ELLY
"T-tama na!!" matinding kaba ang nararamdaman ng aking dibdib nang maisigaw ko iyon sa grupo ng mga kabataang nangti-trip sa akin sa mga sandaling ito.
"T-tulong! Tulungan niyo ako. K-kailangan ko ng tulong!" umiiyak kong pagmamakaawa habang patuloy na tumatakbo sa kung saan man ako dalhin ng mga paa ko, makalayo lamang sa mga ito. Ang importante sa akin ay makatakas ako. Nararamdaman ko na ang matinding pagkahingal na hinaluan pa ng kapaguran gawa ng aking pagtakbo, ngunit hindi ako humihinto.
Alam kong walang makaririnig sa akin dahil malalim na ang gabi at nasa madilim na kalye ako ngayon, imposibleng may tumulong sa akin laban sa mga kabataang ito. Hindi ko alam kung anong gusto nila sa akin para pag-tripan ako ng ganito. Paglabas ko na lang ng compound namin ay tinatakot na nila ako at kung ano-anong pinagsasabi sa akin ng wala namang matinong dahilan. Nakarating pa ako sa lugar na malayo-layo na sa amin dahil hindi nila ako tinatantanan.
Iyak na lang ang tangi kong nagawa nang awtomatikong huminto ang nanlalambot ko nang tuhod. Napaluhod na lamang ako sa lupa at tinakpan na lang ng dalawang kamay ang buong mukha. Kaba at matinding takot ang nararamdaman ko, hinihintay ko na lamang na saktan nila ako sa mga oras na ito. Tinanggap ko nang talo ako ngayon. Subalit, ilang minuto na akong umiiyak habang naririnig ang mga suntok nila. Gayunpaman ay walang anu mang suntok ang tumatama sa akin, dahil sa pagtataka ko ay agad kong tinanggal ang kamay sa aking mukha para alamin kung anong nangyayari ngayon sa mga kabataang humahabol sa akin.
Gano'n na lamang ang pagtataka ko nang makita kong nakatumba na sa lapag ang ibang kabataan na humahabol sa akin kanina at ang ilan naman ay tumatakbo na paalis. Dala ng gulat sa nasaksihan ay nawala ang nararamdaman kong takot kanina. Pero paano nangyari ang lahat ng ito?
"Elly ko, ayos ka lang ba?" mabilis akong napalingon sa aking gilid nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. S-si Liam... Nandito siya!
Dahil sa pag-usbong ng nararamdaman ko para sa kaniya ay muli kong naramdaman ang maiinit kong mga luha. Wala na akong sinayang na oras at agad nang tumakbo papunta sa kaniya para salubungin siya ng mahigpit na yakap. Hindi ko alam kung paano ko siya pasasalamatan para sa pagligtas niya sa akin sa mga oras na kailangan ko ng tulong. Hindi ko alam na may taong darating para tulungan ako at ipaglaban ako sa kanilang lahat.
Hindi lang siya basta kung sinong tao para sa akin. Siya si Liam... ang best friend ko— ang lalakeng minamahal ko.
"Elly ko, huwag mo nang uulitin ang bagay na 'yon!" rinig kong bulong niya sa akin sa pagitan ng aming mga yakap.
"Huh?" naguguluhan man sa kaniyang sinabi ay 'yon lang ang lumabas sa bibig ko.
"Huwag mo na akong tatakutin ng gano'n, Elly. Ayaw ko nang makita kang masaktan ulit ng kahit sinong tao. Kaya sana kahit wala ako, please, promise me na mag-iingat ka. Ayoko na ulit makita kang umiiyak ng ganito, naiintindihan mo ba?" seryosong banggit niya habang pinupunasan ang mga luhang naglalandas sa aking pisngi.
"Lagi mo 'tong tatandaan Elly ko, I will always be your knight and shining armor. As long as I'm here with you, hinding-hindi ko hahayaang makita kang umiiyak. I will always protect you as much as I can, remember that." Dagdag niya pa at sa pangalawang pagkakataon ay niyakap niya akong muli.

BINABASA MO ANG
The Broken Wife
Fiksi UmumSince childhood Elly's life has been miserable. She had no real parents and was only adopted by a family to be their lifelong maid, but because of his best friend Liam, the only son of a wealthy couple, somehow her life became more meaningful. Howev...