Two

74 4 7
                                    

Hello :) Dedicated po ito sa aking PINAKA FAVORITE na AUTHOR (: Ganda po talaga ng STG atsaka yung NLSTG ((: Pati po yung one-shot niyo ang ganda rin! Sana po ate ma Critic niyo po itong Story ko :** Labyuuuu. <3

-------------------

Dalawang linggo na nung huli akong pinansin ni Kyle sungit. Ewan ko ba sa lalaking yun kung bakit nagalit eh sinigawan ko lang naman siya at dapat sanay na siya dun. Daig pa talaga niya ang Babae.Minsan nga nagdududa na ako kung tunay ba siyang lalaki o may hidden identity siya kasi naman yung mga gays ngayon diba kung sino pa yung mga gwapo. Saklap lang tuloy.

Parang ngayon nanonood ako ng "SUPER SIREYNA" Grand Finale. Grabe lang . Gwapo sana sila kung hindi lang talaga sila bakla. Atsaka nakakainsulto ah? Ang Ga-Ganda nila. Mas maganda pa ata sila saken. Huhu

Nga pala dito ngayon nag lunch sila Tita Yna eh. Ibig sabihin nandito rin si Kyle. Hindi nga niya ko pinapansin eh. Wala kasing pinipiling araw yun pag sinusungitan ako eh.

 "Ano bang masarap na lutuin natin para mamayang Meryenda? " Tita Yna

"Eh kung mag bake nalang tayo ng Muffins ? " -Mama

Omoo! Muffins daw. Gusto ko yan

"O sige Muffins nalang po. Tutulong din ako sa pagluluto " Pagsabat ko sa usapa nila.

"Wow! Sige dapat matuto ka ng gumawa ng Muffin. Para kapag nagkaboyfriend ka na, mabibigyan mo siya ng Muffin " -Natatawang sabi saken ni Tita. Napatingin naman ako kay Kyle na masama yung tingin saken. Ano na naman kaya ginawa ko sa lalaking ito?

"Ano ka ba naman Yna! Bata pa yang si Lourena wala pa yang boyfriend " Depensa saken ni superman este ni papa.

"Oo nga po tama si papa " Sabay inom ko ng juice habang nanonood nga ng Super Sireyna. Lahat kasi kami dito yan pinapanood. Ewan ko nga kung bakit yan eh

"Hahahah! Dapat lang na wag ka munang mag boyfriend Lourena. Mag-aral ka muna. Mag-aral muna kayo ni Kyle. Makakapaghintay naman yang si Kyle sayo eh" Sabi saken ni Tito. Sa sobrang gulat ko sa sinabi niya halos nabulunan na ako. Sana sinabi niya yun nung hindi pa ako umiinom ng juice.

*Cough* Cough * Cough*

"Nak okay ka lang ba? " - Mama

"Opo Okay lang ako! Ano po ulit yung sabi niyo tito? "

"Ahhh! Yung sinabi ko??? Basta ang gusto ko kayong dalawa ni Kyle ang magkatuluyan ah? " -Tito

"Ehhhh?? "

"Oo nga naman !! Gusto kita maging Daughter in law eh. Okay lang naman yun diba?" -Tita Yna

"Ah? Hehe? "

Ano kayang sasabihin ko?

Sasabihin ko ba na AYOKO dahil hindi ko matagalan yung kasungitan ng Anak nila???

o

OSIGE PO YEHEYYY para hindi sila madismaya.

"Ang ganda ganda siguro ng magiging apo natin kapag sila nagkatuluyan" -Tita Yna

"Oo nga tama ka dyan! Dapat pala mula ngayon balae na tawagan natin eh " -Mama.Eto talagang dalawang ito. Nagkakaisa sa mga ganitong usapan. Palibhasa HS bff's na silang dalawa eh.

"Dapat pala ngayon pa lang pag ipunan na natin yung mga gagastusin sa kasal nila eh" -Papa

"Tama ka dyan Pare"

Napatingin naman ako kay Kyle. Lokong ito pangiti ngiti pa

"Mama, Papa, Tita, Tito. Ano ba naman kayo???? Ang bata ko pa kaya. Diba nga bawal pa ko mag boyfriend sabi niyo? Diba papa???" Papa, ipagtanggol mo ang unica iha mo. Huhu

Harlem Shake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon