Simula

52.7K 647 11
                                    

ELLY

Isang napakaganda na namang umaga ang bumungad sa akin ngayon. Masasabi kong maganda ang umagang ito, pero hindi para sa katulad ko. Mabilis ang ginawa kong pagbangon sa kamang tinutulugan ko at mabilisan lamang itong inayos para makababa na ako sa kusina namin. Thirty minutes na lang kasi bago magising ang asawa ko at kailangan na nito ng masarap na almusal para hindi siya pumasok sa opisina ng gutom.


Ako nga pala si Elly Laine Carter, 23 years old. Maaga akong naikasal sa lalaking pinakamamahal ko na walang iba kun'di ang best friend kong si Liam. Pero mukhang hindi ganito ang inaasahan kong magiging buhay naming dalawa noon kapag dumating nan ga ang araw na mag-isang dibdib kami. Hindi kagaya sa ibang buhay mag-asawa ay hindi naging maganda ang takbo ng relasyon naming dalawa hanggang ngayon, sobrang daming nangyari sa nagdaang taon mula nang maikasal kami.


Sa sobrang daming masasamang pangyayari sa nakaraan ko ay ayoko nang balikan pa ang mga iyon. Maliban kasi sa traumang epekto ng mga iyon sa akin ay dahil din doon, malabo ko na rin makitang manumbalik ang Liam na kilala ko dati. "He became completely heartless" ika nga nila.


Hindi naman niya ako sinasaktan ng pisikal, ngunit tila'y mas masakit pa sa sugat at mga pasa ang sakit na nadarama ko sa bawat araw na kasama ko siya. Mas masakit pala talaga sa pakiramdam na tila ba hangin ka na lang sa lalaking pinaka-nagmamahal sa'yo noon. Ngayon kasi ay ako na lamang ang nanatiling nagmamahal sa aming dalawa... hindi ko alam kung ano pa ang dapat kong gawin para bumalik kami sa dati.


Ang saya lamang balikan ang mga panahon na best friend pa ang turingan namin sa isa't isa. Matanda siya sa akin ng apat na taon kaya siya ang nagpo-protekta sa akin laban sa lahat ng mga tao sa paligid ko, maging sa mga magulang ko.


Ampon lang kasi ako, subalit siyempre ay walang may alam ng bagay na iyon bukod sa pamilya ko. Iyon siguro ang dahilan kaya una pa lang ay masama na ang trato nila sa akin na tila ba hindi ako kailan man naging parte ng pamilya nila. At ang mas masakit pa ro'n, nagawa pa nila akong ipangbayad utang sa pamilya ni Liam, ang mga Carter. Umutang sila ng malaking halaga para sa luho nilang tatlo, pero nang bayaran na ay wala silang naipon noon kaya naipagkasundo ako nila Mama sa mga magulang ni Liam.


Mabait sila Ma'am Kendall at Sir Harold sa akin dahil ako ang best friend ng anak nila, ngunit lingid sa kaalaman nila na noong maipagkasundo nila ako kay Liam para sa isang kasal ay sira na ang relasyon naming dalawa bilang magkaibigan noon. Masyadong malalim ang dahilan ng pagkasira namin sa isa't isa, sa sobrang sakit na naidulot sa akin ng araw na iyon ay hindi ko na kayang balikan pa ang alin doon.


"L-liam?" utal kong banggit sa pangalan niya nang makita ko siyang nakaupo na sa upuan sa hapag kainan. Walang pagkain sa lamesa, subalit may tasa na ro'n ng kape at maging ang laptop na kaniyang ginagamit sa trabaho ay naro'n na sa kaniyang harapan. Hindi siya tumugon sa pagtawag ko kaya tipid na lamang akong ngumiti kahit sarili ko lamang ang may alam nun.


Sanay na dapat ako sa ganitong cold treatment niya sa akin. Pero ewan ko ba sa aking sarili at patuloy pa rin ako umaasa at iniimahe ang mga bagay na sobrang labo na ngayon. Sabi nga ng iba ay sanayan na lang talaga sa sakit, ngunit sa akin kasi ay hindi ko pa rin talaga maiwasang masaktan sa ganitong set-up naming dalawa.


Kilala ko kasi si Liam, e. Matagal ko siyang naging best friend, kaya kahit sobrang dami nang rason para tanggapin na wala na itong pag-asa ay narito pa rin ako. Kahit umuuwi siya ng late sa gabi at kakain lang sa umaga't aalis na ulit, ay ayos lang. Kahit kung minsan ay hindi siya umuuwi ng ilang araw at pagbalik ay may kasama na siyang ibang babaeng kalandian niya, ay narito pa rin ako.

The Broken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon