Chapter 6

128 7 5
                                    

--

"eto na naman...." sambit ni menze

"a-anong nangyayari??" takot na tanong ni jim

nagulat naman ang lahat nang bigla nilang makitang may nag flash na camera sa gilid ng bintana

"shit! ano yun?!" sigaw ni hope

"kalma lang kayo... sambit ni joon at unti unting lumapit sa flash

"joon huwag!!" sigaw ni marge

"huwag kayong mag alala..." sambit nya

lumapit si joon sa may flash ng camera pero nang makalayo na siya ay di na ito nag flash ulit

"j-joon?" tanong ni jin

"aaaahhh!!!!" malakas na sigaw, 

"boses yun ni joon!" sigaw ni delyn. mahina silang lumapit sa may bintana, kakaunti lang yung ilaw, para bang madaling araw na. di ka halos makakita ng liwanag. at dun, nakita nila ang katawan ni joon sa may garden ng bahay, walang malay, nahulog galing sa second floor

wala silang ibang nagawa kundi titigan ang walang malay na katawan ni joon sa ibaba, dahil kung pupuntahan at tutulungan nila ito, sila pa ang mamamatay

biglang namang may nag ring na cellphone

"hala may nag call! sagutin ko wait" naeexcite na sambit ni hope at nilagay ang cellphone nya sa may tenga sabay sabi "hello?"


"hope huwag!!!!" sabay na sigaw ni aly, delyn, shannen, menze at marge


bigla namang nanigas ang buong katawan ni hope. 

"h-hope?" sabit ni shannen

biglang namula ang mga mata nito at umiba ang ekspressyon sa mukha

"umalis na kayo dito!!!!!" sigaw ni hope, nag iba ang boses nya, parang isang galit na babae

"matagal ko na kayong binalaan na umalis sa bahay na ito!!!!" sigaw pa ulit ni hope, sinasapian siya, pero hindi sya nagwawala, naninigas lang ang buong katawan niya habang sumisigaw

bigla naman itong tumahimik at pinikit nya ang kanyang mga mata

"hope?" sambit ni jin

nagbalik ito sa dati, "anong nangyari?"

"may sumanib sayo" sambit ni alysson

"aaaahhh!!!" malakas na sigaw na narinig nila

"si shannen!!!" sigaw nila

isa isa nilang nilabas ang kanilang mga cellphone upang may ilaw at hinanap nila si shannen

"shannen asan ka!!!" malakas na sigaw ni delyn

"nasa may kusina ako!!!" sigaw niya kaya't nagsitakbuhan sila dun.

at doon nila nakita si shannen na ginapos sa isang upuan, pero hindi sya karaniwang ginapos, mahaba ang lubid na ginamit sa kanya at ang dulo ng lubid na iyon ay may isang malaking itak, at kung puputulin nila ang lubid na nakatali kay shannen ay mahuhulog ang itak sa ulo nito,

"shannen huwag kang gagalaw.." mahinang sambit ni jungkook at unti unting lumapit kay shannen

iyak naman ng iyak si shannen di makapagpigil sa takot

"jungkook, tulungan na kita.." sambit ni joon at lumapit kay jungkook upang tulungan siyang tanggalin ang mga pisi kay shannen

pero..


hindi nila ito nagawa ng tama, mabigat ang itak at bilis itong nahulog sa ulo ni shannen, bigla itong nawalan ng malay habang nasa ulo parin nya ang malaki at mabigat na itak, duguan itong nakagapos parin sa upuan. wala silang ibang magawa kundi tingnan ang kanilang kaibigang duguan at wala nang malay


joon, hope, jim, jin, jungkook, sam, menze, aly, marge, at delyn. ang mga natitira sa bahay.

di napigilan nila menze ang umiyak. nilapitan nila ang kanilang kaibigan at yinakap ito kahit duguan ang kanyang katawan. lumapit naman sina joon at cinomfort sina menze

bigla naman silang nakarinig ng malakas na tawa sa likuran kaya't napalingon sila

"dapat lang sainyo yan!" sigaw niya

"anong ibig mong sabihin?" tanong ni sam

"i-ikaw?! ikaw ang may gawa nito?!!!" sigaw ni menze

"unbelievable" sambit ni aly


inilabas nya ang isa pa niyang malaking itak at iniharap itp sakanila upang saktan sila at ngumiti ng napakalaki


"surprise!"


Remember Me Too [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon