*RIN'S POV*
"HINDI KA BA TALAGA SASAMA, RIN?"
Kasalukuyang kinukumbinsi ako ni Kat na sumama sa kanila ni Cheska-unni sa mall since wala kaming prof sa isang subject at vacant naman namin ang next period.
"Okay lang ako, Kat. Ayoko rin kasing lumabas ng campus. Sa library na lang muna ako. May gusto rin kasi akong basahing novel," pangungumbinsi ko sa kanya.
"Sige na nga. Pero kapag lunch na, magpasama ka kay Allen-oppa ha. Sa next subject na kasi ako makakabalik. Manonood kasi kami ng sine ni Unni," bilin ni Kat.
"Okay. Sige na. Hinihintay ka na ni Cheska-unni sa gate. Bye!"
"Bye!" paalam niya sabay takbo paalis.
Tulad ng sabi ko kanina, dumiretso na ako sa library.
Hilig kong magbasa ng novels lalo na kapag tungkol sa royalties, magic, mystery and love. Pero ibang genre ang hanap ko ngayon.
"Eto 'yun!" mahinang sabi ko nang makita ko ang hinahanap kong libro.
Little Women by Louisa May Alcott. May kalumaan na ang nobelang ito pero gustung-gusto ko pa rin ito. Nabasa ko na ang librong ito noong bata pa ako. Ito ang first novel book na ibinigay sa'kin ni Oppa, kaso nawala ko ang kopya ko noong maliit pa ako.
Excited kong binuksan ang libro at uupo na sana ako sa sahig na malapit sa shelf na pinagkuhaan ko ng Little Women, nang mapansin kong may nauna na pala sa'kin sa favorite spot ko.
Hindi ko siya mamukhaan dahil nahaharangan ng librong hawak niya ang kanyang mukha.
Aalis na sana ako nang biglang ibinaba ng estudyanteng iyon ang libro niya at napatingin sa akin.
"Alex-oppa?" sabi ko nang mamukhaan ko ang nasa harapan ko.
"Rin, ikaw pala 'yan! Dito ka na magbasa sa tabi ko. Malinis naman 'yung sahig dito sa part na'to," aya niya.
"Hindi, okay lang. Maghahanap na lang ako ng ibang pwesto. Sige, Alex-oppa. Una na ako," aalis na sana ako nang hawakan ako sa braso ni Lex-oppa.
"Dito ka na lang. Maganda 'tong spot na 'to," nakangiting sabi ni Alex-oppa.
"P-Pero baka maistorbo lang kita. M-Malakas kasi ako magbasa."
"Okay lang sa'kin kahit naka-mic ka pa magbasa. Ang mahalaga kasama kita at nakikita kita."
Hindi ko alam kung bakit pero parang iba ang ngiti at tingin ni Alex-oppa ngayon.
"Sige ka, kapag hindi mo ako sinamahan dito, iisipin kong galit ka sa'kin at ayaw mo na akong makita kahit kalian," sabi niya na naka-pout pa.
"H-Hindi ah! Hindi ako galit sa'yo. Wala naman akong dahilan para magalit eh."
"Edi umupo ka na sa tabi ko."
Napabuntung-hininga na lang ako sa pamimilit niya at umupo na lang. Nakasalampak lang kami sa sahig habang nakasandal sa may pader. May bintana rin sa ibabaw ng ulo namin na siyang nagbibigay liwanag sa lugar namin.
"Anong ginagawa mo rito? Hindi ba may klase ka?" nagtatakang tanong ni Lex-oppa.
"Wala kasi 'yung prof namin sa period na 'to kaya pumunta muna ako rito sa library," paliwanag ko.
"Ah... Akala ko nag-cutting ka eh hahaha."
"H-Hindi ah! H-Hindi ako nagka-cutting! Baka ikaw. 'Di ba dapat may klase ka ngayon?"
BINABASA MO ANG
I Love My Oppa [ONHOLD]
RomanceA story of two SIBLINGS who'll find love with each other... a love that is FAR BEYOND love between siblings... A FORBIDDEN LOVE. Paano nga kaya kung ang dalawang taong nagkasamang lumaki, nagkasama bilang magkapatid, ay ma-inlove sa isa't isa? will...