CHAPTER 28

1K 14 3
                                    

 Tears

(EM’S POV)

Ang hirap mag-concentrate. Tinitigan na niya ang laptop, kumain ng candy, nagpatugtog, tumingala, tiningnan ang kanyang takong pero wala pa rin.

(→_→)

Ikaw ba naman ang titigan ni pirey-booby ewan kung maka-concentrate ka. Kanina pa kasi nanonood sa kanya, parang scientist na nanonood sa isang microorganism.

“May kailangan ka ba?” pag sinabi mong wala patay ka sakin, wagas makatitig.

“Ahmm, meron.” Saglit itong naghalungkat sa bag bago naglabas ng dalawang lipstick.

“Alin ang mas bagay, red o pink?” ngumiti pa ito sa kanya.

“Red o pink?” Yun lang ang kailangan mo? Ay grabe. “Red.” Parang personality mo. Ibinalik na niya ang atensyon sa ginagawa pero ang bruha hindi pa rin inaalis ang atensyon sa kanya. Hello? It’s impolite to stare?

“Siguro yan ang dahilan kung bakit iniwan ka niya.” Nag-freeze ang daliri niya, parang suspended falling body. Ano raw? Kunot-noong nilingon niya ito.

“Excuse me?” Isinuklay niya ang kamay sa natural na curls ng buhok bago humarap. Umismid muna ito bago nangalumbaba sa harap niya. Tama yan, mainggit ka sa buhok ko, Dove yan araw-araw, smooth and silky, hindi rebonded o kinulot.

“Maybe it’s the reason why he left you, I mean Denzo. Masyadong ka kasing boring, napaka-plain mo at weird. You don’t even know how to put some lipstick.” Bumaling ito sa salamin sa table nito at nag-apply sa labi nito.

“Nahiya naman ako sa galing mong  magdala ng sarili.” Kapag ganito ang katabi mapapa-away ka talaga. Dalhin niya kaya ang babaeng to sa walk-in closet niya? Kung papulahan lang din naman ng lipstick, aba hindi siya matatalo.

Ngumiti ito ng nakakaloko.

“Hindi ko alam kung panong nakuha mo si Denzo, siguro sineduce mo o ginayuma, I don’t care. Good thing natauhan na siya sayo. Hindi ka naman maganda, hindi ka sexy, and you’re boring. One word to describe you, plain jane.”

Ngumiti rin siya ng pagkatamis-tamis. She crossed her legs and play with the strands of her hair. “Sorry girl pero hindi ako iniwan ni Denzo.”

Kasi hindi naman naging kami at hindi one word ang ‘plain Jane’, duh?

“At ano? Ikaw ang nakipag-break? Common, wake up.”

“Gising ako, hindi ba halata? Baka naman ikaw ang nananaginip?” Pasalamat ang babaing to concern siya sa silicon boobs nito kung hindi nakasipa na siya kanina pa.

“Really? Then maybe I’m the one dreaming in paradise….coz I’m having a date with him.” Inaro nito ang lipstick sa sarili then smiled triumphantly.

And as if kailangan ng ebidensiya, lumabas si Denzo sa opisina nito. “Ready?”

And I thought she’s just kidding….tiningnan niya si Denzo pero ni hindi ito sumulyap sa kanya. Nakatuon lang ang atensyon nito kay Antonnette. Parang may sumundot sa dibdib niya. Ang yabang yabang pa naman niya kanina, tapos biglang ganito.

“Ready.” Tumingin muna sa kanya si Antonnette bago ikinawit ang kamay sa braso ni Denzo, and they left. Naiwan siyang mag-isa sa opisina.

Para na naman tuloy siyang tanga doon na nakikipag-date sa laptop. Ito at ang mga papel na naman ang kausap niya maghapon.

“Eh ano naman kung lumabas kayo, paki ko naman. Kaya ko ring lumabas, kahit araw- araw pa. Mayaman ata ako.” Ibinalik niya ang tingin sa laptop at nag-tayp. Kung papipiliin naman siya kung dinner o ang laptop niya, syempre ang laptop niya ang pipiliin niya. Mahal niya kaya ang laptop niya.

Who the Hell is "She"?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon