Author's Note:
Dedicated po ito sa aking loving friend na si bluenightshoujo14 ...
Dito ko muna lalagay ang dedications ko. Sa Wattpad App lang sa cellphone ako gumagawa eh heheheEnjoy reading guys...
********************
Chapter One ~Dream Guy~
*RIN'S POV*
"RINMAE, FAVOR NAMAN. Pakibigay naman ito sa Kuya mo, please," sabi ni Cheska, senior ko sa Literary Club.
"A-Ah s-sige," sabay kuha ko ng sulat na hawak niya.
"Salamat. Lilibre na lang kita mamaya ng lunch," masayang sabi nito.
"Naku, 'wag na po," pagtanggi ko.
"Huwag ka nang mahiya sa'kin. Tutal magiging sister-in-law mo na rin naman ako eh."
Nginitian ko lang siya ng alanganin at nagpaalam na paalis.
"Grabe talaga si Unni!!! Ako ang nahihiya para sa kanya eh!"
Napalingon ako roon sa nagsalita.
Kathryn Dela Paz, 16 years old; ang kaisa-isang best friend ko mula pa pagkabata.
"Hayzt. Wala tayong magagawa. She really likes my oppa," sabi ko habang inaayos ko ang gamit ko sa desk ko.
"Yeah, but he doesn't like her. Hello!? Ilang beses na kaya siyang ni-reject ng kuya mo. Sabi ko nga maghanap na lang siya ng ibang ta-target-in niya eh. Marami namang iba diyan. Well, I admit na walang papantay sa kuya mo. I mean, he got it all; the looks, the fame, the brains and the oh-so-hot body!" bulalas niya.
Yeah... That's my brother. A God.
The Mr. Perfect
"So, you also have a crush on my Oppa now?" sabi ko sa kanya na may mapanlokong tingin.
"Of course not! Hindi ko tinatalo ang kapatid ng best friend ko. And 'di ko siya type no! Ayoko sa mga 'good guy'-type. Gusto ko 'yung medyo bad boy. Ala-'Daniel Padilla' ba ang peg," kinikilig na sabi niya.
Napatawa na lang ako sa kanya nang mag-start na siyang mag-daydream. Well, ganyan naman lagi ang ginagawa ni Kat 'pag napag-uusapan namin 'yung type-type na 'yan. Patay na patay kasi siya kay Daniel Padilla kaya lagi niyang sinasabi sa'kin na kapag nagka-boyfriend siya, gusto niya katulad ni Daniel.
"Eh ikaw? Ano nga ba ang dream guy mo? Alam mo 'yung akin pero hindi ko pa alam 'yung iyo. Anong klase nga ba ng lalaki ang gusto ng isang Rinmae Gonzales Montez?"
Napaisip ako saglit at napabuntong-hininga.
"Siguro, gusto ko sa lalaki ay 'yung mabait, gwapo, matalino, 'yung laging nandyan palagi para sa'kin, 'yung lagi akong pinagtatanggol, 'yung kapag malungkot ako, dadamayan ako at hahaplusin ang ulo ko, 'yung-..."
"In short, katulad ng Kuya Allen mo?" pagputol sa'kin ni Kat.
Tumango ako.
Yes. My dream guy is like my Len-oppa.
"Oh my gosh!!! Parating na siya!!!"
"Kyaaahhh!!! Ang gwapo talaga ni Prince Allen!!!"
Narinig naming sigawan ng mga nasa labas ng room.
Napalingon kaming pareho ni Kat sa tinitingnan ng mga kaklase naming babae.
"Mukhang may nakalimutan ka na naman, Rin," nakapangalumbabang sabi sa'kin ni Kat.
BINABASA MO ANG
I Love My Oppa [ONHOLD]
RomanceA story of two SIBLINGS who'll find love with each other... a love that is FAR BEYOND love between siblings... A FORBIDDEN LOVE. Paano nga kaya kung ang dalawang taong nagkasamang lumaki, nagkasama bilang magkapatid, ay ma-inlove sa isa't isa? will...