Naranasan niyo na bang mainlove tapos ma broken hearted? Buti nalang ako hindi pa at ayoko talagang maranasan yan. Mukha kasing mahirap at masakit talaga. Paano ko nasabi?
Nakikita ko sa mga kaibigan ko na kapag inlove sila lalo na kapag nanligaw sa kanila yung crush nila. Tuwang tuwa sila . Sobrang Masaya! Lalo na kapag naging sila ng crush niya. Kulang nalang ibroadcast yun sa lahat ng tao sa buong Mundo. Para malaman na yung dati nilang status sa facebook na single ay in relationship na . Yung iba masyado pang PDA sa facebook. Lahat lahat ata ng activities nilang mag jowa nakalagay sa FB eh. Yung Totoo? Hays. Kapag nagbreak naman parang pinagsakluban ng langit at lupa.Yung iba may palaslas laslas portion pa. Aba mga Loko dinadaan pa sa FB status at sa mga GM's nila yung pagiging bitter.
Ako nga pala si Lourena Gatchallian isang SWAG. Simpleng Walang Arteng Ganda
Pagpasok ka sa school dumiretso ako agad sa upuan ko
"Oy L" - Pagtawag sa akin ni Kyle. L Yung nickname ko. Siya lang tumatawag saken niyan sa School.
"Bakit?"-Nilapag ko yung bag ko sa upuan ko
"Inlove ka ba?" Seryoso niyang tanong sa akin
Napalingon naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya. "Hindi! Bakit mo naman natanong yan?"
"Eh bakit ang laki ng pimples dyan sa ilong mo?"
Sabi ko na nga ba walang matinong sasabihin tong lalaking to eh
"Eh ano naman kung may pimples ako sa ilong? Isa pa! Hindi naman to dahil sa Inlove ako eh" totoo naman diba? Pag ba nagkapimples inlove kagad?
"So ano meron dyan? Nag weekend lang tinubuan ka na ng germs dyan sa ilong mo" Sana may umawat sa akin kapag hindi ako nakapagpigil sakalin tong lalaking to.
"Fyi! Normal lang sa isang tao ang magkaroon ng pimples"
"Eh bakit ako hindi pa nagkakaroon?"-Kyle
"Pwes! Magtaka ka na. Baka mamaya hindi ka talaga tao. Baka alien ka talaga na napadpad lang dito sa earth." Pang aasar ko sa kanya. Pero imbis na maasar tumawa pa siya ng malakas.
"Maliban sa mukha mo, anong nakakatawa?"
"Masama bang tumawa?"
"Oo kung ikaw lang din yung tatawa"
Lumingon kami kay Ellaine nung narinig namin siyang magsalita "Uy ang aga-aga nag aasaran na kayo diyan" Kakarating lang niya kasabay si Jonas, kaibigan nitong si kyle
"Oo nga! Mamaya kayo magkatuluyan niyan" Singit ni Jonas sa usapan namin
"Epal kasi to eh" Paninisi saken ni Kyle. Bata palang kami ganyan na siya. Parang sira!
"Wow ah? Ikaw nga yun eh! Pagkakita na pagkakita mo saken napuna mo kagad yung pimples ko. Tama ba naman yun ha?"
"So?"
"So so-in mo mukha mo. I hate you"
"I hate you more"
"I hate you most"
"I hate you infinite. Wag ka ng pumalag Lourena." Pagmamalaki niya sa akin. Inirapan ko nalang siya. Nakakairita siya. Talent niya yung pag irita sa akin araw araw.
Natawa sila Jonas at Ellaine
"Anong nakakatawa?"
"What's Funny?" Sabay naming sabi ni Kyle. Mungewan talaga tong lalaking to eh. In-english lang yung sinabi ko. Arte arte!
BINABASA MO ANG
Harlem Shake Love
Teen FictionAng Love ay parang Harlem Shake.... sa simula lang seryoso. (Pwede nang basahin dahil na-revise ko na)