Hello, Goodbye and Everything in Between

1.9K 43 3
                                    

Nagpunta kami ni Gerald sa isang amusement park.

Madami palang magandang gawin dito. Puro kami tawa.. At nabasa pa kami sa isang ride, buti nalang dala nya yung sasakyan nya na pinundar nya ng ilang taon. First time kong makasakay dahil ngayon lang kami namasyal nang walang iniisip na oras o araw ng pag-alis nya.

"Jeje?!"
-may isang babae na lumapit sa amin. Maganda. Balingkinitan. Mahaba ang buhok at may magandang mga mata. Hahaha! Hindi ako nagseselos. Nagagandahan lang ako sa kanya.

"Ikaw na ba yan Jeje? Oh my gosh! It's been a long time! Kamusta ka na?"

"Ah, ok naman ako. Kakauwi ko lang. Nag- abroad ako.. Mga 5 years din siguro yun. Ikaw? Kamusta ka na? Tagal nadin ha. Sina Tito at Tita? Di na ba sila masyadong inaatake? Alagaan mo yun kundi lagot ka saken!"

"Ikaw kasi. Wala na tuloy silang tagasugod sa ospital, at tagaalaga na palaging may baong corny jokes."

"Hala. Hindi kaya corny yon. Tawa nga sila ng tawa eh."

"Hoy Corny kaya yon! Di mo nga ko napapatawa eh."

"Ang sabihin mo, pinipigilan mo lang! Hahaha"

-hmm. Ehem. Fiancé here. Ang sweet nyo ha. May pahampas-hampas pa sya sa braso ni Gerald. Tss

"Ay oo nga pala, si Jena, girlfriend ko."

"Jena, si Jamela. Kababata ko."

-Tapos nagshake hands kami.

"Jamie nalang. Anyway, I'll go ahead. Kasama ko kasi si Rouge. Pinapasyal ko sya."

"Talaga? Nandyan si Rouge?"

"Yup. And they miss you. Balitaan mo nalang ako ah. Here's my calling card. Bye!"

"Bye! Regards mo nalang ako sa kanila!"

Tapos umalis na ang bruha. Nasira ang araw ko. Kainis.

"Oh? Bakit nakasimangot ka?"
-tanong ni Gerald

"Ay oo. girlfriend mo nga pala ako. Tapos iniwan mo pa ako dun na nakatunganga habang may kausap ka."

"Girlfriend ba yung nasabi ko? Sorry."

"Ano mo ba yun? Sino ba sya?"

"Kababata ko. Diba sinabi ko naman sayo?"

"Wala kang nakukwento na may maganda ka palang kababata. Tsaka hindi ako naniniwala na kababata mo lang sya."

"Yan ka nanaman Jen, nagseselos ka pero ayaw mong aminin."

"Eh paanong hindi? Kung makatingin ka sa kanya, akala mo manghang mangha na ewan."

"See? Nagseselos ka. Di mo'ko pinagkakatiwalaan. Okay. Para matapos na, ex ko sya."

"Eh paano ka pagkakatiwalaan kung yun lang hindi mo pa Masabi. Alam mo lahat ng tungkol kay Julius, pero ikaw.. Di ka man lang nagkwento na nag eexist pa pala yang ex mo."

"Eh wala naman na'kong balita simula nung nagpunta sila ng Sydney. Walang kahit ano. Tsaka matagal na yun. Ang importante.. Yung ngayon."

"Yung ngayon, na bumabalik sya para ano? Para saan? Nagbigay pa ng contact. Osige makipagkita ka. We can just pull this wedding off para maituloy nyo yung naudlot nyong love story."

"Jenna naman. Wag naman nating gawing big deal yung biglaan naming pagkikita. Mag-enjoy nalang tayo. Please."

"Ayoko. Sumama pakiramdam ko. Umuwi nalang tayo."

-wala na 'kong narinig sa kanya. Pinagbuksan nya ko ng pinto ng sasakyan. Nabadtrip din yata. Pero wala akong pakialam. Nagmukha akong tanga kanina, habang sila patawa-tawa pa. Gusto ko nalang muna magpahinga. Nakakapagod 'tong araw na'to.
Ang daming tumatakbo sa isip ko. Mahirap sigurong makipagkumpitensya sa una.
Pano kung di pa pala sila tapos. O kaya balikan sya nun. Hindi malabong iwan nya'ko para sa mas maganda, mukha namang mabait, sexy at mayaman.

Hayy. Ayoko na nga muna mag-isip. Over thinking nanaman ako.

WALANG FOREVERWhere stories live. Discover now