Chapter 7❤️Homecoming

15 3 0
                                    




Celine POV

Tumigil ang taxi sa tapat ng bahay namin. "Manong, sandali lang po ha." Tumango ang driver bilang sagot at pagkatapos ay bumaba na ako. Mabilis akong nag doorbell at binuksan naman 'yun ni kuya Jun, guard namin.

"Ma'am Celine! Naku, welcome back po. "

"Salamat kuya pero mamaya nalang po tayo mag usap." Tumakbo na ako papasok sa loob ng bahay namin ng nakasalubong ko naman si Anna.

"Ma'am Cel-"

"Anna, sila Dad?" Putol ko sa sasabihin sana niya.

"Nasa kusina po si Ma'am Mildred at ang daddy niyo naman po ay nasa library."

"Ate... You're back." Napatingin ako kay Dylan na tumatakbong pababa ng hagdan. Niyakap niya ako ng makalapit siya sakin.

"Ang laki mo na at ang gwapo mo pa." Ginulo ko ang buhok niya at tumawa.

"I miss you so much ate." Niyakap niya ulit ako ng mas mahigpit this time.
Kumalas agad ako sa kanya ng maalala sila mom.

"Wait. I need to talk to mom and dad."

"Mom is in the kitchen and dad is upstairs." Nag lakad na ako papunta sa kusina ng lumingon ulit ako sa kanya at tawagin siya.

"Dylan. Before I forgot, can you please pay the taxi driver outside. Thanks." Tumango siya tsaka lumabas na. Pumunta na ako sa kusina at nakita si mom na  naka talikod habang nag bebake ng cake.

"Mom..." Lumingon siya sakin at bakas sa mukha niya ang pag kagulat. Natakip niya sa bibig ang mga kamay niya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Celine. I miss you iha." She hugged me back and kiss me in my cheeks. Lumayo ako ng bahagya para makita ang mukha niya.

"Pumunta kami sa airport para sunduin ka pero wala ka na dun ng dumating kami dahil-"

"Dahil pinasundo ka na pala ng magaling na Ledezma na 'yun." Sabay kaming napatingin ni mom kay dad. Lumapit siya at hinalikan ako sa noo.

"Jaime. " saway ni mom kay dad.

"I'm just saying the truth. Inunahan niya tayo mag sundo sa anak mo dahil umaasa siya na maaayos pa niya ang mga maling nagawa niya."

"Dad that's enough. Ayoko po muna pag usapan 'yan."

"Kumain na lang muna tayo. Gumawa ako ng cake." Inakay ako ni mom sa dining at pinaupo ako dun. Sumunod din si dad at naupo sa dulo ng lamesa. Nilabas naman ni mom ang cake na ginawa niya habang nag lagay naman ng plato si Anna sa lamesa.

"Ate, nabayaran ko na yung taxi. Pero na saan yung mga gamit mo?" Saad ng kapatid ko pag dating. Lumipat naman ang tingin sakin ni dad na nag hihintay din sa sagot ko.

"A-ano... naiwan ko sa bahay ni Zach."

"Ipapakuha ko nalang mamaya yung mga gamit mo." Tumango nalang ako bilang tugon. Ayoko na rin naman na bumalik pa dun at makita si Zach.








***

Andito na  ako ngayon sa Quick Pix Studio, shop namin ni Raffy dito sa Pilipinas. Busy ako sa pag wawalis ng tumunog ang bell sa may pinto na ibig sabihin ay may tao. Nag angat ako ng tingin at nagulat ako ng makita kung sino.

She's Gone(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon