First Time

981 15 0
                                    

Salamat po sa nagbigay ng advice(: plano ko pong dahan-dahanin ang pagpapakita ng emotion na sinabi niyo. This is the start. I hope I didn’t disappoint you. Salamat po uli.

CHAPTER 27

(EM’S POV)

Tumingin siya sa wall clock. 10 P.M.

Kahit antok na antok na siya hinarap niya uli ang ginagawa. Mula alas dos ng hapon hanggang ngayon, nakaharap lang siya sa monitor ng laptop niya. Naging hapunan ang binili niyang sandwich sa cafeteria. Hindi pa kasi siya tapos sa gabundok na trabahong binigay sa kanya ng kanyang boss.

Yun namang si pirey-booby, kanina pa pinauwi ng aswang na si Denzo. Bwisit.

And speaking of monster boss….

Nilingon niya ang nakasaradong pintuan papuntang office nito. Kanina pa itong nagkukulong doon. At marunong na itong mag-lock ng pinto.

As if naman gagapangin ko siya sa loob, duh?

Hindi niya napigilang maghikab. Puyat na nga siya kagabi, super overtime pa ang kinauwian niya.

Kaya mo yan, kalma lang Em. Ipinagpatuloy niya uli ang pagtipa sa laptop. Mga limang minuto na rin siguro siyang nagtatayp nang makaramdam siya ng awkwardness. Para kasing may kakaiba, parang may nakatingin.

Multo?

The nerve Em! Ang laki mo na kung anu-ano pa rin ang iniisip mo.

Ipinilig niya ang ulo bago nag-tayp uli, pero may iba talaga, basta may iba. Hindi na siya nakatiis, curiosity won. She looked up….

…and met his gaze.

Nag-freeze ang daliri niya sa laptop.

LUBDUB. LUBDUB.

Stop it heart, hindi ka dapat ganyan.

LUBDUB. LUBDUB.

Ang kulit ha! Isa.

LUBDUB. LUBDUB.

Dalawa!

LUBDUB. LUBDUB. LUBDUB .

Huwag kang assuming, para nakatingin lang…

LUBDUB. LUBDUB. LUBDUB. LUBDUB.

Medyo matagal na tingin….well safe nga sigurong mag-assume—

“I have a task for you Ms. Ynares. And I need it accomplished by tomorrow morning.”

Ayan, ang kulit kasi. Sabing nakatingin lang.

Lihim siyang sumimangot. Ang sarap sabunutan ng lalaking to. Magpapakita lang tuwing may kailangan sa kanya. Feeling niya siya si Google, hinahanap kapag may needed research.

“Hanapin mo ang isang big bike Honda motor, red, plate no.******, I need information as soon as possible.”

“Excuse me?” pinanlakihan niya ito ng mga mata. Siya, maghahanap ng isang nawawalang motor? Lost and found lang?

“You have any problem with that?” Walang emosyon sa mukha nito.

Do I have a problem? Nang-aasar ka?! Tumaas ata ang presyon niya hanggang anit.

“With all due respect sir, that is not part of my job.” Hindi niya itinago ang pagkairita sa boses niya. Wala na siyang pakialam. Umaga pa lang bunubwisit na siya ng aswang na to, mula sa pagiging masungit, pagdadala ng mangkukulam sa opisina, pagpapabili ng lunch, pagtambak ng trabaho na ‘assisstant’ dapat ang gumagawa, at ngayon naman magpapahanap ng nawawalang motor? Sarap manakal!

Who the Hell is "She"?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon