GAB's POV
"Pakialis na yang mga Valentines decor, the event was done." utos ko sa mga SSC officers."Why? February isn't done anyway" -Sabi ni Brent na kararating lang.
"Shut up Brent!" -Pagtataray ko
"And why? SSC President :)" -sabi niya sabay turo sa sarili.
Oo nga pala! Vice lang ako! Tumalikod nalang ako at alam kong tumatawa siya, demonyo talaga tong lalaking to.
"Bes! Sama ka? Nood tayo basketball bago umuwi mamaya" -Si Angel
"No. Wala din lang namang mapupulot na aral jan eh" -sagot ko sabay buklat ng libro kunwari nagbabasa.
"Yaan mo na yan Gel, kelan pa nanood yan? At kelan pa nasa GYM yan? Sa library lang yan" -Sigaw ni Brent habang pinapaikot ang bola sa daliri.
Hindi ko siya pinansin dahil alam kong giyera na naman. Tumawa naman si Angel.
BRENT's POV
KINGSTON HIGHSCHOOL vs. SANTO TOMAS HIGHSCHOOL. Basketball game namin ngayon, Kingston HS is the defending champion syempre ako kaya captain ball.
Habang nasa court kami for our warm up nakita ko siya base on my peripheral view. Gagalingan ko pa lalo kasi nanonood siya. For the first time manonood siya, Secret crush
Magsisimula na ang game, jump ball between the two captains. Pumito ang referee at sabay kaming tumalon ng kalaban.
"Go Brent!"
"Kaya mo yan Captain mwaaa!"
"Libre kiss mo kapag nanalo kayo Brent!"Sigaw ng mga babae na nasa GYM. Nakuha ng Kingston HS ang bola dali daling pinasa ni Richard ang bola sa akin at pumuwesto ako sa tres booom! Pasok! tilian ang tao.
"Ang galing mo Brent I love you!"GAB's POV
"Go Brent!"
"Kaya mo yan Captain mwaaa!"
"Libre kiss mo kapag nanalo kayo Brent!"Sigaw nung mga malalanding babae at bakla kay Monster, grabe din pala tong mokong na to tinilian pala siya dito.
Anyway Angel forced me to watch Kingston HS para daw makita niya si Richard at bilang bestfriend niya sinamahan ko nalang para di naman nag-iisa.
Na kay Brent ang bola at pumuwesto siya sa tres and yun pasok! Magaling pala siya.
"Ang galing mo Brent I love you!"
Sigaw nung nakared na babae na may pompom na parang cheerleader sa kapal ng make up. Kainis! parang nakalunok ng microphone!
Hindi siya pinansin ni Brent, bleeh! buti nga!
BRENT's POV
May nag-a Iloveyou sa akin pero hindi sa pwesto niya kaya di ko nalang pinansin.
2nd quarter na ng game kaya time out muna.
To: VP (Gab)
"Walang mapupulot na aral dito diba? :D"
SENT!Received:
"Mind your game monster!"
"Are you watching me? :)"
SENT!Received:
"Hell no! I'm watching Sto. Tomas HS, they're great especially Kevin Santos"so you're cheering them? Not us? Not your school? Well, papahirapan namin yang Kevin na yan!"
SENT!Kevin pala a!
"Dude! Bakit ka nakasimangot jan! Tambak kalaban oh" -sabi ni Richard sabay akbay.
"She's here, and I'm not the reason" Sabi ko at nakatingin sa kalaban.
Umalis si Richard at pumunta sa mga nanonood na babae, kahit kailan talaga tong c Chard chickboy!
"Let's do this dude." -bulong ni Chard habang pabalik na kami sa court because 3rd quarter is about to start
56-40 @ 3rd quarter we are leading.
Panalo na to. But when 4th quarter start, bumaba sa tatlo ang lamang namin sa kalaban, nakahabol sila.
"Go Kevin!"
Pamilyar ang boses na yun. Oo, sakanya nga at hindi ako ang nasa cheer niya.
"Pare ano ba nangyayari sayo lamang na sila oh, at 15 sec. nalang buti bola pa natin." -Sabi ni Paulo
Nawalan ako ng focus at ngayon 86-87 na ang score at this time leading sila
Nasa akin ang bola at pumuwesto ako sa tres
10
9
8
7
6
5
Baaaaaag!!
He hit me! Kevin hit me! at pumito ang referee.
"TECHNICAL FOUL!" -Sigaw ng refereeHiyawan ang mga tao.
"Duga!"
"Hoy wag mong sasaktan si Brent my love!"
Sabi ng mga babae.
Pumuwesto na ako sa free throw line, sana mashoot ko ang bola. Binigyan ako ng 3 free throws ng referee.
"Priiiit!"
"shooooot!"
Awww. Sablay ang unang free throw ko.
"Pare focus!" -tapik ni Chard sa akin.
"Priiiit!"
Boom pasok ang 2nd free throw ko all 87 na ang score. Kapag naishoot ko ang last free throw ko lamang na kami at siguradong panalo na kami dahil 5 seconds nalang ang natitirang oras.
Pinagpapawisan ako ng sobra, at binalot ng katahimikan ang buong GYM at inaabangan ang pito ng referee. Bago pumito ang referee may isang taong bumasag sa katahimikan.
"Go honeylove Go. Go. Go!!!"
-Si Gab ;)
Pinagtinginan siya ng mga tao including me. Her shout made me smile and gave me strength.
"Priiiit!"