Daniel's POV: Magkita Na Agad
Tangina talaga.
Bwisit.
Nakakaiyak.
Sa lahat pa ng madedelay na flight sa mundo, yung flight pa talaga namin. At sa lahat ng hahatiin na flight sa mundo, yung amin pa rin.
Jusko, paano na?! Kanina pa si Kathryn nasa Japan! Pumayag na nga akong magkahiwalay kami ng flight kasi sasamahan naman siya ng pamilya niya pero grabe ah? Kanina okay pa ako eh. Napasmile pa nga ako nung tumawag siya na safe sila nakarating.
Sabi ko sa sarili ko, Daniel, okay lang yan. Onting oras na lang, makikita mo na siya. Onting tiis. Laban lang. Kaso etong mga kasama ko dito, etong sila Marco ayaw talaga manahimik nabibwisit na nga ako ang iingay pa nila. Akala ba nila natutuwa ako?! Hindi!
"Pare, ngiti ka naman magpipicture daw oh, sabi ni Kats!" Sabi sakin netong si Patrick. Manahimik nga siya dyan. Nandiyan lang yung ex niyang bestfriend ng reyna ko kaya di ako linulubayan!
"Ayoko. Manahimik ka, Sugui."
"Oh, chill lang. Malamig sa Japan wag mo painitin ang ulo mo brother!"
Hindi na lang ako nagreact kasi sobrang badtrip talaga. Sila Mama, Tita Ann, Margaret, Carmella at iba pa, mauuna na rin. Mamaya na na ata ang flight nila. Pinauna ko na kasi excited na mga kapatid ko eh. Di ko naman matanggihan. Samantalang kami, hapon pa. Hapon! Di pwera sa lupain ng mga hapon kami pupunta eh hapon pa ang flight namin!
Wala na nga ako sa mood, etong si Katsumi picture pa ng picture. Bwisit talaga. So ako naman, eto, napilitan na lang tumingin. At pinost pa talaga niya sa Instagram ah! Iba talaga ang mga ito.
Wala na ako halos magawa dito sa lounge kaya natulog na lang ako. Flight na nila mama kanina kaya kami na lang nila Marco yung nandito.
Nag-Viber ako kay Kathryn. Noong una nagrereply pa siya. Nagsend pa nga sakin ng picture. Syempre, sinave ko agad. Alam niyo na yun. Pero mukang busy na kasi di pa nagrereply. Okay lang rin naman sa akin. Deserve yyun ng reyna ko. Alam kong sobrang nasstress na rin siya kaya hahayaan ko na muna mag-enjoy. Sana nga lang kasama ako diba? Kaso nga lang palpak yung flight ko diba?
Oh, umiinit nanaman ang ulo ko kaya matutulog na muna ako talaga.
Nagising na lang ako sa tawanan nila Patrick.
"Tangina talaga neto ni Pat pasmile smile pa kay Arisse kanina eh!" Sabi netong si Marco. Lord, napakaingay po nila.
"Hoy! Ang iingay niyo naman. Di pa ba natin flight?!"
"Lapit na, bro. 5 minutes!" Sabi ni Katsumi.
Okay, buti naman. Onting tiis na lang. So, eto nanaman ako, tinignan ang cellphone.
Viber
Bal sent you a message.
Viber
Mama Min sent you a message.
Binuksan ko at ang bumungad sakin yung muka ng reyna ko. Nakacaption pa "Hi Bal! Come to Japan faster!" habang hawak niya yung cotton candy.
Si Mama Min naman sinendan ako ng picture ni Kath habang kumakain ng ramen. Shet! Mukang masarap. Gutom na ako. Anong klase ba naman kasi tong flight na to eh. Pakatagal!
"J, tara na." Kinalabit ako ni Pat.
Buti naman! Sa wakas! Makakakain na rin ako at syempre makikita ko na yung reyna ko. Japan! Bakit mo ako pinapahirapan ng ganito! Sana maging memorable ka kasi alam ko ngayon pa lang nag-eenjoy na ang reyna ko. Napangiti na lang ako habang naiisip ko siya.
Hay, Kathryn. Mahal talaga kita. Dapat lang magkita na agad tayo pagka-nasa Japan na ako, ah!
BINABASA MO ANG
When In Japan
FanfictionFor the KathNiel hearts who need a dose of KathNiel kilig during times of drought during the couple's vacation in Japan. December 27, 2015 onwards. #WhenInJapan #JapanSerye