Japan Day 2.0

4.1K 182 10
                                    

Daniel's POV: Happy Wife



Nandito na kami ngayon sa train station at nagpipictorial na sila Marco. Pambihira! Di ako nainform na ito ang ipinunta namin dito. Ibang klase!

Habang naghihintay kami sa train, kuha lang sila ng kuha ng picture. May mga group pictures pa. Buti na lang dumating na ang train. Kaya nakasakay na kami. Nung una, nakatayo pa ako. Tapos kinukuhaan nila ako ng picture. Supportive talaga mga tropa ko eh! Pero ang bilis pala nito kaya umupo na ako. Kinukuhaan pa rin nila ako ng picture.

Ang hirap maging gwapo! De, loko lang. Pero yung sobrang daming picture, hindi na loko eh. Talagang ang daming picture ng mga 'to!

Pero okay lang, pare-parehas naman na di ako ngumingiti sa mga pose eh. Kalahating rason ay dahil medyo badtrip pa ako dahil hindi ko pa rin nakakasama ang reyna.

Kalahati dahil.. alam niyo naman, fierce ang tawag doon, pare.

Fierce!

Pero, maiba tayo, nandito kami sa train station para sumakay. Syempre. Pupunta kasi kaming Dotonbori Food Street! Nandun kasi ang reyna eh. Pero syempre mamamasyal muna kami ng kaunti dahil busy pa yun kasama sila Arisse.

Nagmessage nga sa akin kanina eh.

To: Bal

*Kath's wacky picture while eating an ice cream*

This ice cream is super delicious you should try it, Bal!

Kanina pa kain ng kain si Kathryn. Samantalang ako hindi pa ako nakakain ng lunch kasi naman late na ako ginising ng mga ugok! Kaya pagkadating namin sa Dotonbori, kumain muna ako ng ramen kung saan kumain sila Kathryn kagabi.

Nararamdaman ko pa ang presensya ng reyna! De, loko lang. Haha! Tangina. Nakakabaliw mawalay kay Kathryn minsan. Parang alam mo yung nawawala ka sa sarili mo? Ganon!

"Uy J! Malala ka na. Tinatawanan mo yung ramen mo!" Sabi neto ni Marco. Ibuhos ko kaya sa kanya yung ramen? Kung di lang ako gutom eh!

"Manahimik ka nga. Kainin mo na lang yan ah!" Kumain na ulit sila. Halos lahat gutom eh!

"Tignan mo 'to. Dito tayo kumain mamaya. Masarap daw yung yakiniku sa grill na 'to eh." Sabi ni Mycko habang pinapakita yung picture sa cellphone niya. Pambihira! Pagkain nanaman.

"Uy! Yan rin yung minessage sakin ni Arisse kanina. Diyan ata nila gusto kumain nila Kath at-" Sabi ni Patrick! Natigilan rin siya bigla sa sinabi niya eh! Haha!

"Eh bakit mo muna katext si Arisse?" Inasar ni Diego ang gago. Kantyawan kaming lahat eh. Si Lover Boy nadulas sa sarili niyang sinabi. Haha. Tanga kasi neto ni Patrick eh. Ayaw na lang mag-sorry. Buti pa ako malambing na, nagsosorry pa. Aanhin mo ang pride ko kung mawawala rin sa akin ang reyna?

"Sige, text mo si Arisse. Sabihin mo diyan na lang kakain mamaya!" Sagot ko pagkatapos kong tumawa. Kung gusto din ni Kathryn dun, walang problema.

Dapat kasi ang motto dito, happy wife, happy life diba?




When In JapanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon