Love is a relative term

2.7K 62 24
                                    


Hindi kami nag-usap for three days. Napurnada yung plano naming celebration with my family and his.

Hindi man lang nag-effort na tanungin kung ok lang ako. Ano bang trip non?

Nag-adjust naman ako nung sinabi nyang dadalaw sya sa bahay nung Jamela. Hinahanap daw kasi sya nung parents. Okaaaaay! Naiintindihan ko. Tapos ano? Tumatawag ako pero pinatayan nya 'ko ng phone. Ganun ba kaimportante sa kanya yung babaeng yun?
Nakakainis talaga.

Nandito sya kanina, hinahanap ako. Ang sabi ko nalang kay Mamang, sabihin tulog ako.

Tapos nung bumalik si Mamang sa kwarto, ang sabi nya umalis na daw.

Like..wtf. Ano yun?
Seriously!? Ganun lang yun?

Tinanong ako ni Mamang. "Jenna, ano bang nangyayari sa inyo? Ilang araw ka nang ganyan. Sabi ni Rosette, nag-sick leave ka daw. May sakit ka ba talaga? O masakit lang yan?" sabay turo sa dibdib ko.

"Ewan ko ba mang. Bakit ganun ang mga lalake? Mahal lang tayo kapag okay ang lahat. Kapag walang problema. Kapag pakiramdam nila, secured na sila. Pero kapag may naging problema, kapag nasaktan ka na, kapag kailangan mo ng oras para ayusin yung mga bagay na nagulo, hahayaan ka nalang. Minsan nga, iiwan ka pa. Para bang ayaw nilang madamay sa nangyayari sayo? Samatalang sila naman yung dahilan kung bakit tayo nagkakaganito."

"Nanak, hindi madali ang magmahal. Kakailangan mo ng puso na handang umunawa at isip na handang umintindi. Kung hindi mo kayang pagkatiwalaan yung mga pangakong binitawan nya, yung mga katagang "mahal kita" na binitawan nya, subukan mong pagkatiwalaan yung nararamdaman mo. Pilitin mong tanggapin lahat ng binibigay nya kahit hindi mo maintindihan kung bakit at para saan. Hindi masamang sumubok. Pero hindi rim masamang sumuko. Kapag hindi mo na kaya, subukan mo munang bitawan. Para gumaan, para maramdaman mo kung kaya mo bang walang hawak o mas kakayanin mo kung hawak mo."

"Mamang, hindi ko kaya."

"Nasubukan mo na ba?"

"Kung susubukan ko, baka lalong gumulo. Baka lalong lumayo ang puso naming dalawa sa isa't-isa."

"Paano mo malalaman kung di mo susubukan?"

"Mamang, natatakot ako. Ayokong mawala pa sya ulit. Pagod na'ko. Ayoko nang mag-invest ulit ng napakaraming bagay para mauwi lang sa wala."

"Yan ang problema sa'tin. Takot tayo. Eh pano yan? Tayo lang ang takot. Habang sila, nagagawa nila yung gusto nila. Tayo lang naman kasi yung takot mawalan eh. Tayo lang yung takot maiwan. Nanak, gusto kong maintindihan mo na walang bagay na permanente. Lahat nagbabago. Ang dapat mo lang pagkatiwalaan ay yung mga bagay na sigurado. Sigurado ka bang mahal mo sya? Sigurado ka bang mahal ka din nya? Sigurado ka bang sya na yung gusto mong makasama?"

"Kahit gaano naman ako kasigurado, alam kong marami paring magbabago. Paano kung magbago ang isip nya? Paano kung magising nalang sya isang araw, hindi nya na pala ako mahal? Mang, ayoko."

"Jenna, wala tayong magagawa kundi tanggapin. Kung hindi na kayang masalba, mas mabuti pang bitawan nalang. Mas mabigat kapag ikaw nalang yung may hawak. Mas mahirap kapag ikaw nalang yung kumakapit."

Tapos.. Di ko napigilan ang sarili ko. Napahagulgol ako ng iyak habang yakap yakap si Mamang.
Hindi ko pala kayang mag-isa.
Hindi ko kayang maiwan. Akala ko sanay na'ko sa ganitong pakiramdam... Pero masakit parin pala. Masakit kasi akala mo sigurado ka na. Yun pala sya yung hindi sigurado.

WALANG FOREVERWhere stories live. Discover now