Four

46 3 0
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala. Bakla talaga si Allan. Nakikipagsabayan na siya sa mga Super Sireyna ng bansa. Nakakalungkot talaga kasi kitang kita ko sa mukha ni Anne kanina kung gaano siya nasaktan. Paniguradong sobrang sakit na malaman na yung lalaking pinakamamahal mo pinagpalit ka sa Lalaking may Pusong pang Babae.

Almost 10:00 na ako ng makauwi ng bahay namin. Paano ba naman kasi mahaba habang pag cocomfort pa yung ginawa ko kay Anne kanina. Pagpasok ko ng bahay nanonood sila papa at mama ng Tv kaya naman lumapit ako sa kanila at nag mano. Ganun naman kasi talaga yung ginagawa ng mga mabubuting Bata diba? 

"Oh Bakit ngayon ka lang? Alas dyis na oh" Tanong sa akin ni Papa. 

"Eh pa, may ginawa lang po ako. Wag mo ng tanungin kung ano.. kasi secret yun .. Hehe " 

"Ikaw talagang bata ka, dapat nagtext ka man lang hindi yung basta basta mong iiwan itong si Kyle sa Sm.  " sabi sa akin ni Mama

"Eh busy po kasi siya. May kausap po kasi siya kanina eh. Diba Kyle? " Sabay irap naman saken ni Kyle.  Nakaupo rin kasi siya dun sa sofa at nagbabasa ng libro.

"Sige na magpalit ka na ng damit." Tumango naman ako 

Tumalikod na ako kasi aakyat na dapat ako ng kwarto pero humarap ulit ako sa kanila "Bakit pala nandito ka pa ? " Sabi ko kay Kyle

"Dito kami matutulog ni Karl.  " sabi niya without looking at me. Nakatingin lang siya sa libro niya

"Bakit? May bahay naman kayo ah? " 

"Ano ka ba Lourena? Kahit naman nung mga bata kayo natutulog na dito sa bahay yang si Kyle ha? 2 weeks lang naman sila dito. Wag kang Oa" Sabi ni papa. Tsk! Oo nung mga bata pa kami nung hindi pa pagsusungit ang hobby niya.

"Okay! " No choice , Hindi naman ito big deal eh 

Aakyat na sana ulit ako ng magsalita ulit si Papa "Nak, wag mo masyadong sungitan yung future son in law ko ah ? " Sabay tawanan silang Tatlo

"Che! " Sabay akyat ko sa kwarto ko at naligo ako at nagbihis na 

**

"Ahhh Ang sarap!  " Sabay higa ko sa kama ko 

Pumikit ako at inisip lahat ng nangyari kanina. Biglang pumasok sa isipan ko yung kanina sa Mall. Yung kay Kyle at dun sa ex niya.  Parang biglang sumakit puso ko. Bakit ganito?  Sa mga palabas napapanood ko ganito din yung nararamdaman nila pag nagseselos sila eh. Bakit? Gusto ko ba siya? eh.. Crush lang naman yun eh? Posible bang maging love yun? Omg. Inlove na ata ako sa boses ni Kyle. Hayss! Ewan . Nakakainis! Nagpagulong gulong ako sa kama ko . 

"Nakakainis na pakiramdam ito .. Asar! " Sigaw ko sa kwarto ko

"Para kang sira dyan " Napadilat naman ako at upo sa kama ko 

"Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka man lang kumatok? " Sabi ko sa kanya

"Kumatok ako" Umikot siya at nagtingin tingin ng mga libro sa kwarto ko "Busy ka lang kakaisip saken kaya di mo namalayan " Sabay tingin at smile niya saken

Ano daw? Busy sa kakaisip sa kanya? Wow ah! Medyo Makapal yung Peyslak niya. Hindi ko naman siya iniisip kanina ah? *iling iling* 

"Ewan ko sayo" sabay irap ko naman sa kanya.Natahimik naman kaming dalawa. Wala bang balak ito lumabas ng Kwarto ko?

"Laro tayo" Sabi niya . Seryoso siya? As far as what i remember last time na naglaro kami ay nung ------------------ Grade 4? Grade 5? O  Grade 6? Ay basta! Di ko na kaya maalala T_T

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Harlem Shake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon