*SOMEONE'S POV*
FIRST DAY OF SCHOOL...
"Kyaaah!!! Ang gwapo niya!!!"
"Tumingin siya sa'kin! Oh my gosh! Oh my gosh! Oh my gaaaaaaasssshh!!!!"
Dinig naming tilian ng mga babaeng nadaanan namin.
"Grabe, pare! Kakasimula lang ng klase, may fans club ka na agad!?" sabi ng kaibigan kong si Ross.
"Ganun talaga pre 'pag inborn na ang kagwapuhan. Saan man ako mapadpad, walang babaeng hindi mahuhumaling sa'kin," pagmamayabang ko.
"'Lul! Ang yabang mo! Hahaha!"
"Pero pare, hindi ako naniniwalang kaya mong mabihag lahat ng babae rito sa campus. Oo, alam kong sikat ka sa lahat ng mga babae nung high school pa tayo pero i doubt na ganun din ang mangyayari ngayong nasa kolehiyo na tayo. Lalo na't napakalaki nitong campus na 'to," sabi ng isa ko pang kaibigan na si Chris.
"Pre, kilala niyo ako. Mula pa nung mga bata tayo, bata man o matanda, basta nagsusuot ng palda, kaya kong mapaibig sa'kin. Tested na 'yan," confident na sagot ko.
"O sige, ganito na lang pre, pustahan tayo. Pipili kami ng tatlong babae na popormahan mo. 'Pag naging kayo within this year, panalo ka. Pupusta ako kay Chris kasi naniniwala akong may babaeng hindi uubra sa pambobola mo," suggestion ni Ross.
"Anong premyo 'pag nanalo ako?" tanong ko sa kanila.
"Php 10,000.00 bawat isa sa'min ni Ross ang matatanggap mo."
"Call!" agad na sagot ko.
"G*go! Ang mahal naman nun!" singhal ni Ross.
"Okay lang 'yun para masaya. Tsaka hindi ka ba confident sa pinaniniwalaan natin?" pangungumbinsi ni Chris.
"Sige na nga. Palibhasa kasi mga anak mayaman! Barya lang ang 10k."
"'Lul! Mas mayaman ka pa sa'min eh!" sagot ko sabay tawa namin ni Chris at nakisabay na rin si Ross.
I will definitely get my hands on those Php 10,000.00.
*LEX'S POV*
"IS EVERYONE HERE?" tanong ni Captain.
"Yes, Captain. Including the freshmen and new recruits," sagot ni Vice Captain Roy.
"Good. Now, listen to what our manager would say."
Mula sa likuran ni Captain ay umabante si Kathryn na manager ng Basketball team at best friend ni Rin.
"Thank you, Len-oppalicious!"
Tinanguan lang siya ni Captain.
"Okay mga oppa-licious, since more than 2 whole weeks na kayong nagpa-practice, it's now time for our yearly BTC, short for Basketball Training Camp!" masiglang anunsyo ni Kat.
"Yes!!!"
"Alright!!!"
"Woohoo!!!"
Sigawan ng mga dati ng players. Samantalang kaming mga bagong players palang ay pumalakpak lang. Wala rin naman kasi kaming ideya kung ano ang mangyayari.
"Para sa mga bago palang sa team, let me explain everything. Every year, nagkakaroon ang basketball team ng training outside campus. It will be for 3 days and 2 nights. Meaning, Friday ng umaga ay aalis na tayo at babalik tayo sa Sunday na ng hapon. This will serve as your team building and training as well. Lahat ng players, mapa-regular man o hindi ay kasama rito. Syempre kasama rin ang manager at coach. You will all be excused sa mga klase nyo for Friday and Saturday," paliwanag ni Kat.
BINABASA MO ANG
I Love My Oppa [ONHOLD]
RomanceA story of two SIBLINGS who'll find love with each other... a love that is FAR BEYOND love between siblings... A FORBIDDEN LOVE. Paano nga kaya kung ang dalawang taong nagkasamang lumaki, nagkasama bilang magkapatid, ay ma-inlove sa isa't isa? will...