C02: Legend of an Angel~

259 3 1
                                    

Author's Note:

Dedicated to my sis ellymaeotaku ...

Enjoy reading po...

*******************

Chapter Two ~Legend of an Angel~

*RIN'S POV*

HINDI KO ALAM kung ano ang nangyari nitong mga nakaraang linggo. Natagpuan ko na lang kasi isang araw na laging sumasabay sa'min kumain si Alex-Oppa.

"Why are you with us, by the way?" masungit na tanong ni Oppa kay Alex-oppa.

"To chase away my admirers?" sagot naman nito.

"Whooo... Habulin ng chicks!" pabirong-bulong sa'kin ni Kat.

"And what does it have to do with hanging out with us?" tanong ulit ni Oppa sa kumakain na Alex-oppa.

"I just figured na kapag sumasama ako sa inyo nila Rin, walang humahabol sa'kin," nakangiting sagot nito.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila habang nilalantakan ko ang banana split na in-order ko. Syempre libre na naman ito ni Oppa.

"Bakit hindi ka na lang sumama sa mga kaibigan mo?" tanong naman ni Kat.

"May practice kasi sila ng soccer kapag ganitong oras kaya sa inyo ako sumasabay," paliwanag ni Alex-oppa.

Sa bagay, hindi naman oras-oras ay nakakasama namin siya. Tuwing kakain nga lang kami ng lunch ay tsaka roon siya sumasabay sa'min. Ito kasi 'yung time na pare-pareho ang vacant naming apat.

"Am I pestering you already?" tanong ni Alex-oppa na parang may lungkot sa pagkakasabi niya nun sa'min.

"Not really-..."

"Yes," pamumutol sa'kin ni Oppa.

"Oppa!" saway ko sa kanya.

"What!?"

Napabuntong-hininga nalang sa'min si Kat.

"Actually, Alex-oppa, 'di naman sa naiistorbo mo kami. Medyo nakakapanibago lang sa'min dahil hindi ka pa naman namin ganoon ka-close," paliwanag ni Kat.

"I understand. Pasensya na kung feeling close ako masyado. It's just that, madali lang kasing napalapit ang loob ko kay Rin," seryosong tugon nito.

Nagkatinginan kami ni Kat. Ramdam na ramdam na kasi namin ang black aura ni Oppa. Ganyan 'yan 'pag may nararamdaman siyang gustong pumorma sa'kin.

Well, para sa akin ay wala namang gustong iparating doon si Lex-oppa. Overprotective lang talaga si Len-oppa.

"She don't care kung napalapit na ang loob mo sa kanya. Just quit following her around and stay away from her!"

Madilim na ang mukha ni Oppa habang sinasabi ito kay Lex-oppa.

"What's your problem, bro? Wala naman akong ginagawang masama ah," parang naiinis na ring turan ni Lex-oppa.

"Don't call me bro because I don't have an ugly brother-..."

"Whoa! Whoa! Will you two stop it already? Baka kung saan pa mapunta 'yang pinag-uusapan niyo eh. Kalma lang guys," awat sa kanila ni Kat.

"Ikaw naman babaeng pinaglihi kay Rapunzel sa haba ng hair, hindi mo ba sila pipigilan?" nakataas-kilay na baling naman sa'kin ni Kat.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Eh?! 'Di ba napigilan mo na sila?"

Napasapo na lang sa noo niya si Kat.

"Nakalimutan kong nawawala nga pala sa Earth 'tong babaeng 'to 'pag lumalamon. Tsk tsk tsk."

I Love My Oppa [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon