*RIN'S POV*
"DON'T ACT SO CLOSE TO MY SISTER! Don't go near her again! I don't trust you," matalim na sabi ni Oppa.
"Come on, Rin. Pumunta na tayo ng canteen."
Hinatak na ako palayo ni Oppa. Pero narinig ko pang nagpaalam sa'kin si Alex-oppa.
"Bye, Rin. Next time ulit."
Hindi ko maintindihan pero muling uminit ang mukha ko nang makita ko ang mga ngiti niya.
"P-Prince!"
Napalingon kami ni Oppa sa tumawag sa kanya. Napabuntong-hininga muna at napapikit si Oppa bago niya sinagot 'yung student librarian.
"Yes?"
"B-Bawal pong ilabas basta-basta ang mga libro rito sa library," sabay turo niya sa hawak ko.
Gulat naman kaming napatingin sa dala-dala ko. Hindi ko pala naisauli 'yung Little Women na dapat babasahin ko kanina.
"Sorry, Miss. Nawala sa isip ko. Hihiramin ko na lang siya," pagpapaumanhin ko at binitawan naman ako ni Oppa para makapag-fill-up ako ng borrowing form.
Pagkatapos kong mag-fill-up at mag-abot ng libro sa librarian...
"Rin, nandito pa pala kayo," napalingon ako kay Lex-oppa na papunta na rin sa counter. Agad namang lumapit sa'kin si Oppa at niyakap ako mula sa likod.
Tulad ko, nagulat din si Lex-oppa sa ginawa ng kapatid ko. Hindi siya nagsasalita pero tinitingnan niya lang ng masama si Lex-oppa.
"Miss Rin, ito na po 'yung hinihiram niyo," napabaling naman ako sa babaeng nasa counter at nagpasalamat sa kanya.
"Lex-oppa, una na kami. Hiniram ko lang ito," sabay pakita sa kanya ng Little Women.
Napatango na lang si Lex-oppa. Agad akong hinawakan sa kamay ni Oppa at inilabas sa library. Nakita ko pang pakamut-kamot sa ulo si Lex-oppa nang makalabas na kami.
"O-Oppa, s-sandali lang," habol hiningang sabi ko.
Ang bilis kasi maglakad ni Oppa, tapos marami pa kaming nakaksalubong. Kahit na wala namang tumatamang tao sa'kin, nahihirapan pa rin akong iwasan ang mga tao.
Napahinto naman si Oppa at gulat na napatingin sa'kin. Pinunasan niya ang pawis na namuo sa noo ko at saka nagpatuloy sa paglalakad. Pero sa pagkakataong ito, mabagal na ang paglalakad niya at hindi na rin niya hawak pa ang kamay ko.
Bigla naman akong nalungkot. Kahit kasi nakakapagod sabayan ang lakad niya, nae-enjoy ko namang magka-holding hands kami hahaha. Ang sarap kaya hawakan ng kamay ng Oppa ko! Ang lambot!
"OH! CAPTAIN! Saan ang gera? Sino ang kakatayin?"
Matalim na tiningnan ni Oppa si Rick-oppa nang makasalubong namin siya papuntang cafeteria.
"Hi, Rick-oppa," bati ko.
"Hi, Angel!" sabay lapit niya sa tabi ko.
"Bakit mukhang papatay na naman ng tao 'yang si Captain?" bulong niya sa akin.
"Nakita niya kasi kaming magkasama ni Lex-oppa sa library. Eh, nagbiro pa si Lex-oppa nun kaya wrong timing talaga. 'Yan tuloy ang resulta, 'war-mode Len-oppa'."
"Anong biro!? Rin, sinasabi ko sa'yo, gusto ka nun pormahan! Hindi ako papayag na mapormahan ka ng kumag na 'yun!"
Napabuntong-hininga na lang ako sabay iling.
BINABASA MO ANG
I Love My Oppa [ONHOLD]
RomanceA story of two SIBLINGS who'll find love with each other... a love that is FAR BEYOND love between siblings... A FORBIDDEN LOVE. Paano nga kaya kung ang dalawang taong nagkasamang lumaki, nagkasama bilang magkapatid, ay ma-inlove sa isa't isa? will...