Online

13.1K 161 41
                                    

At dahil wala kaming imikan ni ermat.. maaga akong natapos maglaba.

Naalala kong may report pa pala ako. Nakakainis diba? Kung kelan lunes na bukas, saka ko naalala yung mga gagawin ko.

Bago ako magsearch ng report.. matic na yan, log in muna ng account.

At sino ba namang matutuwa sa newsfeed na puro "Walang Forever" ang laman?

Sus.mga OA. Halata namang nakikiuso lang.

"Ang sembreak namin ay parang forever. Wala kaming sembreak."

Tss.. kala mo naman merong may pake. Ang bibitter. Hahahaha!

.

"Ngayon ko lang napatunayan na may forever." -Pila ng McDo sa Triumph.

Tapos ang babaw pa ng definition nila sa salitang forever. Sampal ko kaya tong tablet ko sayo -_-..

Nakakahighblood. May nagpost pa na "Walang Forever" ang caption sa picture nyang labas ang kaluluwa kahit tapos na ang undas. Nakakaawa lang.

Hahahaha. Naglaro na lang ako ng Battle Camp. Tapos ang username ng kalaban ko ay "AimeeForever". Walang jo. Ayaw ako tantanan ng salitang to ah.

Bakit nga ba galit na galit ako sa Forever?

Di naman talaga ako galit eh. Hindi ako galit sa forever. Galit ako sa tao na pinaniwala ako na may forever.

"Gina Ros. Bumili ka nga muna ng mantika' nanak."

- ang lola ko na Gina Ros ng Gina Ros. Eh ang pangalan ko naman ay Jenna Rose -_-

"Opo mamang"

Pumunta ako sa tindahan ni Aling Winonski. Napansin ko na may bago kaming kapit bahay.. impernes mayaman may Van sila.

"Jen! 5v5!" Tinawag ako ni Joward, solid tanghaling tapat, DOTA.

"Pass muna ako. Magagalit si mamang."

"Paalam ka na. Minsan lang oh."

"Di nga pwede madami din akong gagawin eh. Bawi na lang ako sa sabado."

"Lah. Erfvhjgdszdgtewuopkhtryhqeaafvbnkiugelxs Niko."

-di ko na naintindihan yung sinabi nya. Ang narinig kong huli ay Niko.Niko ba yun o Biko.. haha. Gutom na ko. Dalhin ko na nga tong mantika kay mamang.

Pag-uwi ko, kakauwi lang ng bakulaw kong kapatid.

"Jen! Nasan si mama?"

"Si mama? Nasa lugar na wala ka."

"Tss. Epal. Mang!!! Nasan po si mama?"

"Hindi ko alam bunsoy. Bakit nga pala ngayon ka lang?"

"..........."

Mukhang malalatayan nanaman tong si Jeric ah.

Haha. Best Day Ever <3

WALANG FOREVERWhere stories live. Discover now