Chapter 9❤️ Can't Resist

19 3 2
                                    



Pag dating ko sa bar ay ipinarada ko ang sasakyan sa gilid at pag katapos ay agad din akong bumaba.
Maraming tao sa loob pag pasok ko. May mga nag me-make out pa sa gilid.

Nakita ko si Wacky na kumakanta sa stage. Napatingin siya sa'kin at itinaas niya ang kamay niya. Tumango lang ako. Inilibot ko ang paningin at agad ko namang nakita ang mokong.

Nakasandal ito sa sofa sa bandang sulok. Bakit ganun ang itsura niya, para siyang pinag sakloban ng langit at lupa.
Habang papalapit ako sa kanya ay naka tingin siya sa akin. Lasing na nga talaga siya.

"Zach..." Mahinang tawag ko sa kanya.

"Celine." Tatayo sana siya ng bigla nalang siyang nahulog sa sofa pero naging maagap ako at nasalo ko siya. Isinandal ko siya ulit sa sofa ngunit napa kunot noo ako ng makitang basa ng luha  ang mga mata nito.

"Zach. Zach." Tinapik tapik ko siya ng mahina sa pisngi pero walang epekto. Naku naman naka tulog na ata siya.

Tinawag ko ang bouncer at nag patulong ako na buhatin siya pasakay sa kotse ko. Inakay niya si Zach papunta sa sasakyan at isinakay sa front seat.

"Thank you po kuya."

"Walang anuman po ma'am."
Sumakay din agad ako sa drivers seat. Tumingin ako kay Zach na tulog na tulog na ngayon. Lumapit ako sa kanya at kinabit ang seat belt niya. Pag katapos ay isinuot ko na rin ang akin tsaka binuhay ang makina.







Mabilis kaming naka dating sa bahay niya. Lumabas muna ako para humingi ng tulong kila manang Hilda.

"Naku iha ano ba ang nangyari kay Kurt?" Nag aalalang tanong ni manang ng makita niya 'to pag bukas ko ng pinto ng sasakyan.

"Tinawagan lang po ako ni Wacky. Hindi ko rin po alam kung bakit siya uminom. Hindi naman po pala niya kaya, nag pakalasing pa."

"Ay ma'am Celine, ganyan din po si sir Zach noon nung nawala po kayo." Napatingin ako kay Mara.

"Mara, ang bibig mo talaga." Saway ni manang dito.

"Paki tulungan nalang po ako sa pag akyat sa kanya sa kwarto." Pag iiba ko ng usapan.
Tinulungan nila akong akayin si Zach papasok sa loob. Inakbay ko ang isang kamay niya sa balikat ko at hinawakan ko siya sa bewang. Naka alalay naman si Mia sa kabilang braso nito.

Si Mara naman ang nag sara ng sasakyan ko habang si manang ay pumunta ng kusina para gumawa daw ng kape.

Pag dating namin sa kwarto ay agad namin siyang inihiga sa kama.
"Thank you Mia. Okay na ako. Ako na lang ang bahala sa kanya." Tumango siya at lumabas. Dumating naman si manang Hilda dala ang kape.

"Iha, ito ipainom mo sa kanya para mahimasmasan siya. Sige doon muna ako sa ibaba at tatapusin ko pa yung ginagawa ko." Isinara niya ang pintuan pag labas niya.

Tinanggal ko ang sapatos na suot ni Zach at inayos siya sa pag kakahiga. Grabe ang bigat niya. Nakaka pagod. Hinubad ko din ang suot niyang coat at neck tie para hindi siya mahirapan. Tatayo na sana ako ng bigla niya akong pigilan sa braso.

Napalunok ako pag tingin ko sa kanya.
"Sweetie..." He said in hoarse voice.
He sat up and cupped my face. Bumilis  ang tibok ng puso ko. Unti- unti niyang nilalapit ang mukha niya sa akin na siya namang pag layo ko.

"I really miss you baby." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Bigla niyang kinabig ang ulo ko at  hinalikan ako.

Pinilit niyang buksan ang bibig ko and when he did, he bit my tongue and sucked all the air in it.

She's Gone(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon