Hanggang tingin nalang.

8.3K 140 24
                                    

Natapos ang araw na parang walang bagong nangyari. Dalawang Subject, walang prof.

Parang nagsayang lang ako ng pamasahe. Isa lang naman akong simpleng estudyante.. ewan ko ba? Simula nung naghiwalay kami ni Julius, nawalan na rin ako ng gana mamasyal at manuod ng sine..

Hindi ko na nga alam kung mukha pa ba kong tao, nawalan na ko ng pakealam sa itsura ko.. o sa mga iisipin ng ibang tao.

Kung tutuusin dapat nakamove on na ko.. kasi mag-iisang taon narin kaming hiwalay.

Ni hindi nga nauso ang three month rule sa ungas na yun eh! Kaso wala eh. Tanga tong puso ko. Pati utak ko nagiging tanga na rin sa kakaisip kung saan ba ko nagkulang. Sana kasi nakinig ako kay Mamang. Pinagtanggol ko pa sya sa Parents ko.. Tapos mang iiwan lang pala sya sa ere.

"You don't deserve me. You deserve someone better."

Sus! Kalokohan. Kabisadong kabisado ko na yang mga linyang yan.

Pa- deserve deserve pang nalalaman. Pwede namang sabihin na "Hindi na 'ko masaya, kaya iiwan na kita."

Ang hirap na magtiwala. Ang hirap na sumugal. Mag-iinvest ka ng feelings na mapupunta lang sa wala. Ganun ba talaga yun? Ganun na lang?

Grabe yung hugot ko ah. Sayang kasi pamasahe -_-

Hayy.. Lumbay. Ayoko na nga magreminisce, napapa-Emote ako ng di oras ehhhh.

Kakain na lang ako ng Ice Cream.

Pupunta na sana akong Grocery kaso nakita ko si Jimbo. Yung ultimate childhood crush ko. Schoolmate ko din sya at matagal-tagal na rin akong nagpapa-cute sa isnaberong to. Since Grade 4 siguro.. eh ang kaso, mukhang malabo dahil wala ako sa radar nya. Tuwing nakikita ko sya feeling ko tumutulo yung laway ko. Hindi ko alam kung bakit pero nakakaSTUN talaga yung kagwapuhan nya.

Akala ko forever hanggang tingin na lang ako sa kanya..

"Hi Jen!"

Wala nga palang Forever ^_^

OHHEHHM!!! Hahaha.

"Uy! Jimbo, kaw pala yan! :D gawa mo dito? ^_^"

-kunwari ngayon lang nakita, para di halata. Tapos kunwari pinagtagpo ng tadhana. Pabebe kainis xD

"Ah, naghahanap ako ng Aluminum Foil.. wala na daw e, may alam ka pa bang bilihan?"

"Sa Mercato! Gusto mo samahan kita?"

"Ay. Kasama ko kasi Girlfriend ko ee, sya yung may kailangan nun. ^_^ Ok lang ba?"

What !!!!!! MAY GIRLFRIEND !!!???? Sakit.

"Ah. Haha. Haha. Ok lang. Kaso gabi na eh. Baka sarado na yun. Tsaka hindi ko rin sure kung meron. Nakakahiya naman. ^_^"

"Ah ganun ba.."

"Oo eh. Sige mauna na ko ha, may curfew kasi sa bahay eh. Bye!"

"Sige. Ingat ka."

Hindi ko na sya nilingon. Waaahh T_T sira destiny ko. Para akong naseen zone ng paulit-ulit. -________-

WALANG FOREVERWhere stories live. Discover now