Chapter 5❤️Suffocated

9 3 0
                                    


Papunta ako ngayon sa office ni Zach para dalhan siya ng lunch. Hindi niya alam na pupunta ako. Simula kase nang umalis siya sa bahay nung gabi na yun. Di ko na kami naka pag-usap pa ulit.

Pag bukas ng elevator ay agad akong pumunta sa desk ng secretary niya.

"Good morning Amber. Andiyan ba si Zach?" Naka ngiting tanong ko.

" Yes ma'am Celine. Pero may ginagawa po kase si sir ngayon."

"Sandali lang naman ako. Ibibigay ko lang ito." Sabay angat ko dun sa pag kain na dala ko.
Ngumiti siya at tumango.

"Sige pasok nalang po kayo ma'am." Sanay na kase sila sa akin na lagi kong dinadalhan ng pag kain ang asawa ko. Madalas kase sabay  kami kumain. Noong okay pa ang lahat.

Kumatok ako sa pinto at nang marinig ko siya mag salita ay pumasok na ako.
May mga papeles siyang binabasa at nang tumingin siya sa akin ay mukha siyang nagulat.

"Hi. I brought you something." Naka ngiting sabi ko sa kanya. Tinapunan niya ng tingin ang dala ko at nang makita kung ano ito ay agad niyang binalik ang atensyon sa kaninang binabasa niya.

"I'm not hungry. What are you doing here?" Sabi niya ng di man lang tumitingin sakin.

I cleared my throat before I spoke . "I just came here to check if you're okay. Di mo kase sinasagot yung mga tawag ko at nag alala ako sayo."

"I'm fine you don't have to worry and I have a lot of things to do."
Di pa rin siya tumitingin sakin.

Pinatong ko sa lamesa yung topper ware na may laman na pagkain  na dala ko at naupo sa sofa.
"Zach kumain ka muna. Wag mo pabayaan ang sarili mo kas-"
Di ko na tapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang sumigaw na ikinagulat ko.

"I said I'm not hungry Celine. Don't you get it?"  Bigla siyang tumayo at lumapit sakin. Hinawakan niya ako sa braso at kinuha din niya yung pag kain na pinatong ko sa lamesa. Hinatak niya ako papunta sa pinto pero tinanggal ko ang kamay niya mula sa pag kakapit sa braso ko.

"Teka lang Zach gusto ko lang naman ay mag-usap tayo. Ayusin natin to."  Naluluha ko nang sabi sa kanya.

"Tell me Celine. Which part of what i have told you that you didn't understand huh?" Galit na tanong niya.

"I love you Zach and i can't afford to lose you."  Ngayon ay nag uumpisa nang tumulo ang luha ko.

Mariin niyang pinikit ang mga mata niya at huminga ng malalim.

"Celine, lets face the truth. We cannot fix the things between us anymore. Just sign the annulment papers and we can be free from all of this."

Alam kong pagod na siya. Sumuko na. Pero  sa kabila ng lahat ng iyon papatunayan ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal at di ako basta-basta susuko! Hanggang bumalik ulit siya sa akin.

Umuling ako at pinunasan ko ang luha ko. "Hindi Zach. Kung sa tingin mo na ganun ako kadali sumuko. Nag kakamali ka. Di kita bibitawan. Mahal kita Zach at alam kong mahal mo pa rin ako. Nakikita ko sa mga mata mo."

She's Gone(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon