How to Hit Your Target 101

1.1K 10 1
                                    

CHAPTER 40

(GUY’S POV)

“Is it just me or something’s really different?”

Denzo looked at Hans. “Not just you.”

Daniel took a swig of his coke. “Those foxes have something up their sleeves, what do you think?” Ibinaling nito ang mata kay Ace.

Ngumiti lang ito.

“And they’re glaring at you dude.” Tinapik ni Hans si Ace.

“I’ll bet my life they’re up to something.” Denzo looked at the four women from where they are sitting. Nasa harap sila ng bonfire at hinihintay ang iniihaw ng mga babae.

“I’ll bet there is.” Daniel’s eyes followed Denzo’s gaze and landed on the woman wearing a white summer dress with one bloody red rose that contrast the dress’ color.

Ace looked at Daniel. Napailing siya at lihim na napangiti. Binalingan niya ang bonfire at dinagdagan ng kahoy iyon. Napatitig siya sa apoy sa harap niya, its tongue of flames dancing and giving everyone a different glow. His smile turned to one with sadness, oblivious to everyone. He watched his bestfriend.

I really hope you wo’nt get hurt this time….

 

Lumingon ito sa kanya na para bang alam nito na may nakatingin dito. Nginitian niya ito, careful of not letting others see how they know each other other than being just new acquaintances. Siya rin ang unang nagbawi ng tingin.

….the way you were hurting all your life.

 

(NHEYAH”S POV)

Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang nag-blush habang nakaupo sa harap ng bonfire. Halos hindi niya malunok nginunguyang hotdog.

His eyes are on her again.

She gritted her teeth and looked up at Ace. Hindi ito nag-iwas ng tingin kahit na nahuli niya ito, bagkus ay tipid pang ngumiti ang loko. She felt herself blush again, his mischievous smile bringing back memories from that cursed parking lot.

Oh please! Stop looking already, I got the point.

 

“Gusto mo?” Iniaro sa kanya ni Pinky ang hawak na inihaw na marshmallow. Matunaw-tunaw na iyon. Unlike her, parang walang pinoproblema ang tatlong bruha sa tabi niya. Kain lang ng kain ang mga ito, ni hindi pinagtutuunan ng pansin ang apat na lalaki sa kabilang side ng bonfire.

“Thanks.” Kinuha niya ang marshmallow at inisang subuan iyon. Kung kaya ng mga itong i-handle ang sitwasyon, kaya rin niya! She just needs to focus on the food.

“May marshmallow pa ba? Pahingi naman.” Pasimple niyang sinulyapan si Hans na kanina pa hingi ng hingi ng kung anu-ano. Ang dami-dami na nitong hawak na stick ng iba’t ibang inihaw pero heto’t nahingi na naman. Wala na itong ginawa kundi guluhin si Pinky sa pagkain.

Who the Hell is "She"?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon