Japan Day 2.2

4.9K 213 13
                                    

Bonus one to calm ourselves down.
I'd rather watch a #JapanSerye. How I wish. Haha! Enjoy. :)


Daniel's POV: Alam Ko Na


Pagkatapos kumain ni Kathryn ng dessert, nakaupo kami dito sa labas ng isang establishment. Nandun na sila sa loob, nagbi-billiards. Pero nandito kami kasi di pa ubos ng reyna yung ice cream niya kanina.

"Tara, Bal. Pasok na tayo." Niyaya ko na siya kasi lumalamig na. Mamaya ginawin pa siya ng todo. Okay lang naman sakin na yakapin siya, pero alam niyo na. Baka mahirapan na akong bumitaw. De, loko lang. Malamig na kasi talaga. Ayokong manigas na lang dito bigla si Kathryn.

"I don't know how to play billiards, Bal. I'll just sit sa may couch, probably." Sabi naman niya. Nakangiti siya, parang pagod na. Madami na rin kasi silang ginawa ngayong araw eh. Pero, gusto ko pa rin na maglaro siya.

"What do you call that time I taught you then?"

"Bal, it was SDTG time pa. Between takes lang yun. I forgot already. What do you call that thing again? Sarga?"

"Sargo, Bal. Sargo." Tumawa ako. Ang cute ni Kathryn, tangina.

"Whatever. Basta that! Di ko na alam kung pano humawak nung thingy eh." Natawa ako lalo. Di nga niya alam. Haha! Tako yun.

"Why are you laughing?!" Sobrang mas lumala yung urge kong tumawa pero pinigilan ko, brother! Ang hirap!

Tinignan ako ng masama ni Kathryn. Patay. Napikon na. Mabilis 'tong mainis kapag pagod na siya. Pero sakin lang yan grabe mag-sungit. Okay lang. At least sakin lang talaga.

"N-n-nothing! Tara na, Bal. I'll teach you how to do it again." Nasamid pa ako kakapigil sa pagtawa. Pero nagsmile na lang ako para di na siya mainis.

"Really?!" Lumiwanag yung muka niya. Dun ko alam na gusto niya talagang matuto. Ang daming talent nitong si Kathryn. Di niyo ba alam yun? Talo niya ako sa pagkain ng hotshots. Mas mabilis siyang kumain nun! Palibhasa paborito niya.

"Yes, come!" Hinawakan ko ang kamay niya at pumasok na kami sa loob. Nagsimula na nga mag-billiards ang mga tropa ko. Si Arisse nasa couch lang nagcecellphone. Si Trina, kalaro sila Patrick. Sporty talaga ang isang yun.

Pumunta kami sa isang billiards table katabi nung kela Trina. Tumayo lang si Kathryn sa gilid habang kinausap ko yung staff na maglalaro rin kami sa table na yun.

Kumuha rin ako nung tako. Yun yung cue stick na ginagamit para tumira nung mga bola. Binigay ko kay Kathryn yung isa tapos ngumiti siya.

"Bal, tara. Ganito yun." Nilapit ko siya sakin pero humiwalay siya.

"Ikaw muna, Bal! I wanna see you do it!"

"Ay! Nako, Kath. Kung di mo alam, master yan si DJ! Supremo yan sa billiards. Magaling magshoot yan eh!" Tas tumawa ang gagong si Mycko. Pambihira! Iba nanaman ang gustong iparating neto eh.

"Really? I know he knows how but I never really saw him play that much. Nung SDTG taping lang. Sample ka naman magshoot here, Bal!"

"Oo! Magaling talaga si DJ! Sample daw, J!" Sabay sabay na tumawa yung mga tropa kong walang hiya! Jusko! Pinandilatan ko na sila ng mata kaya bumalik na sila sa kanya kanyang laro nila. Pero tangina. Namula tenga ko. Bwiset!

"Tara na, Bal. Don't listen to them. I'll teach you now."

"Okay." Ngumiti siya at lumapit na ulit sakin.

Hinawakan ko yung kamay niya at ipinuwesto ang tako sa taas ng table. Binend ko ng kaunti yung likod niya para makakuha ng magandang anggulo. Hinawakan ko yung isang braso niya para galawin ang stick at asintahin ang bola.

Nung makuha ko na yung tamang position, pinikit ko yung isa kong mata para makita talaga. Sabay naming tinira ni Kath yung bola dahil hawak ko pa nga yung kamay niya.

Tatlong bola yung pumasok! Galing! Ganun pala ang epekto kapag kasama mo yung lucky charm mo sa pagtira?!

"Yay! Ang galing Bal!" Ang laki ng ngiti ni Kathryn kaya di ko na napigilan humirit.

"Ganyan ka kasi, Bal. Sumargo ka diretso sa puso ko!" Tas kinindatan ko siya habang siya naman natawa.

"Whatever. I'm gonna try it on my own now." Nakangiti pa rin siya. Kinilig yun, sure na!

Pinosition niya ulit yung kamay niya at yung tako habang ako naman nasa gilid lang para panuorin siya. Nakita ko na mali yung position niya kaya syempre, bilang supportive boyfriend, inayos ko habang nakahawak sa kamay niya.

Pumasok yung target niya na bola! Napangiti ako nung sumigaw siya. Dun pa lang alam ko na.

Kaya namin ang lahat basta magkasama.


When In JapanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon