Chapter 4

127 10 10
                                    

--

"Alam nyo ang weird talaga ni jungkook nowadays." Sambit ni jin

"Akala ko ako lang nakakapansin nyan." Sagot naman ni hope

Kasalukuyang nasa kusina sina joon, sam, jin, hope, jim, at vin kumakin ng miryenda

Napansin naman ni jin na may spider web na nakadikit sa buhok ni joon

"Huy bat may spider web ka sa buhok. San ka ba galing" sambit ni jin

"A-ah.. Baka nasabit lang sa buhok ko" sagot ni joon

"Huy vin puntahan mo nga sina menze dun sa kwarto yayain naman natin mag miryenda baka gutom na sila" utos ni joon

Tumango naman si vin at tumayo. Pero bago pa lang sya makalakad ay dumilim ang paligid at napatay lahat ng ilaw

"Uy anong nangyari??!?!!" Malakas na sigaw ni jim halatang natatakot

"Kalma" sambit naman ni sam

"A-ang weird na t-talaga sa bahay na t-to!!!" Sigaw naman ni jin

"Kumuha ka nga ng flashlight dun sa ref!!" Sigaw ni joon

"Di ako makakita-- teka nasa ref yung flashlight??" Tanong ni vin

"I mean nasa itaas" sagot ni joon

"T-teka.." Sagot ni vin at dahan dahang naglalakad para kunin yung flashlight sa itaas ng ref. Kinapa kapa niya yung itaas ng ref hanggang sa makahawak sya ng flashlight

"Eto na yu--" napatigil sya nang makaramdam sya ng kamay na nakahawak din sa flashlight

"Aaaahhhh!!!!" Sigaw nya

"Anong nangya--" di natapos si hope dahil bigla nang umilaw at nakita naman nila si jungkook na may hawak ng flashlight

"Jusko papatayin mo naman ako sa nerbyos kookie. Akala ko sino na yung humawak sa kamay ko" sambit ni vin na nahihingal sa takot.

Napaupo naman ulit si vin sa silya

"San ka ba galing kookie?" Tanong ni jim sabay kain ng fries

"Nasa kwarto lang." Mahina niyang sambit at umupo

"Uy vin yung utos ko sa--" di natapos si joon ng may marinig silang sigaw

"Aaaaahhhh!!!" Malakas na sigaw na galing sa sala

"Sina delyn!" Sigaw ni vin at tumakbo patungo sa kwarto nina delyn at sumunod naman yung iba

Pagdating nila doon ay nakita nila sina menze na di mapakali

"Okay lang kayo?" Tanong ni vin at lumapit kay delyn dahil nakita nya itong umiiyak

"Wag ka nang matakot" sambit nito at niyakap si delyn

"Menze okay ka lang?" Tanong ni sam at lumapit kay menze na umiiyak

"S-si alysson, n-nawawala.." Sambit nito habang umiiyak parin

Nagsitinginan naman sila at gulat sa sinabi ni menze

"A-ah pa-panong nawala?" Tanong ni jungkook

"Basta napatay nalang yung ilaw tapos pagbalik, wala na sya" sambit ni marge

"A-ah, siguradong andito lang sya, baka naligaw lang. Malaki kasi tong bahay" sambit ni hope

"Tara hanapin natin sya" sambit ni jim at nagsitayuan naman silang lahat

"Puntahan natin sa basement" pag aaya ni jungkook

"Eh, malapit sa basement yung kusina, andun lang naman kami kanina di naman namin napansin si alysson" sambit ni jin

"Oo nga" joon

"Sa may cr! Baka napunta sya dun" sambit ni hope at naglakad naman sila patungo dun

"Alysson!!" Sigaw ni marge

"Alysson asan ka na!" Shannen

"Wala naman sya dito eh" menze

Bigla naman silang nakarinig ng napakalakas na sigaw

"Aaaaaahhhhhhh!!!!!!!"

"Si alysson!" Sigaw ni hope

"Galing sa may kusina, tara!" Sigaw ni sam

Naglakad silang lahat patungo sa kusina pero wala naman si alysson doon

"Alysson asan ka!" Sigaw ni marge

"Aaahh!! Tulong!!!" Rinig ulit nilang sigaw ni alysson

"Galing doon" sambit ni jim at tinuro ang ang isang pinto

"Sa basement..." Sambit ni hope at nagsitakbuhan naman sila patungo dito

Binuksan nila ito at dahan dahan na bumaba sa hagdanan

"Hawak nyo ang isat isa huwag kayong maghiwalay. Nasa ibaba pa yung ilaw" sambit ni jungkook na syang na una sa pagbaba. Sumunod naman ang iba

"Eto na" sambit ni kookie at binuksan yung ilaw

"Alysson!!!!" Sigaw ni menze na umiiyak at nilapitan si alysson

Nakita nila itong balot sa spider web ang katawan at may blindfold ang mata

Lumapit silang lahat at pilit na inalis ang spider webs na nakabalot sa katawan nito

"Ito yung spider webs na ginamit natin sa party. Inilagay ko na to sa box ah. Pano nangyari to?" Tanong ni jungkook

"Alysson pano to nangyari sayo" sambit ni delyn na umiiyak

Tinanggal ni hope yung blindfold at grabe naman ang pag iyak ni aly. Natanggal na nila lahat ng spider webs sa katawan ni aly at yinakap nila ito.

"Sinong may gawa nito sayo alyy" sambit ni shannen

"Di ko alam. Basta bigla nalang napatay lahat ng ilaw tapos may nag takip ng bibig ko at hinila ako kaya't di ako makasigaw at makakita" sambit ni alysson na di parin mapigilan ang pag iyak

Niyakap nila si aly na iyak parin ng iyak

"Impossibleng wala sa bahay na to ang may gawa nito sayo aly" sambit ni menze na sobrang sama na ng tingin kay jungkook

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni joon

"Malamang andito lang ang may gawa nito" mahinang sambit ni menze

Tiningnan naman nina sam, jim, hope, jin, at vin si joon.

"Bakit?" Tanong ni joon

"May spider web ka sa buhok kanina..." Mahinang sambit ni jin

"So ano?! Anong gusto nyong sabihin?! Na ako ang may gawa nito?! The hell man!" Sigaw ni joon

"A-ah... Di naman sa ganun. Pero bakit nga may spider web ka sa buhok kanina" sambit ni hope

"Di ko nga rin alam!" Sagot ni joon

"T-teka..." Mahinang sambit ni delyn

"Bakit?" Tanong ni jim

"Asan si kate?" Tanong ni delyn

"Oo nga asan si kate?" Dagdag pa ni shannen

"Sinong kate?" Tanong ni sam

"Si kate.. Yung kapatid daw ni jin. Naging kaibigan namin sya eh" sagot ni shannen

Tiningnan naman nina vin si jin na gulat ang ekspresyon sa mukha

"Asan si kate jin?" Tanong ni marge

"Y-yung k-kapatid ko?" Tanong ni jin

"Oo nga! Naging kaibigan namin sya. Nagkita sila ni shannen sa cr tapos nagkausap kami kanina" sambit ni menze

"M-matagal nang patay ang kapatid ko..."

-----

Remember Me Too [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon