--
"Haha you're joking right?" Sambit ni alysson
"H-hindi.. Matagal na talaga syang patay..." Sambit ni jin
"Pero nagpakita nga siya saamin kanina! Nakausap pa nga namin sya ano ba!" Sigaw ni marge
"Oo! Sabi pa nga niya andun siya sa gabing namatay si fai--" napatigil si shannen at nagkatinginan sila ni jungkook.
Ang awkward lang kasi ex sya ni shannen at si faith ang pinalit sakanya. Tapos kung tutuusin may kasalanan din sya sa nangyari
"Namatay si faith? Oo totoo. Andun sya. Sinabi nya sakin sa akin pag uwi niya galing nung fieldtrip, tapos lumipas lang ang isang araw nakita nalang siyang nakabitay sa kwarto niya." Sambit ni jin na halatang konti nalang ay iiyak na
"I'm sorry to hear that.." Sambit ni Menze
"O-okay lang.. Pero bakit nga ba sya nagpakita sa inyo?" Tanong ni jin
"At diba sabi mo nagkausap kayo? A-anong pinagusapan nyo?" Tanong ni hope
"P-pinapaalis nya kami dito, k-kung gusto daw namin mabuhay" sambit ni delyn
Tumawa naman ng mahina si sam
"Grabe naman yan. Sino naman papatay sainyo dito" sambit ni sam
Di naman sila sumagot.
"Gusto ko munang magpahinga" sambit ni alysson.
"Pasok muna kami ha" sambit ni menze kina joom at pumasok sa kanilang kwarto
Umupo agad sila sa kanilang higaan, natatakot at gulat parin sa nalaman nila.
"I can't believe this..." Sambit ni menze
"You won't belive this either...." Sambit nj marge nakatayo sa may lamesa sa may bintana. Napatingin naman sila lahat dun
"Ang ano?" Tanong ni delyn at lumapit silang lahat dun
"Shit." Mura ni alysson nang makita nya ang camera nya sa lamesa
"Akin na nga yan" galit na smbit ni Menze at tinapon ito sa basurahan.
"Pinaglalaruan na naman tayo" dagdag pa niya.
"Walang ibang makakagawa saatin nito kundi si charoline o si faith." Sambit ni alysson
"Pagod na pagod na ako. Akala ko tapos na ang lahat. Akala ko di na mauulit." Marge
"Sana nga hindi na. Sana napapraning lang tayo at guni guni lang natin to. Sana" delyn
Nanatili sa kwarto sina Menze upang makaiwas sa ano mang gulo at naghihintay na tumila ang masamang panahon upang makauwi. Gumabi na ngunit patuloy parin ang malakas na ulan at hangin. Wala silang magawa kundi manatili sa lumang bahay kasama ang grupo nina joon.
"Matulog nalang tayo. Di pa tumitila ang ulan eh" sambit ni alysson
Sumang ayon naman sila. Pinatay nila ang ilaw at natulog dahil alas diyes na din naman ng gabi. Binalot nila ang kanilang sarili s makapal na kumot dahil sa lamig dulot ng bagyo.
Ilang oras ang lumipas at biglang nagising si Delyn dahil narinig niyang bumukas ang pinto. Hinayaan lang niya ito dahil pagod na pagod sya.
Pero ilang segundo lang ay nakarinig na sya ng tawa at flash ng camera.
Binukas niya ang kanyang mga mata at nakitang may nag flash sa harapan ng kama niya. Nakita nya ang mukha ni vin sabay ang pag flash ng camera
"V-vin?" Mahinang sambit nito.
Naramdaman niyang may yumakap sakanya. Ilang segundo lang ay binuksan niya ang lamp sa gilid nya pero di niya naman nakita si vin at sarado naman ang pinto.
Pinatay niya ang ilaw ang natulog ulit
---
"Aaaaahhhhh!!!"
Nagising si delyn sa ingay. Pag gising niya ay wala ng tao sa kwarto.
Tumayo siya at lumabas ng kwarto. Nakita niya sina menze at ang grupo ni joon na nakaupo sa sofa.
Nakakita din sya ng mga nurse sa gilid at nakita si vin na nakahiga sa higaang pang ambulansya na duguan at walang malay
"Vin!!!" Sigaw nito at lumapit.
"Wala na po siya ma'am" sambit nung lalaking nurse at tinakpan ng kumot ang ulo ni vin
Iyak ng iyak si delyn at niyakap ang katawan ni vin.
Nilabas nila ang katawan ni vin at naiwan si delyn dun na iyak parin ng iyak. Niyakap nalang nila si delyn at pinaupo sa sofa
"k-kagabi lang n-nakita ko sya, n-niyakap pa nga niya ako.. A-ano bang nangyari?" Tanong niya habang umiiyak parin
"Nakita nalang namin sya sa cr na duguan at walang malay kasama ang camera na yan. Di nga namin alam san galing yan eh" sambit ni hope at tinuro ang camera sa lamesa
"P-pero... T-tinapon ko na yan k-kahapon.." Sambit ni menze
Kinuha ni Joon ang camera, binuksan ang bintana at itinapon ito ng malakas.
"Magdasal nalang tayong di na ulit ito mangyayari saatin" sambit niya
Bigla namang napatay lahat ng ilaw
"Aaaaaahhh!!!" Sigaw nilang lahat. Alas 12 palang pero sobrang dilim ng paligid. Dahil na rin sa walang poste s labas, walang katao tao, medyo magubat ang paligid at may bagyo pa.
Toot toot
Biglang umilaw at nagring ang cellphone ni Marge
"NO!!" Sigaw ni delyn dahil alam na niya ang mangyayari. Alam alam na nila lahat ng susunod na mangyayari
"Kung di natin to titingnan baka ano pa ang mangyari" sambit ni Marge at binasa ang message na nasa phone niya
"Subukan niyong Lumabas,
Alam niyo na ang Mangyayari
-CK"
BINABASA MO ANG
Remember Me Too [Book 2]
HorrorNo matter how you try to be forgiven, the crimes you've done in the past will never be forgotten.