Tying the knot

454 8 0
                                    


Nakakapagod.

Nakakatawang isipin na pati yung paghinga mo, nakakapagod na din.

Medyo nawalan kami ng maayos na komunikasyon ni Gerald, mga ilang araw din,

kaya ang ginawa ko, pinutol ko na muna ang komunikasyon naming dalawa. Sinunod ko ang payo ni Mamang. Nag-expect kasi ako na gagawa siya ng paraan.

Pero lumipas ang mga araw na walang nangyari. Kasabay non ang hindi ko pagkain sa tamang oras. Napapabayaan ko na ang sarili ko.

Alam kong dumaan na'ko sa ganito, pero hindi ko alam na masasanay ang katawan ko. Kapag nasanay ka pala sa sakit, magiging manhid ka. Sanayan lang pala.

Para akong ibon na walang mga pakpak. Parang isang manlalakbay na hindi alam kung saan patutungo. Ang hirap naman bumangon... kanina pa'ko gising pero hindi ako makatayo. Wala din akong alam na pwedeng paglibangan kaya nag-open ako ng account ko.


Oo, facebook. Blocked naman siya kaya okay lang. Gusto ko siyang kausapin pero sabi ng isip ko, huwag muna. Pero hindi ko talaga matiis kaya nanghiram ako ng Ipad kay Jeric.

"Pahiram muna ako ha." *hawak ang Ipad*

"Sige, balik mo agad. Wag mo pakialaman yung account ko, baka i-hack mo ha."

"Hindi, ichecheck ko lang email ko. Naghahang yung phone ko eh."

"Sige, sige. Basta balik mo agad."

Pag open ko.. tae, may pass code.

"Hoy! Ano yung passcode nito?"

"Tanga si Jen, kapital yung TSJ ha, tapos walang spaces"

"Ano ba, seryoso nga kasi! Kailangan ko na."

"Seryoso naman ah! Subukan mo kasi"

Nabwisit ako, pero sinubukan ko rin.. and after kong i-encode. Nagbukas. -_- . Bwisit talaga 'tong kapatid ko.

"Oh? See? Ganyan kita kamahal. ATE." - Jeric

Pagkabukas na pagkabukas ko, diretso ako sa timeline ni Gerald.

And what I saw was really heart breaking.

"HOY JEN! YUNG IPAD KO MALALAGLAG!"

Ah. Oo nga, may hawak pala ako. Yung puso ko kasi.. nabitawan ko na. Nalaglag. Nabasag.

Hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko.

Please. Gisingin nyo ako.

-----

"JEN! TOTOO BAAAAA?!" - Si Timothy.. Tumakbo papalapit sa akin.

"Hindi ko alam Ty. Pagod na'kong umintindi ng mga bagay-bagay."

Niyakap ako ni Timothy. Tapos nagulat ako kasi biglang nagmura si Jeric.

"Eh tarantado pala yang boyfriend mo eh! Akala ko ba engaged na kayo? E bakit ganun? Kasal na pala sa iba. Tang*nang yan."

Hindi ko na alam ang sunod na nangyari.

WALANG FOREVERWhere stories live. Discover now