one. two

89 7 7
                                    

Pagkagising ko ay bumangon at naghilamos na ako.

Pagpunta ko sa dining kumakain na sila papa ng dinner "Himala? Aga mo magising ah? Inlove?" Nagulat naman ako sa sinabi ni papa. Hindi ko siya tunay na ama. Pero siya yung gumagawa ng mga dapat na ginagawa ng tunay kong ama.

"Papa naman eh, Minsan na nga lang hindi tanghaliin ng gising nang aasar ka pa dyan"

Tumawa muna siya bago mag salita "Sorry na. Nanibago lang naman ako sayo"

"Pa, Hindi po ako inlababo okay mukhang lababo oo. Joke! Ang ganda ko kaya. Pero seryoso hindi po ako inlove. Gutom? Oo! Kaya lalamon na po ako."

Tumawa naman ulit si papa ng malakas ganun din si mama na naghahain ng mga pagkain.

"Kumain na nga kayong mag-ama" Sabi ni mama

Pagkatapos kumain na kaming tatlo. Puro kwentuhan, tawanan at asaran lang yung pinagagawa naming tatlo pero masaya

Pagkatapos kumain.

"Honey, Ihahatid ko na si Lourena sa School ah? Baka may Boyfriend na yung Dalaga natin eh" Sabi ni papa kay mama. Tinignan ko naman ng masama si papa

"Sige Honey! "

"Honey, tinitignan ako ng masama ni Lourena. Tinatakot ako wag ko daw siya isumbong sayo" Pagsusumbong ni papa kay mama

"Papa! Ano ba yan! "

"Lourena, wag mong takutin papa mo hindi ka multo"

"Mama naman eh nakikiride ka pa sa trip ni papa." Dahil sa sinabi ko pareho pa silang tumawa ng malakas

*

Hinatid ako ni Papa sa school bago siya pumasok sa trabaho niya atsaka hindi naman na big deal saken yun eh. Masaya nga kasi may bonding kaming dalawang mag tatay atsaka kasi nakakahingi ako sa kanya ng additional Baon. Kuripot kasi si mama magbigay ng baon.

Pagdating namin sa school. Si Kyle agad yung bumungad

"Hello po tito" Pagbati ni kyle sa papa ko.

"Oh ikaw pala yan Kyle. Kamusta sila Daddy mo?" Pangangamusta ni papa.

"Okay naman po sila. Hinatid niyo po si Lourena?"

"Obvious naman diba?" Pataray kong sabi. Halata naman kasi tinatanong pa.

"Pagpasensyahan mo na yung kasungitan nitong anak ko ah?" Sabay naman silang Tumawa

"Sanay na po ko dyan sa anak niyo" Sabi ni Kyle ng may patawa tawa pa. So anong pinaparating niya? Masungit ako araw araw?

"Tsss" Yan nalang nasabi ko.

"Buti naman! Hinatid ko lang itong batang ito at baka may boyfriend na"

"Meron na nga po. Di niyo alam?" Seryosong sabi ni Kyle kay papa.

Tumingin naman saken si Papa ng nakakatakot medyo kinabahan pa nga ko eh.

"Anong meron ka dyan? Wala kaya!" Pagdedepensa ko sa sarili ko kasi wala naman talaga. Huhu

"Lourena?" Pagtawag ni papa sa pangalan ko sa napakaseryosong tunog. Nakakatakot na rin yung mukha ni papa. Samantalang si kyle pangiti ngiti pa.

"Pa Hindi nga po yung totoo. Ano ba Kyle wag ka ngang barbero!"

"So pinapalabas mo na sinungaling ako?"

Lumapit saken si papa "Lourena Gatchallian gusto mo bang magrounded?"

"Papa naman eh. Mas pinapaniwalaan mo yan kesa sa anak mo?" Maiyak iyak na sabi ko

"Hahah! Joke lang po yun tito. Wala naman po atang papatol dyan kay Lourena eh"

Ngumiti naman si papa "Tama ka nga dyan Iho sa kasungitan nito? I doubt magkaroon ito ng boyfriend" Sabay tawa pa nilang dalawa. Pinagtritripan lang pala nila ako.

"Papa naman eh"

"Basta Lourena kung hindi lang din si Kyle ang magiging son-in-law ko wag ka ng mag boyfriend"

Aba Lokong Kyle natuwa pa sa sinabi ni Daddy

"So parang sinabi mo na rin pa na tatanda akong dalaga. Hays bahala nga kayo dyan" Pagkatapos ay dumiretso na ako sa loob ng campus at iniwan silang dalawa dun na nagtatawanan na parang mga baliw.

Harlem Shake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon