Japan Day 3.0

5.7K 201 9
                                    

I'm baaaack. *wink wink*
Comments please? Idk if I'm doing okay. HAHAHA

Daniel's POV: Onting Laban

Nagising ako sa ingay nila Diego at Marco na nagbabatuhan ng unan. Parang mga bata! Hindi ko na lang muna pinansin kasi puyat ako. Kailangan kong makakuha ng enough energy ngayon dahil magkikita kami ng reyna mamaya. Nag-promise kasi ako kagabi na lalabas kaming dalawa na kami lang today kasi nga, alam niyo na. Alone time. Ganon.

Pero dahil maaga pa, pumikit na lang ulit ako. Medyo humihimbing na ulit ang pagtulog ko kaya tinuloy tuloy ko na lang. Mukang tulog pa rin etong katabi kong si Patrick kasi di pa gumagalaw kaya siguro okay pang matulog pa ng mas mahaba.

---

"J! Gising na oy!" May yumugyog sakin. Pambihira. Kitang natutulog pa yung tao eh?! Di ako gumalaw. Di nila ko mapapabangon kahit anong gawin nila. Inaantok pa ako!

"DJ! Mamasyal na tayo. Tumawag na si Tita Karla nakaalis na daw sila!" Hindi pa rin ako umimik. Wala talaga silang magagawa. Inaantok pa ako. Kahit anong sabihin-

"Kasama na nila Magui sila Kathryn. Sayang naman! Nakapatagal mo kasi bumangon hindi na-"

"Eto na nga oh! Gising na nga ako oh! Asan sila Kathryn ngayon?!" Tangina. Naunahan pa ako nila Mama makita ang reyna. Paano?!

"Nasa may Dotonbori ata ulit. Namamasyal sila Tita eh. Tignan mo." Pinakita sakin ni Marco yung picture nila Kathryn kasama sila Magui. Pambihira! Anong oras na ba at magkakasama na sila?!

Kinapa ko yung cellphone ko sa may lamesa para tignan yung oras. 1:25 PM na daw. Teka. 1:25 PM?! Gago. Seryoso ba 'to?!

"Ala-una na, ngayon niyo lang ako naisipang gisingin?!" Tinignan ko sila isa-isa. Wala na sila Mycko. Si Patrick, Marco at Katsumi na lang yung nandito.

"Kumain na sila Mycko ng lunch sa labas. Gutom na kasi nakapatagal mo gisingin brother!" Tumawa si Katsumi. Sapakin ko kaya siya para di siya matawa?

"Tumawag pala kanina si Kath. Di ka kasi daw sumasagot sa tawag kaya alam niyang tulog ka pa. Siya nagpagising sayo actually."

"Sure ka, Pat, si Kath tumawag hindi si Arisse?"

"Edi sige, si Arisse nga tumawag sakin kasi nga di ka sumasagot tapos si Kath lang naman kinausap ko ikaw naman jinajudge mo na-"

"Oh! Dahan dahan lang, bro. Wala akong sinasabi. Nagtanong lang." Napatawa na ako sa mabilis na pagsasalita neto ni Patrick. Sunod sunod. Masyadong guilty. Haha! Pero mas napangiti ako kasi tumawag na pala ang reyna.

Kaya ano pa ba ang gagawin ko? Kinuha ko ang cellphone ko. Kung kanina una kong napansin yung oras kasi nagulat ako at hapon na, ngayon naman napansin ko na yung wallpaper ko na sobrang ganda.

Babaeng nakangiti sa camera kinuhaan ko 'to kagabi habang kumakain kami ng yakiniku. Di niya alam, syempre. Stolen 'to. Magagalit yun kapag nakita niya. Sasabihin inaasar ko siya pero di niya alam naiisip ko lang naman na ang swerte ko talaga. Pero mukang di na swerte kung galit na 'to dahil late nanaman ako nagising. Shet, mga tol. Pray for me! May mga missed calls nga!

Bal

Missed Call (3)

Patay na talaga. Tatlong missed call! Sinabi pa naman niya sakin na maaga daw tomorrow para marami kaming mapuntahan. Nakakaiyak po. Paano?! Dinial ko kaagad ang number niya.

"Hello?" Tumatawa pa siya. Mukang nag-eenjoy. Sana di maalala na late na ako nagising!

"Hey, Mahal. Good morning."

"Di ko pa nakakalimutan na late ka nagising, Daniel. Don't 'mahal' me!" Patay. Natigil sa pagtawa. Naririnig ko yung kantyaw nila Margaret na "Haha. Kuya! You're a loser!" Patay sakin 'tong babaeng to eh. Imbis na tulungan ako kasi ako yung kuya niya, iniluklok pa talaga ako?!

"Hoy! Margaret! Magtigil ka!"

"Don't shout at Magui. At least she's here with me!" Natigilan naman ako doon. Nagiguilty na ako. Bakit ba ako natulog ulit?!

"Sorry na, Bal. I didn't mean to." Kailangan English para iba ang impact kay Kathryn. Ganon yun.

"But you promised me you'll be early today."

"Hindi ko namalayan. I fell asleep again."

"Even though."

"Sorry na nga eh. Bal, I'm really really sorry okay? You know I won't waste my time. I want to spend every moment with you." Nilambing ko na. Onting lambing pa, sana okay na. Happy wife, happy life diba?

"Whatever. Fine. Let's not fight in Japan!" Yon! Napangiti ako.

"Thank you. I love you."

"I love you too. But I have to go now. Me and your sisters with sila Mama are going for a snack."

"I'll see you later, Bal. I love you more."

Then she hung up. Mukang okay na pero slight pa lang. At least nag-i love you too na. Susuyuin ko na lang ulit mamaya.

"Oh, tapos mo na tawagan si Kathryn?" Tanong ni Mycko. Kakabalik lang nila sa apartment.

"Oo! Mga kupal kasi kayo inuna niyo pa pagkain kaysa gisingin ang kaibigan! Salamat!"

"Oh, chill. Dalian mo na lang. Punta ka pa sa kanila para sunduin si Kathryn!"

Di na ako sumagot. Naghanda na lang ako para makapunta na kung saan mang train station yan. Basta ang importante magkikita na kami ni Kathryn. Onting laban na lang!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When In JapanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon