--
"let's get this party started!" sigaw ni joon na nasa harapan ng stage dressed as a black minion
nagsingitian naman sina menze, shannen,delyn,menze, at marge at nagsimula nang makihalubilo sa crowd at nagsasayaw. madilim parin ang lugar, disco lights lang ang nagbibigay ng ilaw dito
bigla namang nakarinig si shannen na may umubo sa likod nya kaya't napalingon ito
"a-ah jungkook, andyan ka pala" sambit ni shannen at nag blush pa ang bruha
"pwede ba kitang maisayaw?" tanong ni jungkook na naka costume bilang detective conan, ngumiti naman si shannen sabay lagay ng kaunting buhok sa likod ng kanyang tenga at tumango
nagsimula silang magsayawan hanggang sa napalitan ang rock music ng slow dance music
nalapitan silang dalawa, nakahawak si kookie sa bewang ni shannen at nakahawak naman si shannen sa balikat ni kookie
"tama ba to?" shannen
"ang alin?" kookie
"i mean, you know.. mag ex tayo tapos--"
"ano ka ba, nagsasayaw lang naman tayo" sagot ni jungkook
"a-ah, oo nga naman" sagot ni shannen na medyo nahiya sa sinabi nya.
lumapit sya kay kookie at inilagay ang ulo nya sa balikat nito kaya't yinakap nalang sya ni jungkook. gusto niyang umiyak. mahal pa nya si jungkook, mahal na mahal parin nya
unti unti syang lumayo pero nagulat sya nang makita nya ang repleksyon ni faith sa glasses ni kookie na kumakaway kaya't napasigaw ito "aaahhh!!" mahalakas niyang sigaw ngunit wala masyadong nakapansin sakanya sa sobrang lakas ng music
"o-okay ka lang?" tanong ni kookie
"a-ah oo, okay lang ako. excuse me" sambit nito at umalis at naglakad patungo sa cr
tinitigan ni shannen ang sarili nya sa salamin, naaalala niya lahat. nag f flashback ang mga nangyari sakanila noon. yung camera, pagkamatay ng mga kaibigan nya, pagkakulong nila sa lumang bahay, kaya't napaiyak nalang sya at yumuko.
"kasalanan ko 'to... kung di lang sana ako nagalit kay faith.." sambit nya habang umiiyak parin
bigla naman syang nakarinig ng tunog ng naglalakad mula sa likod kaya't napatingin sya ulit sa salamin at nakakita sya ng babaeng nakaputi ng may mahabang buhok
unti unti nyang pinunasan ang mga luha nya "oh, delyn, sinusundan mo ba ako dito ha?" sambit nito at bahagyang tumawa, nalaman nya namang si delyn ito dahil sya lang naman ang nagbihis white lady na may ganyang kahabang buhok
nagsimula namang umiyak yung babae sa likod "hoy delyn, wag mo nga akong gayahin, wag ka nang umiyak dyan, ano ba kasing nangyari sa-" lumingon sya pero di sya natapos sa kanyang sasabihin dahil nawala yung babae sa likod nya
"delyn? huy asan ka ba?" tanong ni shannen at lumingon lingon upang hanapin si delyn
"ewan ko sayo" sambit nya at lumingon ulit sa salamin pero mas nagulat lang siya sa kanyang nakita.
si charoline nasa likod nya, sunog na sunog ang mukha at buong katawan, habang suot ang damit na suot niya sa mismong gabing namatay sya
"aaaahhh!!!" malakas niyang sigaw, unti unti naman syang niyakap ni charoline kaya't sigaw parin sya ng sigaw
"aaahh!!! aaaahhh!!!!! aaahhh---"
"M-miss?! Okay ka lang?!" Sambit nung babaeng nakayakap kay Shannen. Nagulat naman si Shannen pero napakalma na rin nang malaman niyang hindi pala si charoline ang nakayakap sakanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/57576152-288-k55989.jpg)
BINABASA MO ANG
Remember Me Too [Book 2]
HorrorNo matter how you try to be forgiven, the crimes you've done in the past will never be forgotten.