

"Bakit" She asked in a stern voice.

"I just wanted to know if you're okay" Sam said.

"Hindi ako okay, masaya ka na?" She said coldly, still not facing him.

Sam knelt down in front of her, "I'm sorry, Tin. I'm sorry" he said sincerely.

"Late ka na. Ilang taon ng late ang sorry mo, Sam" Toni tried to keep a stern face, tried to hold her emotions in.

Sam hugged her and she let all the tears and anger go, "I'm so sorry. I'm so sorry, Tin. I'm very sorry that I hurt you" Sam kept apologizing.

Toni let go from his embrace, he wiped her tears, "I'm so sorry" He apologized again.

//

"Bakit ganyan ang pagmumukha niyong dalawa?" Tanong ni Vice sa dalawa niyang kaibigan.

Biglang nagtinginan ang dalawa, "Nag-sorry siya" Toni said.

"Mahal pa rin niya ako" Sabay na sabi ni Lea kay Toni.

"Ano?!" All three of them said in unison.

"Eh ikaw muna, mahal ka pa rin pero di ba siya nakipag hiwalay?!" Galit na tanong ni Toni kay Lea.

"Oo nga! Balimbing ba yang si Aga? Ano akala niya magiging kayo ulit?!" Vice added.

"Chill lang guys. Hindi ko siya papatulan, bahala siya sa kung ano man ang nararamdaman niya. Pero ako alam ko nararamdaman ko" Lea explained.

"Eh ano ba nararamdaman mo?" Vice asked.

"Wala" Lea said.

"Sigurado ka? Eh parang hindi ka yata sigurado sa sagot mo eh" Vice noticed.

"Wala" She said firmly, wala ba talaga? Tanong ni Lea sa sarili. Bakit parang iba? Bakit parang hindi dapat wala ang sagot ko?

"Eh ikaw naman Celestine? Anong sabi mo sa sorry niya?" Tanong ni Vice.

Bigla tumayo si Toni, "Hoy! San ka pupunta?" Tanong agad ni Vice.

"Di pa pwedeng kumuha muna ng tubig? Pwede ba yun?" Tanong ni Toni kay Vice at biglang napatawa si Lea sa dalawang kaibigan niya.

"Eh ano nga nangyari? Alone kayo sa tent di ba?" Lea asked.

"Oo alone kami--"

"Alone?! Anong pinag-gagawa ninyong dalawa?!" Biglang tanong ni Vice.

"Malisyosa kang bakla ka! Walang nangyari, wala akong sinagot. Nagkatitigan lang kami tapos umupo siya ulit, sumakit yata tuhod kakaluhod niya" Kwento ni Toni.

"Nagpropose?! Agad agad?!" Lea teased.

Toni rolled her eyes at her, "Nag sorry nga yung tao!"

"Pinatawad mo ba?" Vice asked.

"Hindi ko nga sinagot. Hindi nga ako umimik sa kanya eh" Sabi ni Toni sa mga kaibigan.

"Forgive and forget?" Lea asks.

"I don't know" Toni said.

"Ibig sabihin may feelings pa rin?" Vice asked.

"I don't know" Sabi ulit ni Toni.

//

"Hey, are you okay?" Lea asked her friend who she treated like her little sister, Toni nodded.

"Sigurado ka?" Lea asked, Toni shook her head no.

"Mahal mo pa ba siya?" Tanong uli ni Lea. Toni nodded, "Bakit mahal ko pa rin siya?" She asked.

"Kasi siya ang ginugusto ng puso mo, Tin. Masakit makipag laban sa nararamdaman mo at sa ayaw mong pwedeng mangyari ulit" Lea explained.

"E ikaw Ate? Mahal mo pa rin ba siya?" Toni asked.

"I never stopped" Pangiting sabi ni Lea, "But gaya ng sayo, magkaiba ang iniisip ng puso ko at isipan ko. Nasaktan na ako dati, ayaw ko ng masaktan ulit"

"Anong gagawin ko?"

"Maghintay ka lang, hintayin mo kung makakaya pa rin ng puso at isipan mo ang maging desisyon mo" Lea advised.

"Ikaw, anong gagawin mo?" Tanong ni Toni.

"Parehas ng sinabi ko sa'yo" Lea smiled and hugged Toni.

LeAgaWhere stories live. Discover now