Three

63 6 2
                                    

Hello! Ingat yung mga binaha :) Kahit mukhang walang nagbabasa nito. Mag Uupdate pa rin ako. Sayang naman eh :D

****************************

"Oy Anne, wag ka ng umiyak." Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa ko tapos inabot ko sa kanya "eto oh. Balik mo saken yan ha? May sentimental value yan eh"

" *Sob* *Sob* Salamat Lourena" Pagkatapos niyang magsalita siningahan niya yung panyo ko. Urgh. Lalabhan ko na nga lang yun pagkatapos niya gamitin. Bigay saken ni Kyle yun eh.

"Ikwento mo na . Ano bang nangyari? " Tanong ko ulit sa kanya

"Kasi naman eh *sob* si Allan *sob*Break na kami. *sob* Waaaaaaaaaah" Bigla siyang humagulgol ng malakas kaya naman nataranta ako

"Uy Anne. Wag ka ng umiyak baka akalain ng ibang taong dumadaan dito inaaway kita. Please! Wag ka ng umiyak" Natataranta kong sagot sa kanya

Tumigil naman siya sa pag atungaw 

"Kasi Lourena *sob* si Allan. may iba na siya *sob* " 

"Ano? Paano? Sino? Kelan pa? Dahil ba dun kaya siya nakipaghiwalay? Ikwento mo saken ng maayos " Sunod-sunod na tanong ko sa kanya

Huminga siya ng malalim

"Kasi nung mga nakaraang araw naramdaman ko na lumamig siya saken. Pag mag dadate kami lagi siyang umeexcuse at sinasabi niyang may pupuntahan siya na mas importante. *sob* Tapos kanina nakita ko siya na may kasamang iba.. HUHUHUHU " Umatungal na naman siya ng iyak

Nakakainis na lalaki yun. Ang lakas ng loob mangbabae?

"Naku! Lagot talaga saken yung lalaking yun pag nagkita kami. Ano bang meron yung babaeng pinalit niya sayo na wala ka?? " 

Tinignan niya ko tapos biglang umiyak na naman ng malakas

"Bakit ka na naman umiiyak? Bakit? Mas Maganda ba sayo yung babae? " Umiling siya

"Mas sexy? " Umiling ulit siya

"Mas... matalino? " Umiling ulit siya

"Mmm. Mas sweet? " Umiling ulit siya tapos umiyak ng malakas

"Eh kung hindi siya maganda, hindi rin siya sexy, hindi rin siya matalino at sweet. Eh anong nagustuhan niya dun sa babae na yun? " Ang Gulo naman kasi magkwento nito eh.

"Hindi mo naman kasi naiintindihan eh" 

"Eh paano ko nga maiintindihan kung hindi mo ipapaliwanag? " pasigaw na sabi ko sa kanya.

"Hindi siya maganda. *sob* Hindi rin siya sexy *sob*" umiiyak na sabi niya

"Edi wag mo ng iyakan yung si Allan. Marami pang lalaki sa mundo hindi lang siya" 

"Hindi naman ako umiiyak dahil wala na kami ni Allan eh"

"eh bakit ka nga umiiyak? Ano yan trip mo lang ? " Bwisit na babae ito. Ang gulo kausap. Nakakabobo!

"Kasi Pinagpalit niya ko. Naiinsulto ako" 

"Oo nga! Sabagay nakakainsulto nga naman ipagpalit ka ng boyfriend mo sa ibang babae" patango tango ko pang sabi

"Hindi naman yun eh "

"Ha?" 

"Naiinsulto ako kasi pinagpalit niya ko... Pinagpalit niya ko sa Lalaki" Tapos umiyak na naman siya ng malakas.

Omg. Si Allan.. Si Allay ay...

"Teka. Di ko gets. Ang ibig mong sabihin si Allan ay isang Super Sireyna? " Tumango naman siya

Hindi ako makapaniwala. Paano? 

"Hindi ba? Masakit? Okay pa sana kung sa babae niya ko ipagpapalit. Matatanggap ko pa yun eh. Pero bakit sa lalaki? Bakit? Huhuhu! " Namamaga na mata niya

Ano kayang pakiramdam na ipagpalit ka sa Lalaki ng Boyfriend mo?

Harlem Shake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon