Chapter 3

147 8 19
                                    

--

"Ayoko maligooo" sambit ni delyn.

"Ano ka ba! Wala na yun siguro may nangtrip lang saatin kagabi at isinulat yun sa salamin" sagot naman ni marge

"Nangtrip? Eh bat nya alam si ck?! Tayo lang naman may alam nun diba" dagdag pa ni alysson

"Kagabi...." Mahinang sambit ni shannen na para bang wala sa sarili

"Shannen okay ka lang?" Tanong ni menze

Nagsimula nang umiyak si shannen. "Kagabi... Nagpakita sakin si charoline at si faith. D ko muna sinabi kasi baka guni guni ko lang yun. Pero yung sa cr? Yung nakita ko ang sinulat ng ck na yan iba na eh. Baka nga binabalikan na niya tayo" sagot ni shannen

"It's been 3 years! Tapos babalikan nya tayo? Wala naman tayong ginagawa! Di naman natin sila ginagalaw. Nananahimkk na nga tayo" sambit ni delyn

"Basta ayoko maligo" dagdag pa nya

"Ako rin ayaw kong maligo! Ang lamig may bagyo ata" sambit naman ni alysson

Nagtinginan naman silang lahat sa bintana at hindi nga maganda ang panahon.

"Labas muna ako ha" sambit ni menze at lumabas ng kwarto

Naglakad si menze patungong sala at nagulat sya nang may nakahawak sa balikat nya. "Aaahh!" Sigaw nito at lumingon pero si sam lang pala yun

"Napaka gulatin mo naman" sambit ni sam

"A-ah sorry" sagot ni menze na medyo nahihiya kasi nga may tinatago syang pagnanasa kay sam

"Ngayon kayo uuwi diba?" Tanong ni sam at umupo silang dalawa sa sofa

"Oo, pero mukhang masama ang panahon eh" sagot ni menze

"Oo nga, dito nalang muna kayo. Kahit medyo luma na to, malaki naman. Kasya tayong lahat saka sa great grand lola naman ni jungkook tong bahay na to" sambit ni sam

"Oh talaga? Ang yaman talaga nila kookie" sagot ni menze

"Sinabi mo pa" sam

"Aahh- sam pwede mag tanong?"

"Oo naman"

"Bakit sa lahat ng mga estudyante sa Fatima University eh kami ang napili nyong special guest?" Tanong ni menze

"Alam mo, mismo ako di ko rin alam haha" sagot ni sam

"Huh? Paanong di mo alam?"

"Si kookie kasi nag suggest. Matagal na naming pinlanuhan ang halloween party na ito and it turned out to be great. I had so much fun kagabi. Pero yung iimbita kayo dito? Si kookie may pakana nun. Ewan ko nga ba. Baka gusto nya parin si shannen after all these years. Saka napapansin na nga namin nga ang weird masyado umasta ni kookie sa mga panahong ito. Minsan nga nahuhuli namin syang mag isang nagsasalita. Pero baka part of puberty lang yun" pagpapaliwanag ni sam

"Ah-ah.. Haha grabe namang puberty yan"

"Hahaha pero hinahayaan lang namin yan si kookie, baka kasi--"

"Are you guys talking about me?" Rinig ni menze at sam sa likod kaya't napalingon sila at oo si jungkook nga

"Ah jungkook, nagtanong lang naman siya kung bakit daw sila ang napili mong special guest sa party" sagot ni sam

"Bakit ayaw nyo ba?" Sambit ni kookie

"A-ah di naman sa ganun, na curious lang" sagot ni menze at umalis naman si kookie na wala man lang ekspresyon sa mukha

"Ah sge sam balik na ako sa kwarto ha"

Iba na ang naging kutob ni menze. Di nya alam pero pakiramdam nya ay may masamang mangyayari sa kanila.

Pumasok si menze sa kwarto. "Mag impake na kayo uuwi na tayo." Sambit nya

"Eh ate menz ang sama pa ng panahon oh. Ang lakas ng ulan tas ang lakas pa ng hangin" sambit ni alysson

"Wala akong pake. Delyn tawagan mo na yung driver ng van na nirentahan natin uuwi na tayo"

"Eh yun na nga ate menze eh tinawagan ko kanina kung kailan sya babalik eh di daw sila pinayagan ng agency na bumiyahe"

"Shit!" Sigaw ni menze

"May problema ba ate menze?" Tanong ni shannen

"Problema?! Itong lahat problema to! Masama ang kutob ko. Pakiramdam ko mangyayari ulit saatin ang mga nangyari saatin noon"

"Andyan naman ang grupo nina joon ah safe naman siguro tayo dito" sambit ni marge

"Yun na nga eh! Wala akong tiwala sakanila! Lalo na kay-- basta wala akong tiwala sakanila" sagot ni menze

"Lalo na kay?" Tanong ni delyn

"Jungkook" sagot ni menze

"Bakit naman? Kilala nyo naman si jungkook diba. Nagkakami noon and mabait sya" sambit ni shannen

"Yun na nga eh. These days, ang weird nya. Like super weird. Sina sam na mismo nagsabi. Minsan nga nagsasalita sya ng mag isa. At baka nakakalimutan nyong may gusto si jungkook kay faith. Malay nyo nagkasila pala talaga" sambit ni menze

"Stop that." Mahinang sambit ni shannen na halatang nasaktan.

Nagka awkward silence sa loob ng kwarto at bigla namang may kumatok sa pinto

"Pasok" sambit ni alysson

Bigla namang bumukas ang pinto at lumabas ang isang babae

"Kate?" Sambit ni alysson nang makita nya si kate

"Hi shannen, hi sainyo pwede ko ba kayong makausap?"

"Kate? sino ka? Shannen bat mo sya kilala?" Tanong ni delyn

"Nagkita kami sa cr last night"

"Ah, upo ka" sambit ni marge at pinaupo si kate

"Ako nga pala si kate, nakababatang kapatid ni jin" sambit ni kate

"Ahh. Ano nga pala ang gusto mong pag usapan?" Tanong ni menze

"Alam ko lahat. Yung mga nangyari sainyo noon. Not because narinig ko ang issue na yan sa school, but because I saw exactly what happened the night Faith died" sambit nya

Gulat naman silang lahat sa sinabi ni kate

"A-andun ka?" Tanong ni alysson

"Oo. Pero umalis din ako bigla dahil ayokong madamay." Sagot ni kate

"So anong gusto mong sabihin?" Tanong ni delyn

"Alam kong hindi madali ang mga nangyari sa inyo noon. At ayokong mangyari ulit sainyo yun, umalis na kayo dito bago nya kayo maunahan" sambit ni kate at tumayo at akmang lalabas na sana

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni shannen

"Di lang sainyo nagpaparamdam ang ck na yan." Sambit nya at inangat ang sleeves ng kanyang sweater para mkita ng kanyang kamay.

Marami syang sugat at ang isa doon ay para bang nasunog at may nakalagay na CK

"Oh my god kate anong nangyari dyan?!" Tanong ni alysson

"Nagising nalang ako sa sakit. Pagtingin ko ganito na yung kamay ko at nakita ko sya sa pinto nakatayo"

"S-sinong sya?" Tanong ni delyn

"Umalis na kayo dito bago sya mas maging biolente" huling sabi ni kate at umalis sa kwarto nila.

Bigla namang dumilim ang paligid. Tanghali palang pero sobrang dilim dahil nga sa bagyo. Napatay lahat ng ilaw at nagsigawan sila

Ilang segundo lang ay bumalik na ang ilaw

"G-guys.. A-asan si alysson?"

---

Salamat sa cover perry!!! Hahahahahahahahaha

Remember Me Too [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon