Chapter 11 ❤️Damage

9 2 1
                                    

A/N:

Guys, this is a flashback okay, so don't confuse. Ito yung nangyari after nung flashback sa chapter 5. Alam ko naman know niyo na pero inexplained ko pa rin hahaha...

Happy reading!

~Shystrego
-----------------------------------------










Celine POV

"Celine, iha, buksan mo ang pinto. Nag aalala kami ng daddy mo."

"Princess, open the door please, anak.Kung kailangan mo ng kausap andito kami ng mommy mo."

Patuloy sa pag katok sa pintuan ng kwarto ko sila mom at dad. Sumandal ako sa kama ko at niyakap ang dalawang tuhod ko. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon parang sinasaksak ang puso ko sa sobrang sakit. Pag naaalala ko ang nangyare kanina.

"I miss you daddy."

"I miss you daddy."

"I miss you daddy."

Parang cd na paulit ulit piniplay sa tenga ko ang sinabi ng batang babae na 'yun kay Zach kanina. Shit! Ang kapal ng mukha niya. Paano niya nagawa sakin 'to. Hindi pa ba ako sapat para lokohin niya ako ng ganito.
May anak siya sa ibang babae at hindi man lang niya sinabi sakin. Ginawa niya akong tanga. Sobrang sakit lang.

Pinagkatiwala ko sa kanya ng buo ang puso ko pero winasak niya lang. Ngayong bumalik na si Leslie sa buhay niya kaya ba itatapon na lang niya ako na parang basura?

"I.Don't.Love.You.Anymore. So get out of my way and get out of my life!"

Napahawak ako sa dibdib sa sakit. Hindi na niya ako mahal. He suddenly fell out loved with me. He suddenly changed.

Tumunog ang cellphone ko nang makita ko kung sino ay ibinato ko 'yun sa pader.

"Celine. Anak ano 'yun? Buksan mo na ang pinto please." Sigaw ni mommy sa labas habang patuloy sa pag katok.

"Anna, 'yung susi dalhin mo dito. Bilisin mo." Saad naman ni dad.

Pumunta ako sa cr at nilock ko ang pinto. Binuksan ko ang shower ng malakas at naupo sa sahig. Wala na akong naririnig maliban sa pag hikbi ko at pag tulo ng tubig. Halos wala na akong maramdaman sa sobrang sakit dito sa puso ko. Gusto ko nang matapos 'to.







Raffy's POV

"Dylan, si Celine?"

"Nasa kwarto niya, kanina pa nga siya kinakatok nila mommy e, pero ayaw buksan."

"Anna, na saan na ang susi? Bilisan mo naman." Sigaw ni tito mula sa taas.

"Ito na po sir." Tumatakbong paakyat si Anna kaya sumunod na rin ako. Tinawagan ako ni Dylan para kanina at pinapapunta ako dito dahil ayaw daw ng ate niya lumabas ng kwarto. Umuwi daw ' bigla to kanina at dumiretsyo sa kwarto niya.

"Tita ano po ang nangyari?" Nag aalalang tanong ko. Nabukasan na ang pinto kaya agad na kaming pumasok.

She's Gone(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon